(Cara) "Ano ba iyong pinag-usapan ninyo ni Grandmama?,"seryosong tanong nito nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa hapag kainan. "Wala naman,"kibit balikat kung sagot.Sabi kasing inborn talent ko ang mag-keep ng secret kaya sorry na lang sa kanya. "Sigurado ka?,"paninigurado nito ngunit syempre may isang salita ako kaya kailangan ko iyong pangatawanan. "Oo nga," kunwari ay nakukulitan na ako sa kanya na ikina-inis naman niya. "Pag-malaman kung nagsisinungaling ka.I will kill you,"matigas na banta nito saka tumayo.Mukhang pupuntahan na siguro ang lola niya na nasa garden.Ako naman ay tumayo na rin at nilibang ang sarili sa pagtingin sa buong kabuuan ng malaking bahay. Sa paglilibot ng mata ko ay nahagip ko iyong photo album na nasa ilalim lang ng center table sa sala.Nilapitan ko i

