(Cara) "Sige sir,sa...." Ang walang hiya!Bastusan lang?!Magpapasalamat pa sana ako kaso hindi pa nga ako natapos sa pagsasalita ay tinalikuran na ako para pumasok sa loob ng kotse niya.Pagkatapos non ay pinaharurut na kaagad nito ang sasakyan niya.Gawain lang ng mga walang modo! I'm trying so hard to be nice to him kahit papaano ngunit talagang pinanganak siyang magaspang ang ugali.At wala na tayong magagawa doon,wala naman kasing gamot para doon. Makapasok na nga lang sa bahay.Naka-dalawang hakbang pa lang ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko. "Ay kabute!,"gulat na sambit ko.Mabuti na lang naka-preno ako kaagad dahil kung hindi baka nagkabunggo na iyong ulo naming mag-ina. "Oh,matz!Kanina pa kayo diyan?,"medyo kinakabahan kung tanong. "Kanina pa!,"poker face na sagot nito.

