(Cara) "Biik sorry na kasi,"at patakbong hinabol ko ito.Hanggang ngayon kasi ay nagtatampo pa rin siya mula ng ipagtapat ko ang tungkol kay Dylan sa kanya.Kung alam ko na ganito pala ang mangyayari sana nilihim ko na lang.I mean muna. "Tse!,"irap nito at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.Parehong papauwi na kami ngayon pero actually kanina pa talaga ang out ko kaya lang hinintay ko siya.Mula pa kasi kahapon ay hindi pa rin niya ako kinikibo.Medyo nakaka-miss din kasi ang pambubwesit niya sa akin kahit papaano. "Sorry na kasi!,"pangungulit ko ulit sa kanya at saka pinulupot iyong braso ko sa braso niya. Pilit naman niya iyong tinatanggal pero sadya kung hinigpitan."Sorry na!Promise ito na talaga iyong last na sekreto na ililihim ko sayo.Intindihin mo naman kasi na nahihirapan din ak

