(Cara) "Where have you been?,"biglang tanong ni Dylan sa akin pagkapasok na pagkapasok ko mismo sa loob.Nakayuko ito sa table niya kaya hindi ko mismo makita sa mukha niya kung galit ito o hindi.Kaya sa tono ng boses na lang niya ako nag-base.Mababa ang tono nito ngunit madiin naman ang pagbigkas niya sa bawat salita.Confirm,medyo galit lang siya. Kanina lang halos hindi niya ako kibuin ngayon naman parang nag-gagalaiti na ito sa galit ngunit hindi niya lang nilalabas.Hinanap ng mga mata ko muna si Eric bago siya sagutin ngunit mukhang nasa labas pa ang bakla. "Niyaya ako ni biik,I mean ni Annie maglunch sa labas,"pagsisinungaling ko. "Liar!,"sambit nito at kinuyumos ang mismong folder na binabasa niya kanina.Napahawak naman ako sa dibdib ko sa nararamdamang gulat sa ginawa niya.Tila m

