(NARRATOR POV) Halos lahat ng tauhan sa hotel ay kabado sa biglaang pagbisita ni Mr. Lander Lopez.Ang striktong ama ni Dylan.Maliban nga lang kina Ms. Reo at Dylan na kampante lang sa kani-kanilang mga opisina.Tila walang paki ang mga ito habang si Cara naman ay tahimik lang na nakamasid sa mga kaganapan at magaganap pa lamang.Wala din itong ideya tungkol sa ama ni Dylan maliban lang sa sinabi sa kanya ni Annie na terror ito.Mas malala pa ang pagkasuplado kay Dylan. Katatapos niya lang ligpitin ang pinagkainan ni Dylan nang aksidente nitong mahagip ng kanyang mga mata na nakatingin ito sa kanya at kaagad namang binawi iyon ng lalake Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila nagpapansinan.Tila walang balak ang bawat isa sa kanila na magbaba ng kani-kanilang pride. "Nasa opisina na po ni

