Chapter 4

1366 Words
Cara's POV Dahil first day ko sa trabaho ay talagang inagahan ko ng sobra ang gising ko,mahirap ng matrafic noh!Lalo na ngayong lunes na lunes. Nagmessage muna ako kay biik pero hindi rin naman siya naka-replay baka tulog pa siguro.Anyway,hayaan na natin total mamayang 10 pa naman ng umaga ang pasok niya. Pagkalabas ko muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat .Eh paano naman kasi maaga din palang nagising si erpatz tapos dala-dala na niya kaagad ang uniform ko na mukhang kakaplantsa lang niya. "Uniform nyo po,my princess."Sabay abot sa akin at kaagad ko namang tinanggap. "Patz naman,sabi na ako na eh." Nakakahiya naman kasi na sa tanda kung ito si erpat pa rin ang namamalantsa ng mga damit ko. "Tumigil ka nga diyan,alam ko naman na hindi ka magaling mamalantsa kaya ako na muna.Dapat kasi first impression pa lang sayo ay malinis ka na klase na tao kaya sige na maligo kana doon.Total nandoon pa naman iyong Mama mo sa kusina." "What?Si ermatz?Maagang nagising?,"bulalas ko na parang hindi makapaniwala.Hindi naman kasi iyan madalas magising ng maaga.Laging si erpat ang nauunang magising sa aming tatlo at nagluluto ng agahan. "Aba'y isang milagro iyon patzz!" "Anong milagro?,"biglang sabat ni ermat sa likuran ko na pala.Kabote nga talaga! "Milagro po na nagising kayo,"nakangisi kung sagot at isang matalim na erap naman ang binato ni ermat sa akin.Hindi talaga mabiro kahit kailan.Para hindi na ako mabatukan ng ganito ka-aga ay tumakbo na ako papasok sa loob ng banyo namin.Mahirap na noh,magkabukol pa ako sa unang araw ng trabaho ko. Matapos kung isukat ang uniform ko ay umikot-ikot muna ako sa harap ng salamin.Kahit na room attendant ka lang pala ay sobrang ganda pa rin ng uniform nyo.Naglagay din ako ng light na make-up.Pagkatapos non,ang lumang sapatos ko naman ang kinuha ko sa lagayan niya. Malungkot ko itong tinitigan at pinanalangin na sana aabot pa ito sa sahuran namin.Tapos biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Pumasok doon si ermat na may dala-dalang kahon. "Hindi iyan libre!Babayaran mo iyan pagnagka-pera kana,"sabay abot sa akin ng kahon.Excited ko namang binuksan dahil alam ko naman kung ano ang laman non.Kaagad ko na itong isinukat at saktong-sakto nga sa paa ko. "Matz,"parang maiiyak kung sabi. "Maganda siya!"Tapos hinakbang-hakbang ko pa siya para malaman kung komportable nga.Hanggang sa makalabas na ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko sa kanto ng bahay namin ay kaagad na akong nag-abang nang jeep,swerte naman dahil hindi punuan.Nakaka-inis kaya kapag ganoon,gusot gusot na iyong uniform mo bago ka makarating sa pupuntahan mo. 8:00 AM at TOP Hotel Habang naririnig namin ang yabag ng sapatos na papunta sa direksyon namin ay pareho talaga kaming anim na kinakabahan.Sabi kasi ng baklang HR kanina,masungit daw iyong si Ms.Reo.Siya iyong supervisor ng housekeeping at pati na rin sa iba pang empleyado.Kahit malayo pa lang siya mararamdaman mo na kaagad sa aura niya na masungit siya. "Good morning and welcome to my club,"taas kilay niyang bati sa amin habang papalapit pa lang siya amin.May hawak itong mahabang stick na hinahampas-hampas sa kamay niya habang naglalakad.Nasa malapit-lapit singkwenta na siguro siya ngunit hindi lang mahahalata dahil sa mga kolorete niya sa mukha.Pero may isang bagay na sobrang wierd sa kanya.Iyon ay iyong kulay ng buhok niya na color blue.Siguro K-pop fan din siya.Sa edad kasi niya na iyan,magkaka-interes pa ba siya sa ganyang arte sa katawan. Inisa-isa niya kaming tinitigan mula ulo hanggang paa.Pati na rin ang mga nameplates namin na naka-pin sa mga damit. "Na memorize ko na ang mga names ninyo kaya hindi nyo na kailangang magpakilala pa.Ako na lang,just call me Ms.Reo,"taas kilay niya pa ring sabi. "Yes Ms.Reo,"sabay-sabay naming sabi na mahahalata mo sa mga boses na kinakabahan talaga. "And take note,just Ms. Reo.Hindi Maam Reo or kahit na ano.Just Ms. Reo!Okey!,"matigas niyang sabi habang hinahampas pa rin ang dala niyang stick sa kamay niya. "Yes Ms. Reo,"sabay ulit naming sabi. "Good!" Ibinalik ulit niya ang kanyang paningin sa akin.Kinabahan tuloy ako bigla dahil baka hindi niya nagustuhan ang make-up ko dahil masyado lang siyang light kumpara sa mga kasamahan ko. "Ms. Santos?,"tawag niya sa akin.At sumagot naman ako kaagad. "Nabasa ko iyong application form mo at ikaw lang iyong may mas maraming experience kumpara sa mga toh.Kaya sayo ko,ihahabilin ang paglilinis doon sa room 367. "Po?,"bulalas ko.Ang layo kaya ng room na iyon.Mukhang sa pinaka-tuktok pa iyon ng building na toh eh.Kahit pa sabihin nating may elevator.At naikwento sa akin ni Annie na hindi ka basta-basta makakatungtung doon dahil teretoryo iyon ng mga tyrant na nagmamay-ari ng hotel.Pero kunsabagay wala naman daw doon ang mga may-ari kaya keri lang muna. "Hindi ka naman siguro binge diba?Kaya mauna ka na doon at susunod na lang ako after kung e orient ang mga ito." Sabay hampas ulit ng stick na hawak-hawak niya sa kamay niya.Kaya sa sobrang takot ko na baka sa akin niya na ihahampas iyan ay tumalima na ako kaagad. Tama nga ang hula ko na nasa tuktok nga ito ng building,nasa 18'th floor kasi ito.Napabilang ang kwarto na toh sa presidential suite pero mukhang kakaiba ang kwarto na ito sa lahat.Dahil sabi nila magsisilbi na daw itong tahanan at opisina ng anak ng may-ari. Kaagad ko namang kinuha iyong access card na binigay sa akin ni Ms. Reo para mabuksan na ang kwarto. Pagpasok ko,sobrang namangha talaga ako at parang maiiyak.Namangha ako sa ganda at naiiyak ako sa laki at lapad niya. Ikaw ba naman ang paglinisin ng ganito ka laki na kwarto,hindi ka maiiyak.Ni minsan nga hindi ko pinangarap na magkaroon ng malaking bahay lalo na kung ako lang naman ang maglilinis.Inikot-ikot ko muna iyong paningin ko sa kabuuan ng kwarto.Malaki pa nga ang sala nito sa kabuuan ng bahay namin.Pero mukhang wala namang kwarto dito?Saan naman siya matutulog?Sa sala?Ang nakikita ko lang naman ay iyong opisina niya,sala at dito naman sa kabila ay ang kusina niya. May napansin din akong malaking painting ng isang magandang babae na naka-sabit sa ding-ding.Mukhang familiar sa akin ang mukha niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. "Huwag mo iyang masyadong titigan dahil baka biglang mabuhay!," boses ni Ms. Reo nasa likuran ko na pala siya. "Sorry po,"hinging paunmanhin ko kaagad. "Asawa iyan ni Sir Lander,may ari ng hotel na ito,"malungkot na sambit niya. "So,sa kanya po itong kwarto na ito?" "Hindi sa anak niya,"mabilis niyang sagot. "Kaya pagbutihin mo ang paglilinis at pag-aayos dito.Madaling uminit ang ulo ni Dae kapag may nakita siyang kahit kunting alikabok sa kwarto niya.Kaya kung gusto mong magtagal ayusin mo iyong trabaho mo,"banta nito at pumunta ito sa isang gilid na lagayan ng mga libro.May parang pinidot ito at bigla na lang naghiwalay ang kanina ay magkadikit na ding-ding. Medyo natigilan pa ako sa nakikita kaya hindi ko muna nagawang makakilos kaagad.Idagdag pa iyong pangalang Dae,pareho pa sila ng nickname ng ex kung sira-ulo. "Ms. Santos nakikinig ka ba?,"untag niya sa akin sabay mag-finger snapping sa harap ng mukha ko mismo. "Ye_s po.Ms. Reo,"mabilis kung tugon. "Pero hindi ba siya magagalit kapag pumasok ako diyan.Sa style kasi ng kwarto niya mukhang sinadya niya talagang itago para walang makakita." "Iyan pa pala ang hindi ko nasabi sayo.Dahil ikaw ang kauna-unahang nakakita sa kwarto niya na ito maliban sa akin.Ikaw na ang araw-araw na maglilinis dito.Magsisilbi sa kanya at maghahatid ng pagkain niya palagi." "Po?" Hindi pala ako hotel attendant dito.Yaya at serbidora pala ako ng may ari?Sound something creepy!Mukhang papalpak ka na naman Cara.Ewan ko sayo! "Considered it as an honor my dear." "The heck with that?Nakakain ba iyan?,"piping sabi ng isipan ko. "Hindi lahat nabibigyan ng chance na makalapit sa amo natin kaya maswerte ka.Ayusin mo iyong trabaho mo dahil lagot ka sa akin kapag pumalpak ka,"nakangiti niyang banta sa akin.And i find it creepy wierd kaya mas lalo akong natatakot sa kanya. "Yes,Ms. Reo,"garalgal kung sagot. "Ulitin mo dahil mukhang kinakabahan ka ayon sa boses mo.Hindi ako monster at mas lalong hindi nangangain ng buhay." Bigla namang napawi ang takot ko sa kanya bigla.Sinasabi ko na nga bang may soft spot din sa puso niya eh. "Yes po,Ms. Reo,"masigla kung sabi saka ngumiti. "Good!,"taas kilay naman niyang sabi at humakbang na palabas.Ako naman ay kumilos na kaagad para maaga ko na itong matapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD