Cara's POV
"Patz!,"tili ko kaagad matapos kung ibaba ang cellphone ko.Katatawag lang kasi ng TOP Hotel na pinag-aplayan ko at sabi nila kapag mapasa ko na lahat ng requirements na hinihingi nila ay pwede na mismo akong magsimula kaagad.Tumatakbo pa ako habang papasok ng bahay namin.
Kinabahan namang lumabas mula sa kusina ang aking ama.
"Ano iyon nak?Anong problema?,"natatarantang tanong niya."May ipis na naman ba?Nasaan iyon at papatayin ko?"
"Patz,naman!Wala po,may good news lang ako."
"Hay naku na bata ka!,"sabay hinga ng malalim "Akala ko naman may ipis ka na naman na nakita.Ano naman iyong goodnews mo?"
"Tanggap na po ako patz?,"sobrang hyper na pagkakasabi ko na tila kinakanta pa ang sinasabi.Tapos nagtatalon-talon pa sa sobrang kaligayahan.
"Talaga!,"na-excite na tanong ng aking ama. "Ang galing naman ng anak ko.Manang-mana sa akin,"masaya pa niyang sabi sabay yakap sa akin kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya.
"Patz!Siguro titigil kana muna na maglako ng balot sa gabi.Magkakatrabaho din naman ako.And this time,pangako ko na last na hotel ko na ito na pagtatrabahuan hanggang sa maging supervisor ako,"determinado kung sabi saka siya tiningala.
"Nak naman,huwag mo namang pag-initan iyong sideline ko sa gabi.Malulungkot ang mga customer ko kapag gawin ko iyon,"biro niyang sagot.
"Bakit?Hindi ka pa rin ba napapagod?Padalas nga ng padalas iyang pagsakit ng likod mo." Nakanguso kung sabi. "Parang sa tuwing nakikita kitang naghihirap sa merkado sa pagtitinda,alam nyo po bang sumasakit ang puso ko.Dahil dumadagdag iyong edad ko pero ni hindi ko man lang mai-ahon sa kahirapan ang tatay ko."
"Bakit?Isinilang ka ba namin ng Mama mo para maging sagot sa kahirapan namin?Nak,hindi ganoon iyon.Alam mo ba na sa tuwing nakikita ko lang kayong kumakain sa pinaghirapan ko,napapawi na lahat ng hirap na naramdaman ko sa maghapon.Kaya huwag mong isipin na hindi na kayang kumayod ng papa mo.Kakayod ako nak hanggat nangdiyan kayo na pamilya ko."
"Weeh?Hindi nga,"parang naglalambing na sabi ko.
"Oo naman,halika na nga para masabi na natin sa Mama mo."
Aakma na sana kaming tatalikod ng....
"Huwag na dahil narinig ko na,"biglang sambit ni ermats mula sa likuran namin.Parang kabote na biglang sumulpot na lang ito.
Nakabihis na ito ng uniporme niya at mukhang nagreready na sa pagpasok sa eskwelahan.At kasalukuyang naglilinis lang ito ng suot-suot niyang sapatos.
"Ikaw na muna iyong maghahatid sa kapatid mo sa school niya,"sabi nito sa akin.Na hindi lang man natuwa kahit kunti sa binalita ko.
"Ayaw nyo po ba akong e-congratulate Ma?,"ingos kung sabi na may himig na pagtatampo.Tiningnan naman ako nito sandali.
"Ewan ko sayo na bata ka,basta pagbutihin mo na lang this time.Hay naku!At iyang pasensya mo dapat mong habaan dahil requirements iyan sa pinili mong trabaho.Kaya pagbutihin mo ang pagsisilbi sa mga tao na pupunta ng hotel."
"Nagsisilbi din naman kayo sa bayan ah,"parang nagpaparinig na sagot ko.
"Kita mo na,sasagot pa eh,"singhal niya sabay palo sa akin sa braso. "Maka-alis na nga!Iyong baon ni Randy nilagay ko na sa lunch box niya,paki-check na lang,"utos nito habang humahakbang palabas ng gate namin.
Napa-fist bump naman kami ni erpat pagka-alis niya at pinuntahan ko na si bunso para gisingin.
Wala talaga sa bukabularyo ni Mama ang ngumiti umagang-umaga.
"Wala ka bang assignments,bunso?,"tanong ko kay Randy habang hinihintay ko itong makatapos sa paliligo niya.Gusto ko man siyang tulungan pero ayaw naman niya dahil big boy na daw siya.Langya!Ang bata-bata pa pero marunong ng mahiya.
"Nagawa ko na po,"sagot naman niya.
"Wow,ang galing naman ng baby namin."
"Oo naman,mana kay Mama eh,"mabilis niyang sagot pagkalabas niya mismo ng C.R namin.Kaagad ko naman siyang sinalubong para punasan ang buhok niya ng towel.
"Kay Mama lang ba talaga?"Tila nagtatampo kung sabi habang pinatutuyo ko ng tuwalya ang buhok niya.
"Syempre naman,alangan naman sayo.Sabi ni Mama sa kanya lang daw ako nagmana dahil masunurin akong bata hindi katulad mo parang bato ang ulo."
"What?,"nanlaki ang mata kung sambit. "Sinabi niya iyan sayo?,"naiinis kung sabi at tumango naman ang bata.
Tssh!Ito talagang si ermat kahit kay bunso sinisiraan ako.Parang hindi niya talaga ako anak kung ituring.Kawawa naman ako. :(
"Pero sa mukha,alam kung sayo ako nagmana ate mommie." Nakangiting sabi ng bata,napansin siguro nitong sumimangot ako bigla.Hinawakan pa nito ang mukha ko.Ang batang toh, marunong talaga kung papaano lambingin ang mga babae.Sana hindi lang ito lumaking babaero ngunit hindi naman ako nababahala dahil wala sa lahi namin iyon.Stick to one kaya ang Papa namin.
"Hindi ako maniniwala hanggat wala kang kiss na binibigay,"tudyo kung sabi sa kanya na tumalima naman kaagad siya para e-kiss ako sa pisnge.
"You believe me now?,"sabi pa niya sabay magpa-cute.Hay saan kaya nagmana ang batang toh?
"Oo na po at bilisan na natin dahil male-late ka na."
Sabay kurot sa mataba niyang pisnge.Nasa kinder 1 pa lang siya ngayon.Maaga nang pina-aral ni Mama dahil walang pwedeng magbantay sa kanya at isa pa.Gustong gusto din naman ng bata kaya pinagbigyan na lang namin.
Maya-maya lang tinawagan na ako ni Annie.
"Bakit?,"sabi ko kaagad.
"Dala mo na ba lahat ng requirements?,"kaagad niyang tanong sa kabilang linya.
"Oo,idadaan ko na ito mamaya pagkatapos kung ihatid si bunso."
"Good!May pambayad ka na ba sa uniform mo?,"bigla niyang tanong.
Napakamot naman ako sa batok ko dahil nakalimutan kung manghingi este umutang kay ermat.
"Na_kalimutan kung humingi kay Mama eh,may extra ka ba diyan?,"tila nag-aalangan kung sabi.
"Hay naku!Hindi talaga biro ang paghihirap mo beshie.Sobrang real!"
"Oo nga eh,"nakasimangot kung sabi. "Sinubukan ko namang tumaya sa lotto pero hindi naman ako siniswerte."
"Tumigil ka nga,as if tumataya ka.Sa sobrang kuripot mo na iyan."
"Oo na,teka asan ka ba?Bakit parang ang lapit mo lang,"taka kung tanong at humalakhak naman siya sa kabilang linya.
"Charaaaaaan!,"biglang sambit niya at biglang sumulpot sa harapan ko.
"Bruha ka talaga eh,"sambit ko sabay hampas sa kanya ng dala kung folder. "Umabsent ka ulit?"
"Hindi noh,nilipat ko lang ngayong araw iyong day-off ko para samahan kang pumasa ng mga requirements mo doon.Sa laki kasi ng building baka maligaw ka pa."
"Sinong maliligaw?,"palusot ko.Pero sa totoo lang,madali talaga akong maligaw sa isang lugar kapag masyadong malaki.Kaya nga hindi ako nag-temp na ma-masyal mag-isa sa SM Cebu seaside.Mahirap ng maligaw na mag-isa noh.
Nag-wave to say hi naman ito kay Randy ng makita niya ito.
"Huwag mo nang subukan na pisilin ang pisnge niya,"babala ko sa biik.Ayaw na ayaw kasi ni Randy na may ibang tao na pumipisil sa pisnge niya.Gusto niya ay iyong mga tao lang sa bahay dahil pagnagkataon magwawala na lang ito bigla.Susumpungin na naman ng tantrums niya.
Pagkatapos naming ihatid si bunso sa school niya ay pansamantala ko muna siyang iniwan doon.After niyan diretso na kami kaagad sa hotel.
Nagsukat ng uniform tapos ay kaagad din namang binayaran.Sinabihan naman ako na pwede na akong magsimula sa lunes for orientation at sa kunting training dahil marami din naman daw akong naging work experience sa mga hotel.Kaya mukhang hindi na ako dadaan sa matinding training tulad sa mga newbie pa lang.
"This is it!,"malaya kung sigaw pagkalabas mismo namin ng building.Sa wakas kasi mukhang magkakaroon na ng liwanag ang buhay ko ulit.Sana dito na nga ako magtagal dahil baka pagpumalpak na naman ako siguradong itatakwil na ako ni ermats.Huwag naman sana!