PATRICIA POV “Don’t be jealous. Malapit na tayong ikasal, you’ll be my Mrs. Rodriguez,” Nakaramdam ako ng bigat sa puso ko. Siguro nga ay tuluyan na akong nahuhulog kay Trone pero ang kasal na mangyayari ay hindi tungkol sa pag-ibig kun’di sa katotohanang gusto kong malaman. Pagkaalis ng yakap ni Trone ay inaya niya akong lumabas para mag-ikot sa mall at makapagpalamig. Naiinis ako sa babaeng kanina. Acryl? Ang ganda ng pangalan, hindi bagay sa may-ari. Tsk. “What do you want to eat?” malambing na tanong ni Trone habang hawak ang kanyang menu. Hindi ko magawang magduda kapag kasama si Trone, siya kasi yung taong papangarapin ng mga kababaihan. “Ahm.. Haemul pageon and merlot,” sabi ko sa waiter at umalis na rin siya. Ilang saaglit, may tumawag sa phone ni Trone kaya’t nagpaalam n

