Pinagmamasdan ko ngayon ang singsing na aking suot. Bago tuluyan kaming magkahiwalay ni Trone, binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at tuluyang umalis. Pumunta na akong kwarto at agad tinawagan si Justin para sabihin ang mga nangyari. Hindi ko alam kung tama bang tinanggap ko ang ginawang proposal ni Trone. ***** Nagtuloy ang imbestigasyon. Dahil sa kawalan ng oras, napababayaan ko na ang kumpanya. May mga investor ang tumanggi sa amin dahil sa hindi ko pagsipot. May mga appointments akong hindi na napupuntahan. Nakadukmo na ako sa lamesa dahil gulong-gulo na ang isip ko ng biglang bumukas ang pinto. Wala akong lakas para tignan pa iyon. Ilang minuto ang lumipas ngunit anumang salita ay wala akong narinig mula sa dumating. Napagdesisyunan kong iangat ang aking ulo upang makita

