kABADO- iyan ang tamang salita sa nararamdaman ko ngayon habang palapit sa office ni Trone. Hindi naman na bago sa akin ang pagpunta dito, ngunit ngayon ay hindi na. “Ma-am…” “Ay jusko po,” nagulat ako sa biglang pagsasalita ng nasa likod ko, ang Secretary ni Trone. “Si president po ay kasalukuyang nasa meeting,” Ngumiti ako bilang tugon bago siya umalis. Tahimik lang ang opisinang ito, malinis at may mga dokumentong nasa isang cabinet. Hindi ako nakikialam sa anumang bagay na nandito ngunit ngayon ay may kung anong humahatak sa akin at nais dalhin sa lugar na iyon. Nanlalamig ang buo kong katawan habang tinitignan ang buong paligid. Noong masiguradong walang tao, binuksan ko ang unang door ng cabinet at maraming mga papeles ang nandito. Sinarado ko na. bubuksan ko na sana ng biglang

