NAJEE: (THIRD PERSON POV) “Hijo, napadaan ka!” bulalas na saad ng kanyang Ina nang bumungad siya sa harapan nito. Dali-dali itong tumayo at itinigil saglit ang ginagawang paglalagay ng bulaklak sa flower vase. Inabot niya kaagad ang dala niyang bulaklak bago yumakap sa kanang Ina. “I have a party to attend somewhere here in Bulacan pero mamaya pa naman 'yon. Naisipan kong dumaan muna dito para ibigay sa inyo ang bulaklak na 'yan,” paliwanag niya habang umuupo. Natutuwa ang kanyang Ina kaya lihim siyang napa-umis. Pigil na pigil lamang ang umis na iyon at tila wala pa siyang lakas ng loob na makita iyon ng kanyang Ina. “Thank you, Hijo--Meg, pasuyo naman ako ng juice para kay Kuya mo Najee. Yo'ng malamig na malamig, please. Thank you,” anang paki-suyo nito sa katulong. Nilaan niya

