Chapter 30

1538 Words

JAHZARA: (FIRST POV) “Ba't ang aga mo dumayo?” tanong ko agad kay Rain ng mabungaran ko siyang nag kakape na sa labas ng bakuran. Nasa kabilang bakod lang ang bahay niya kaya kahit naka-lock ang gate may access pa rin siya para makapasok sa bakuran ko. Bukod sa mini-gate na nasa gilid lang ng mini-garden kayang-kaya niya rin akyatin ang bakod para makapasok dito sa area ko. Konektado sa area niya ang mini-gate na nasa gilid lamang ng bahay ko kaya hindi talaga siya mawawalan ng access. “Mas nauunang sumikat ang araw dito sa area mo kaya dito muna ako tumatambay,” katwiran niya bago tuluyang ibinalik sa harapan ang paningin niya. Kumunot na lang ang noo ko bago sinapo ang aking tiyan. “Mamaya lumipat ka na do'n sa area mo,” baliwalang taboy ko sa kanya bago siya tinabihan sa pag-upo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD