Jahzara:
Hinikayat ko ang aking sarili na gawing komportable ang pag-aayos ko ng aking mga gamit. Wala naman akong ibang gamit dahil wala naman akong dala dito kaya ang inayos ko ay ang mga ginamit kong personal hygiene staka 'yong mga binili ko kanina.
Bumuntong-hininga ako matapos kong ayusin ang lahat. May nakita akong ilang paper bag na nakapatong sa cabinet pero hindi ako nangahas na paki-alaman iyon dahil sa isip-isip ko ay para iyon sa babaeng kasama niya. Nagkaro'n tuloy ako ng dahilan para isipin na kaya niya pinaayos ang aking mga gamit dahil dito niya papatulugin ang kasama niyang babae.
Sa plastic na supot lamang nakalagay ang mga hygiene kit ko kasama na sa mga pinili ko kanina. Sinigurado ko na wala na akong naiwan o nakalimutan sa loob ng silid kaya sa huling pagkakataon ay sinuyod ko ulit ang loob ng kuwarto. Kaso, natigilan ako nang mapako ang mga mata ko sa kahon na nakasuksuk sa ilalim ng cabinet. Kahon 'yon ng dress na sinuot ko no'ng ikinasal kami.
Dali-dali akong lumapit saka inusod ko pa papasok sa ilalim. Ngayon hindi na siya kita. Naro'n na rin ang dress na pina-laundry ko kanina. Mapait akong ngumiti bago tumayo.
“Bahala na kung saan ako pupulutin.” Natatawa kong ani sa aking sarili bago pinihit ang seradura kaso napa-urong ako nang basta tumulak papasok ang pintuan! Natameme ako nang bulto ni Sir Najee ang bumungad.
“Where are you going?” Iritadong tanong niya sa akin habang nilalakbay ng kanyang paningin ang mga bit-bit kong supot. Napalunok ako saka yumuko dahil nang bumalik sa akin ang kanyang paninitig bigla akong sinalakay ang kaba.
“Aalis na.” Tanging saad ko bago humakbang ng pasulong. Nag bigay siya ng daan dahilan para isipin kong bukal sa loob niyang hahayaan akong makaalis.
Wala na ang babae kanina kaya nagtaka ako sa likod ng panginginig ko.
“At sino nagsabi sa'yo na aalis ka?” Na alarma ako kung kaya't napatigil ako sa paglalakad!
Hinablot niya ang isa kong kamay dahilan para mapaharap ako sa kanya! Pwersado ang ginawa niya kaya namilog ang mga mata ko nang pulgada nalang ang pagitan ng aming mga mukha at maglalapat na ang mga labi namin!
Agad kong binawi ang sarili ko kahit sobrang higpit pa ang pagkakahapit niya sa aking bewang! Natataranta akong lumayo sa kanya saka kumalma.
“Ang...sabi mo kanina ayusin ko ang mga gamit ko.” Paliwanag ko kahit hindi pa rin ako kalmado. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Parang mas lalo siyang naging iritado. Parang nanggigil siya pero kinokontrol niya lang ang kanyang sarili.
“You misunderstood what I said, Lady. Hindi porket pinapaayos ko ang mga gamit mo ay pinapaalis na kita.” Naiiling niyang sabi. “What I mean is yo'ng mga pinamili ng assistant ko ang ayusin mo. Nasa kuwarto mo 'yon dahil mga gamit mo 'yon.” Mahabang paliwanag niya. Nakagat ko tuloy ang aking ibabang labi nang mapayuko ako dahil sa hiya!
“Hindi niyo naman kasi sinabi na para sa akin 'yon. Akala ko sa kasama mong babae ang mga naka-paper bag na 'yon kaya naisip ko na baka mo pinapaayos ang mga gamit ko kasi pinapaalis mo na ako.” Katwiran ko ng makabawi. Nakapamaywang siya habang nakaharap sa akin. Ang kaninang hitsura niya na iritado ay napalitan ng mas iritado pa.
“You're unbelievable.” Naiiling niyang tugon bago naglakad papunta sa kanyang kuwarto. Nag lapat naman ang aking mga labi dahil hindi ko siya maintindihan ngayon. Parang halo-halo ngayon ang pinapakita niyang ugali sa akin. Natignan ko tuloy ang aking mga bit-bit na supot.
“Bumalik ka sa iyong kuwarto at ayusin ang mga gamit mo na pinamili ng secretary ko. And don't you dare to leave, Jahzara.” Ma-awtoridad niyang utos na ikinatahip muli ng aking dib-dib. Malakas na sumara ang pintuan ng kanyang kuwarto kaya gulat na umangat ang aking magkabilang balikat.
Kalaunan ay parang nakadama ako ng saya dahil hindi ako mapapa-alis dito. Hindi ko pa nagawang depensahan ang aking sarili kanina tungkol sa mga sinusumbong ng babae at balak ko mamaya magpapaliwanag. Kahit ayaw niya akong paniwalaan magpapaliwanag pa rin ako. Mas okay na 'yong alam niya ang side ko kahit wala naman siyang paki-alam sa akin. Staka balak ko rin mag sabi sa kanya tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. Nakakabagot dito at saka baka kapag nag tagal ako dito masisiraan na ako ng ulo! Ayos lang sana kung may kasama ako dito na palagi kong ka-kuwehtuhan. At staka wala naman siyang paki-alam sa akin. Nagsasama lang naman kami dito kasi iyon ang nakasaad sa kontrata.
Hindi ko na inisa-isa pang buklatin ang mga damit ko na binili ng kanyang secretary. Alam kong puro branded ang mga iyon at doon palang parang ayaw ko nang suotin kahit hindi ko pa man naiisip na suotin. Mas gusto ko pa rin suotin ang mga binili ko kaya iyon ang sinuot ko.
Paglabas ko ng kuwarto nabungaran ko siya na nakatuon ang paningin sa akin. Klaseng pagkarinig niyang bumukas ang pintuan ay na agaw agad ang atensyon niya, he took the initiative to shift his attention back to the task he was working on. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makapasok ako ng kitchen. Ipinukos ko ang sarili sa pag hihimay ng kangkong na binili ko kanina. Wala naman siya paki-alam sa akin kaya bakit ako mangangahas na bumasag ng katahimakan ss pagitan namin. Invisible ako sa bahay na'to para sa akin pero kung hindi man ay baka katulong nga ang maiituring ko sa aking sarili.
Natapos ko na ang lahat. Igigisa ko nalang kaya sunod kong hinanda ang paglulutuan ko. Nang maalala kong automatic pala ang kanyang stove, doon napalingon ako sa gawi niya. Busy pa rin siya sa laptop niya at parang hindi maiistorbo. Nakakatakot siyang pakisuyuan kaya nag lakas loob ako na maki-alam sa stove niya kahit ang totoo ay wala akong alam sa ganitong gamit. Ibang-iba 'to sa Mansion nila sa Batangas.
Kumuha muna ako ng bwelo bago tinignan ng maigi ang mga nakasulat bilang gabay. Chinese ang mga nakasulat kaya mas lalo ko na hindi maintindihan.
“You can ask for help next time if you don't know how to use it.” Napakislot ako nang marinig ko ang boses niya na nasa likuran ko lang! Naestatwa pa ako dahil nakulong ako sa pagitan ng mga braso niya pero nang maramdaman kong umalis na siya saka palang ako nakahinga ng malalim at inayos ang sarili. Nasundan ko siyang naglakad pabalik sa kina-uupan niya na parang wala lang nangyari samantalang ako ay parang mahihimatay na dahil sa kakaibang kabog ng aking dib-dib!
Kahit kailan talaga walang pinag-iba itong nararamdaman ko sa kanya! Kaya mas lalo akong naiinis sa aking sarili dahil kahit anong pigil ko na huwag mag pa-apekto sa kanyang presensya hindi ko pa rin magawa-gawa! Kusa pa rin talagang kumakabog ang dib-dib ko!
“B-baka gusto mong....” alok ko sa kanya kaso natigil ako sa pagsasabi nang tumuon agad sa akin ang mga mata niya. Napalunok ako. “kumain,” dugtong ko.
“Busog ako. You can eat if you want.” Sagot niya matapos ibalik sa ginagawa ang atensyon.
Hindi na ako sumagot bagkus ibinalik ko nalang sa lagayan ang plato, kutsara at tinidor na kinuha ko para sana sa kanya. At ano pa nga ba ang ini-expect ko? Sana hindi ko nalang siya inalok pero parang ang sama ko naman kapag gano'n. Siya ang nag papakain sa akin. Siya ang bumubuhay sa akin kaya wala akong karapatan na gawin ang mga naiisip ko. Baka palayasin niya ako dito ng wala sa oras.
Hindi ko naubos ang niluto kong adobong kangkong kaya isinalin ko ang tira na nasa kawali para itabi. Sayang, at saka pwedi ko pang iulam iyon bukas. Tinakpan ko lang muna ng food cover dahil mainit pa. Wala na rin sa sala si Sir Najee kaya malaya akong nakakain kanina. Ngayon nag lilinis naman ako dito sa kusina papunta sa sala.
Parang kailan lang no'ng sa Mansion pa ako ng mga Yang ginagawa ang ganitong gawain. Nakaka-miss doon dahil palagi ko nakikita at nakaksama ang pamilya ko at mga kapatid ko. Nakakapanibago kaso wala eh, kailangan ko silang iwanan dahil ginusto ko ito. Ginusto kong gumawa ng hindi bukal sa loob ko.
Tamang alas singko ng hapon ng magising ako sa pagkaka-idlip kanina. Hindi ko alam na gano'n pala katagal ang pag hipig ko! Dali-dali tuloy ako na tumayo ay inayos ang aking sarili.
Pagkalabas ko ng aking kuwarto ay bumungad sa akin ang isang sticky note na nakadikit sa pintuan ng aking kuwarto.
Sa bar ako matutulog. Don't wait for me to come back, instead, double lock the door. Huwag kang magpapasok ng hindi mo kilala at huwag ka rin lumabas ng hindi ko alam.
Pagkabasa ko niyon ay saka tinanggal sa pagkakadikit ang sticky notes bago inilagay sa loob ng isang drawer na nasa pagitan lang ng kuwarto namin. Nalumbay ako bigla habang papunta sa kusina para ipainit ang natira kong gulay.
Umawang ang bibig ko at nag palinga-linga ako para hanapin ang gulay na itinabi ko kanina! Wala nang nakalagay sa loob ng food cover! Pati yo'ng tupper na pinaglagyan ko ay wala din.
“Tinapon niya?” Anang tanong ko sa aking sarili bago puntahan ang basurahan at doon parang umusbong bigla ang yamot nang makita kong nasa loob nga ng basurahan ang tupper ware na pinaglagyan ko ng gulay! Nakabukas na iyon at kalat pa ang sabaw!