Chapter 3

1893 Words
Jahzara: Nang makarating ako sa bungad papasok ng palengke, agad kong hinanap ang laundry shop. Matagal-tagal bago ko na tumbok ang isang shop kung saan marami-raming nakapila. Marahil naka-self service. Wala naman akong ibang gagawin bukod sa mag tanong-tanong kung saan pwedi mag apply ng trabaho kaya minadali ko munang pumunta sa laundry shop. “Magkano po?” Tanong ko sa cashier habang ang atensyon ay nasa aking bag. Hindi ito sumagot kaya itinigil ko muna ang pagkalkal sa aking bag bago hinarap ang babae. “Jaz? Ikaw nga, Jahzara!” Bulalas niya. Nagulat ako pero mas lalo akong nagulat nang makilala ko si Katrina! Napatuptop ako sa aking bibig bago hinagip ang kanyang mga kamay! “Grabe ka Trina, ginulat mo ako, ha!” Tuwang-tuwa kong sabi bago siya tinapik-tapik. “Dito ka ba nagtatrabaho?” Dugtong ko pa habang nililibot ng aking paningin ang loob ng shop. Umalis siya sa kanyang puwesto at saka lumabas. “Oo, Jaz! Ikaw, bakit ka nandito sa Maynila? Nag tatrabaho ka rin ba dito?” Nakukuryos niyang tanong sa akin. Hinawakan niya pa ang aking mga kamay dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nagkita kami. Kaibigan kong malapit si Katrina. Simula no'ng grade 1 kami hanggang sa nag grade 6 ay palagi kaming magka-klase kaya naging magkaibigan talaga kami. Nagkahiwalay lamang kami no'ng nag highschool na dahil sumama siya ng boyfriend niya at dinala dito sa Maynila. Inisip ko agad kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi niya alam na ipinagkasundo ako kay Sir Najee. Crush na crush niya rin ito noon at hindi ko alam kung gano'n parin ang nararamdaman niya. “Huy! Tinatanong kita kung nagtatrabaho ka rin dito sa Maynila.” Untag niya sa akin na ikinatingin ko din sa kanya. “Ah--eh, hindi!” tanging nasagot ko. Nangunot ang kanyang noo nang tignan ko siya. “Eh, ano? Bakit ka nandito? Hala, siya...huwag mong sabihin—” “Kilala mo parin ba si Sir Najee?” Sabat ko. Nagmulaga ang kanyang mga mata! “Si crush? Abay, oo naman! Sa poging 'yon, sino ang makakalimot do'n!” Tila kinikilig niyang sabi. Umasim bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi ko na at crush niya pa rin si Sir Najee. “Sa...kanyang condo unit kasi ako ngayon nakatira.” Amin ko. Pero hindi ko kayang aminin na kasal na ako kay Sir Najee. Wala naman akong karapatan na ipagyabang kung kasal ako sa kanya. “Talaga? Maid ka ba niya? Ang sosyal no'n Jaz, nasa isang condo unit ka nakatira tapos kasama mo pa ang isang lalaki na kasing guwpo na ng artista! Nakakainggit naman.” “Oo...maid niya ako do'n. Alam mo naman na katulong ng mga Yang si Nanay kaya hindi narin nagpakalayo na maghanap ng katulong si Sir...Najee.” Sagot ko na parang labas sa aking ilong. Dapat planado palagi ang isasagot ko. Hindi ako pweding madulas dahil sigurado na sasabog agad ang balita sa aming lugar. 'Yon naman talaga ang iniiwasan ko. Ang malaman ng buong baranggay ang lihim ko. “Kamusta kana pala? Kayo parin ba ng boyfriend mo?” Iniba ko ang usapan namin. Ayaw ko lang na pag-usapan namin ang tungkol sa buhay ko. Masaklap ang tinahak kong landas kaya ayaw ko nalang pag-usapan. Napatingin si Katrina sa mga costumer. Hindi niya pa rin sinasagot ang tinanong ko kaya inulit ko habang kinukuha ang kanyang atensyon. “Huy, ba't hindi ka sumasagot?” Natatawa ko pang sabi sa kanya kaso nang humarap siya sa akin nangunot ang kanyang noo. “Matagal na kaming hiwalay ng kumag na 'yon.” Saad niya. “Baka may kilala ka do'n sa condo niyo. Ireto mo naman ako, Jaz!” Ngiting-ngiti niyang dugtong. Ako naman ngayon ang nangunot ang noo. “Nako, wala akong kilala do'n! At saka... ngayon lang talaga ako nakalabas kaya wala talaga akong maii-reto sayo, Trina. Pasensya ka na.” Paliwanag ko na parang hindi niya naman pinaniwalaan. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at umikot siya pabalik sa kanyang puwesto kanina at hinarap ang isang costumer. “Binibiro lang naman kita.” Bigla niyang sagot nang matapos ang pagsusukli sa costumer. Peke akong ngumiti bago ibinigay sa kanya ang aking bayad. Pagkatapos ng aming usapan ay parang walang nangyari. Tamang pagbalik ko sa laundry area ay nakalabas na ang isinalang ko. Marami-rami ang costumer nila kaya kusa nang tinanggal ng isang kasamahan ni Katrina ang dress ko na isinalang kanina. Nag-paalam na ako kay Katrina dahil masyado nang humaba ang oras. Dapat pag patak ng alas onse ng umaga ay nasa condo na ako. Mahirap na kapag dumating do'n si Sir Najee. Dumaan muna ako sa isang stall na may tindang mga damit. Hindi naman ako maselan sa mga masusuot kaya kung ano nalang ang sa tingin ko na kasya sa akin ay yoon nalang ang dinampot ko. 75 pesos din ang bawat isa ng blouse habang ang short at leggings naman ay fix na sa 95 at 120. Tig tatlong blouse, leggings at shorts ang binili ko habang ang panty ay isang dosena at ang bra naman ay limang piraso lang. Mga hindi branded yun kaya nang binayaran ko na ay six hundred forty lamang lahat-lahat. Lihim akong napangiti pagkalabas ko ng binilhan ko dahil nakabili na ako ng mga damit ko. Wala akong nakikitang mga nakapaskil na karatula katunayan na nagha-hire sila ng trabahador kaya laglag ang mga balikat ko nang pumasok ako sa loob ng palengke. Mukhang hindi yata umaayon sa akin ngayon ang tadhana. “Magkano po dito sa mga kangkong Nay?” Tanong ko sa tindera habang namimili ako na sariwang kangkong. Gusto ko kasi magluto ng inadobong kangkong. Nakakamiss ang mga lutong bahay. “35 lang ang isang tali, Hija.” Tugon nito nang mai-abot ko na sa kanya ang dalawang tali na napili ko. Bumili na rin ako ng ilang pirasong sibuyas, bawang at kamatis. Iyon lang naman kasi ang nakikita ko na wala doon sa ref ni Sir Najee. Kumpleto pa rin ang mga karne at isda na nasa freezer kaya hindi na ako bumili. Pagkalabas ko ng palengke ay nag abang na agad ako ng jeep na masasakyan pabalik ng condo. Ilang minuto nalang at malapit na mag alas onse kaya medyo kabado na ako. Malapit lang naman kung tutuusin at kayang-kaya lakarin ang pabalik sa condo kaso aabutin ako ng siyam-siyam kapag naglakad ako! Napabuntong hininga ako nang ilang jeep na ang dumaan kaso puro punuan. Sinipat ko ulit ang oras sa aking cellphone at ilang minuto nalang at alas onse na kaya napag-desisyunan ko nang mag lakad na lamang! Wala pa naman siguro doon si Sir Najee. Hari nga at wala pa talaga! Pawisan at sobra kung pumintig ang mga pinong ugat-ugat sa aking mukha nang makarating ako sa guard house ng condo. Agad kong pinakita ang ID ko at sinabi sa guard ang cluster ng unit ni Sir Najee kaso nang akma na akong papasukin ng guard, naagaw naman ang atensyon ko sa isang sasakyan na papasok. Nag tama ang mga mata namin ng lalaking nag mamaneho at huli na nang mapagtanto kong si Sir Najee pala iyon! Hindi ako pweding magkamali dahil kahit kalahati lang ang nakabukas na wind shield ng bintana nito, kilalang-kilala ko pa rin siya! Kumabog agad ng sobrang lakas ang dib-dib ko nang makita na sumalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa gawi ko! Galit siya! Mas lalo na akong kinabahan nang makita ang babaeng nakasakay sa passenger seat nito! Dahil do'n minadali kong maglakad at hindi ko na pinansin si Sir Najee! Pagkarating ng lobby ay sa staircase na ako dumaan. Inilang hakbang ko ang bawat baitang hanggang sa marating ko ang second floor. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong malapit na ako sa hallway na papasok ng unit niya kaso sa sobrang malas ko nang madatnan ko na sila no'ng babae na nakatayo sa labas ng unit door! Agad akong napahinto habang hinihingal! Sabay silang napatingin sa gawi ko! Iisa ang reaksyon nila nang makita nila ako! “Saan ka galing?” Salubong ang mga kilay na tanong niya sa akin. Kinakabahan ako at hindi ma ampat-ampat ang kaba ko! Para siyang mangangain ng buhay dahil sa boses niyang nakakatakot! Hindi agad ako nakasagot dahil tumingin ako sa gawi ng babae na mataray ding nakatingin sa akin. Lumunok ako bago humarap kay Sir Najee. Huminga ako ng malalim bago sumagot. “P-pumunta lang ako ng palengke...nag...bili lang ako ng gulay...” Nahihingal kong sagot sa kanya. Masakit pa rin siyang nakatingin sa akin. Binaybay ng paningin niya ang mga bit-bit ko kaya hindi ko napigilan na igtingan ang pagkakahawak ko sa plastic bag. Saka ako nakahinga ng malalim nang walang sabi silang pumasok sa loob. Hinabol ko ang naka-awang na pintuan kaya mabilis akong nakapasok. “Your maid said earlier that you were in your room pero no'ng pumasok ako wala ka doon. Niyayabang niya ako, Nair.” Nagpapa-awang sabi ng babae dahilan para mapatigil ako sa pag huhugas ng aking mga kamay. Hindi totoo 'yon! Pakiwari ko ay kakalabas lang ni Sir Najee sa kuwarto niya. “Galing ka na dito kanina?” Narinig kong tanong niya sa babae. “Yes. You didn't answer my calls so I decided to come here but your maid didn't want me to come in. Pagsabihan mo nga siya! Hindi niya yata ako kilala.” Rinig kong sumbong niya! Hindi na ako nakatiis at hinarap ko na sila kaso masakit na namang nakatingin sa aking gawi si Sir Najee. Umurong bigla ang dila ko dahil nakita ko siyang naglalakad papasok ng kusina. Naiikom ko tuloy ang mga kamay ko dahil tupok na tupok na ako sa mga tinginan niya. Maigting niyang hinawakan ang braso ko nang makalapit siya sa akin at hindi ko na napigilan na hindi mapangiwi. Nasasaktan ako sa ginagawa niya! “You have no reason to forbid Lenzy from coming here.” Galit niyang sabi sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil ramdam na ramdam ko ang paninikip ng lalamunan ko habang pinakikiramdaman ko rin ang pagsalakay ng takot sa aking dib-dib! Nakakatakot ang kanyang hitsura pero ilang sandali pa'y awtomatikong nag-iba ang awra niya nang mapansin niyang nanunubig na aking mga mata! Kaagad niyang binitawan ang aking braso. Napahinga agad ako ng malalim habang niyuko ang aking braso nang mapansin kong tinignan niya iyon. Dahil maputi ako kaya kitang-kita ang bakas ng kanyang kamay! Nanginig bigla ang aking mga labi nang i-angat ko ulit ang aking paningin ngunit nang tignan ko siya ay nakatalikod na siya sa gawi ko. Tila iritado siyang napasuklay sa kanyang buhok matapos lagukin ang tubig na isinalin niya braso. “S-sorry po kung...hindi ko siya...kaagad pinapasok. H-hindi ko siya kilala kaya ko 'yon...nagawa, Sir.” Depensa ko habang pinipigilan na hindi manginig ang aking mga labi. Hindi parin siya nakaharap sa akin pero narinig ko kung paano siya huminga ng malalim. “Ayusin mo 'yong mga gamit mo do'n sa kuwarto mo.” Utos niya sa akin at hindi na nagawang sagutin ang sinabi ko. Magalang akong lumampas sa kinatatayuan niya at mabilis na pumunta sa aking kuwarto kahit wala akong ideya kung anong mga gamit ang pinapaayos niya sa akin. O baka naman pinapalayas na niya ako dahil sa kagalitan sa akin. Pero kung gano'n nga ang dahilan niya, saan naman ako pupunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD