Chapter 30: YOU SHOULD GO NOW Bianca's POV Labis ang pintig ng puso ko habang tinatanaw ang lugar kung saan ko huling nakita si Prison na umalis kanina. Parang kabayo na tumatakbo ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng husto gayong sinabihan naman ako ni Prison na babalik kaagad siya. Sinong hindi kakabahan sa sitwasyon namin ngayon? Kahit nanghihina pa rin ang katawan at isipan ko ay malinaw na malinaw sakin ang pangyayari. Ang tungkol sa totoong katauhan ni Madame Venus. Na siya ang biological mother ni Prison at Prior. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Parang hindi ko kayang paniwalaan dahil hinding-hinding kapani-paniwala na siya ang totoong ina ng dalawa. I mean, they are too good to be the sons of that kind of mother. How did she end up as

