Chapter 31: HES NOT YET DEAD Napabalikwas ako ng bangon sa malambot na bagay na hinihigaan ko ngayon. Nasaan ako? Unang tanong ang pumasok sa isipan. Napatingin ako sa puting kurtina na nakapalibot sakin. No. It can't be. Nasa langit na ba ako?! A ridiculous thing crosses my mind. No! It can't be! Hindi pa pwede. Hindi pwede! Biglang sumakit ang ulo ko at napahawak ako sa aking sintido. Aray! Napapikit ako ng lubusan dahil sa sakit na dulot nito. Unting-unting bumalik sa aking isipan kung ano ang totoong nangyari at kung bakit nakaratay na naman ako sa hospital bed na ito. "Prison!" sigaw ko sa gitna ng makapal na usok habang paika-ika akong naglakad sa hallway. "Prison!" sigaw ko ulit. Halos maubos na ang lakas ko sa kaka-sigaw kanina pa lang. "Nasaan ka?" mahina kong usal at

