Chapter 4

1643 Words
CHAPTER 04: PRIOR BETHOVEEN               Naging maayos ang una kong araw sa paaralan. Marami akong na-meet na new friends, lahat sila ay friendly at maayos ang pakikitungo sa'kin. They accept me as one of their family, masasabi kong napakapayapa sa komunidad na 'to. "Uy, Bianca, kita-kits ulit bukas ah?" Nagpaalam sa'kin si Louise, isa sa mga bago kong kaibigan, at umalis papunta sa kanyang cabin. I smile at her and wave my hand as a sign of goodbye. Tinignan ko ang relo ko at naglakad na palabas ng classroom. Palagi kong ibinababa ang skirt ko dahil sa sobrang ikli, hindi kasi ako sanay sa ganitong klaseng damit. Argh! Siguro naman masasanay na ako nito diba? Dapat lang siguro kasi pinagtitinginan na ako ng mga tao ditto sa hallway. Mabilis akong naglakad dahil nagsimula nang dumilim, it's already past 5:00 PM. Pinagsabihan kasi ako ni Prison na kailangan nadoon na ako sa cabin wala pang alas sais ng gabi, delikado raw para sa'kin. I smile, ang bait talaga ng lalaking 'yun kahit minsan seryoso. "Babe sorry...ayoko na..." Narinig kong bulong nang isang lalaki sa may poste. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa gilid kung saan nakita ko ang anino ng lalaki, may kausap itong babae na nasa harapan niya. "Are you saying you're breaking up with me?" Malamig na sabi ng babae. Aww, that hurts. Naalala ko naman yung nangyari sa'kin noon, masakit pa rin hanggang ngayon, kaya alam kong nasasaktan 'yung babae kahit malamig ang pakikitungo niya. Teka nga — bakit ba ako nakikinig dito? Hindi rin dapat ako huminto sa paglalakad! Argh, umiiral na naman ang pagiging chismosa ko. Mabuti na lang hindi nila ako napansin dahil tutok sila sa isa't-isa. Ilang dangkal din ang layo ko sa kanilang dalawa. "Yes and I'm sorry—" Hindi natuloy ang sasabihin nang lalaki dahil bigla itong hinalikan ng babae. Napaawang ang bibig ko sa nakita at nanlaki ang mata. Para akong naestatwa sa kinatatayuan, tinugunan naman ng lalaki ang halik ng babae at parang uhaw na uhaw sila dito. Oh please, my eyes. Napatagilid sila habang naghahalikan sa harapan ko. Napatakip ako sa bibig nang naaninag ko ang mukha nang lalaki. "P-Prison?" bulong ko sa sarili. Hindi pa rin sila tumitigil sa paghahalikan, para bang wala silang pakialam sa mundo. Napaatras ako hanggang sa hindi ko namalayang tumakbo na ako palayo sa kanila. Bwiset, hindi pa nga ako naka-recover ng todo todo sa depression ko pero nasasaktan na naman ako ngayon. Even though in the first place, bakit nga ba? Bakit ako nakaramdam ng kirot? f**k. +++          Pagdating ko sa cabin ay pumunta agad ako sa kusina. I pour a water in the glass and drink it . Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang kamay ko. Bakit kayo nanginginig? I see no reason para kabahan kayo! So what kung nahuli ko silang naghahalikan? Hindi naman nila ako nakita, eh. I sigh in disbelief. Mukha na akong timang kakausap sa sarili ko. A loud bang echoed in my ear drums. The drinking glass slip into my hands and I saw pieces of glass shattered on the floor. Napahawak ako sa dibdib dahil sa nangyari. S-Sino yun? Naririnig ko na ang yapak kung sino mang tao ang pumasok pagkatapos niyang isarado ang pintuan ng malakas. Hindi ko alam kung anong irereact ko. I just found myself picking up the pieces of shattered glass on the floor, fingers trembling, walang pakialam kung masasaktan ko yung sarili ko. "Ano ba? Pano na lang kung masaktan  ka sa bubog?" Hinawi niya ang kamay ko at tinignan ito. Wala na ako sa huwisiyo at pinabayaan na lang siyang hugasan ang kamay ko. "Anong ginagawa mo dito, P-Prison?" Malamig na tanong ko sa kanya. Fuck him, kasalanan niya to! Kung hindi lang sana niya ako ginulat dahil sa pagsarado ng malakas ng pintuan, hindi sana mahuhulog yung iniinom kung baso.  Kung hindi lang sana siya nakipaghalikan sa babaeng 'yun, hindi sana ako nasasaktan ngayon. Fool! Anong nasasaktan? Hindi ako nasasaktan. "I am one of the councilor in this community. I have the rights para bisitahin ang mga cabin," simple niyang sagot habang pinupunasan ang kamay ko. Binawi ko ang kamay sa kanya. Kinuha niya ulit ito. Binawi ko ulit. Kinuha niya ulit ito at mas hinigpitan ang kapit para hindi ako makawala. Napabuntung-hininga na lang ako. "Maraming cabin naman, bakit sa'kin pa?" "Ayaw mo?" He playfully smile. Here we goes with his mood swings. My instinct says kung ayaw kong masaktan ulit ay wag mapalapit sa lalaking pa-fall gaya nito. Pa-fall ka ba talaga Prison? Unang-una nakipaghalikan ka sa girlfriend mo tapos pumunta ka naman agad dito para bisitahin ako? "Magiging masakit 'to, Biancs." Hindi ko namalayang kinuha na niya pala ang first aid kit ko doon at may dala siyang alcohol and white cloth. I just stare at him habang ginagawa niya itong gamutin. I didn't even flinch, sanay na ako sa mga ganyan no'ng grabe pa ang depression ko. Umabot sa puntong I have 13 cuts in the wrist. "Thanks." "Welcome. Nagtataka lang ako kung bakit tumatakbo ka kanina?" He asks. Seriously? "Kaya ka ba 'bumisita' dito para tanungin ako nyan?" I put emphasis on the word. "Just askin'. And nope, pumunta ako dito dahil sa isang rason." "Ano yun?" tanong ko. "May ibibigay akong waiver sa'yo para sa 'flu shot' na mangyayari bukas. Malapit na ang tag-ulan so the students need a vaccination para hindi mahawa sa sakit." "Ilagay mo na lang jan." Matamlay kong sabi sa kanya at humiga sa kama. I'm tired. I don't know what's the reason behind it. "Okay, good luck," huli niyang sabi sa'kin. Narinig kong sumarado ang pintuan, senyales na umalis na siya. Mabuti naman kung gano'n, ayokong makita ang mukha niya. Naalala ko kung paano sila naghahalikan pag nakikita ko ang pagmumukha niya. Argh! Hindi ko namalayang napaidlip ako sa higaan, tumayo ako at kinuha ang jacket sa gilid at sinuot ang tsinelas. I need to free out myself. I'm pretty sure may rooftop 'tong building na'to. I took the elevator and press the indicated numbers papuntang rooftop. Pagkarating ko doon ay sobrang lamig, mabuti na lang dinala ko yung jacket ko. Hindi masyadong madilim dahil maliwanag pa sa noo nang kaklase ko ang buwan. I sit on the edge of the floor. Sana naman walang tao dito para makapamuni-muni ako mag-isa. Pero mukhang hindi sang-ayon ang panahon sa'kin ngayon dahil may narinig akong kaluskos galing sa likod. Hindi ko ito tinignan, nakatingin lang ako sa buong kalangitan. Tumabi ito sa'kin at ginaya ang pag-upo ko. Pagkatapos nang ilang minutong katahimikan ay nagsalita siya, "Wag mong pipirmahan ang waiver, magsisisi ka," usal nito. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya. Mukhang nabasa niya ang isip ko dahil sinabi niyang, "Yes, ikaw ang kinakausap ko." "Pa'no mo nalaman na may waiver ako?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa rin siya tinitignan. "Dahil alam kong binigyan ka ng kapatid ko. " "Ha?" tanong ko at tinignan siya. Nagulat ako dahil akala ko si Prison na naman ito, pero hindi, dahil may nunal sa ilalim ng kaliwang mata ang katabi ko. Walang nunal si Prison, pero bakit magkamukha sila? No, magkamukha talaga sila! It's like a carbon copy of him. Kung tatakpan mo ang nunal niya ay parang si Prison ang lalaking 'to. "K-Kapatid mo si Prison?" I never thought may kapatid siya. Hindi ko rin naitatanong sa kanya dahil hindi din naman kami close. "Hindi ko siya kapatid," natatawa niyang sagot sa tanong ko. "He's my twin brother." He clarifies and looks at me. Napalunok ako sa narinig. No wonder, magkapareho lahat nang kanilang features sa mukha. "Ah.." 'yun lang ang nasabi ko. Psh, magkapatid pa rin tawag do'n. "You know, totoo pala yung sinabi ng kapatid ko." "H-Ha? Ano bang sinabi niya?" Naiilang na tanong ko. Grr, ano naming pinagsasabi no'n tungkol sa'kin? "You're beautiful," He flirty says. Napamaang ako sa kanyang sinabi, inilapit niya ang kanyang ulo sa'kin para pagmasdan ako. "...and innocent like an angel, Bianca." he continues. Napangiwi ako sa paraan ng titig niya, I don't like him. Mas pipiliin ko pang makasama si Prison kaysa dito. "Hehe," Lumayo ako ng konti sa kanya at tumingin ulit sa kalangitan. I put my hands together, naramdaman kong nagtaasan ang balahibo ko. Sinong hindi matatakot sa kanya? Manyakis! Narinig ko siyang natawa, "You're not my type. You don't even have boobs." "Excuse me?" Did he just insulted me? He's hot. Dead hot. Alam kong alam niya 'yun pero hindi naman yata pwedeng  insultuhin niya ako ng ganon lang. I glare at him and he just laugh harder. Madali akong mapikon at mas lalo akong napikon nang marinig ko ang tawa niyang parang kalabaw. I immediately stand, "Sino ka ba ha? You see,  hindi tayo close. Hindi mo ako kilala, you only know my name." Napahinto ako, "How did you know my name by the way?" wala sa sariling tanong ko. "Oh dear, you're apparently popular in school because you're a new citizen in this community." He said full of sarcasm. Kaya niya ako nakilala dahil bago ako sa komunidad na'to? Ako lang ba ang baguhan dito? "Well, f**k you," I gave him a middle finger before turning away at him. Hindi ko na hinintay ang kanyang reaksyon at nagmadali akong naglakad palabas ng rooftop. Narinig kong sumigaw siya, "Nice to meet you m'lady, I'm Prior. Prior Bethoveen!" So his name's Prior, and their surname's Bethoveen. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Alam ko ang pinagkaiba nilang dalawa ni Prison. Prison's serious and calm while his twin brother is flirty and a manwhore. No wonder kung bakit gano'n siya makipaghalikan sa babae. Hindi si Prison ang nakita ko kanina sa may poste na nakipaghalikan, si Prior iyun, ang kanyang kakambal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD