Chapter 5

1488 Words
CHAPTER 05: MURDER CASE "Class dismiss!" Walang gana kong kinuha ang bag sa desk at umalis na sa classroom papuntang cafeteria. Narinig kong tinatawag ako ni Louise pero hindi ko na siya hinintay pa at naglakad na papunta sa destinasyon. "Pst!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa nakakakilabot na narinig na boses. Luminga ako kung mayroon' bang tao sa paligid na tumawag sa'kin ngunit wala akong nakita. "Pst!" Napaatras muli ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot gayong marami namang tao sa hallway. Great! Nature na ba sa paaralang ito ang mga manyakis? Urgh, I really hate cat-calling. O baka naman ilusyunada lang ako? Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag at nagmadaling maglakad papunta sa cafeteria, ngunit nang lumiko na ako sa kanang bahagi ay may biglang sumalubong sa'kin na muntikan ko ng mabunggo "Ohmaygahd," I gasped. "Ikaw po ba si Bianca?" Maamo nitong tanong sa'kin. Mukhang mas bata pa ito sa'kin, ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit nakangisi siya sa'kin? "Ikaw nga!" Maligaya pa nitong tugon at mas lalo lang lumapad ang ngiti niya sa labi. O-Okay? "A-Ahm yes. Pano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko. Tinignan niya muna ako ng matagal at tsaka...tumawa ng malakas. Now, this is scary. Who the hell is this weirdo girl? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Sinong hindi makakakilala sa'yo? You're famous! Ahihihi..." At mukhang baliw na napahagikhik sa harapan ko. Me? Ano raw, famous? Bago pa ako muling makapagsalita upang matanong sana kung bakit ako naging famous ay lumapit agad siya sa'kin at ilang dangkal na lang ang layo namin. Nakakaagaw ng pansin ang mahaba niyang pilik mata at sa paraan ng pagtitig niya ay masasabi kong para bang nasisiyahan siya sa kanyang nakikita. "Magiging katulad ka din nila," huling sabi niya sa'kin bago tumingin sa likod ko at agad tumakbo palayo. Tinignan ko kung anong meron sa likod pero wala namang tao. What a weirdo! + + + Hindi ko inaasahang pagkarating ko sa cafeteria ay wala man lang tao. Mabibilang ko lang sa daliri ang nandito para kumain. I find it weird pero nag-order na lang ako at umupo sa bakanteng upuan. Yun ang akala ko, dahil naka-reserve na pala iyon sa isang pamilyar na pigura. "Hi!" Masaya nitong bati sa'kin at umupo sa harapan ko dala ang kanyang pagkain. Ngumiti lang ako ng bahagya at kumain ng spaghetti. Natawa siya ng bahagya,"You like spaghetti? Ako kasi ay hindi ko gusto ang lasa." Napaangat ang ulo ko at nakita kung ano ang kanyang kinakain. Carbonara huh? Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang hinahayaan siyang magsalita ng magsalita ng kung ano. "You see, walang masyadong tao ngayon sa cafeteria during this time. You wanna know why?" Kumislap pa ang kanyang mata pagkasabi non. "...because they're in the library busy watching a person they can't have," Proud niyang sabi at nakatingin lang sa malayo. Seriously, what the hell is she saying? Ano bang mga pinagsasabi niya sa'kin? Ni hindi ko nga alam kung sino ang babaeng to. Ang alam ko lang ay siya yung babaeng nakita ko kahapon lang. Yes, she's that girl whom I saw with Prior yesterday, and I think she's the girlfriend of him. "Ahh..Sino?" Walang ganang tanong ko. "Si Prior! Ang boyfriend ko! Tsk, they can't have him because I am only the one on his heart." Mababakas ang paghahambog sa kanyang tono na para bang siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ganon ba? Eh ano yung narinig ko kahapon na muntikan na kayong maghiwalay? Napawi lang yun dahil sa paghahalikan niyo? Eww. Gusto ko sanang itanong iyun sa kanya ngunit agad siyang napatayo at nagmamadaling kunin ang kanyang mga gamit. "Oh shocks, muntik ko nang makalimutan na hahatiran ko pa siya ng lunch. By the way I'm Fatima pala, bye!" Huli niyang sabi at kumaripas ng takbo paalis sa cafeteria. Batid kong si Prior ang tinutukoy niyang 'siya'. Napangiwi na lang ako sa kanya. Why would a girl do that? I mean, siya pa talaga ang maghahatid ng lunch para sa kanyang boyfriend? Daebak. Di ba parang baliktad naman yata? Well, we can't blame love. Maybe she just love him so much. Sana all ganiyan ka caring. Pero kung ako ang tatanungin mo kung magagawa ba yun? No-uh. Natatapakan yung pride ko kung gan'on. Matagal kong tinapos ang pagkain ko at saktong tatayo na sana nang mahagip ng aking mata sa glass wall ang nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa kung saan. What's with the commotion? Kahit na naka-schedule ang flu shot ko after lunch sa clinic ay mukhang makakansela iyun. Nagmadali akong lumabas upang malaman kung ano ang nangyayari. Sinundan ko kung saan sila papunta at hindi pa man ako nakapunta doon ay alam ko na kung saan ito. Natatanaw ko sa building ng cabin namin ang mga taong nagsusuotan makita lang kung ano ang nandoon. Nandoon sila sa rooftop kung saan ako galing kagabi. Mayroong nag-iiyakan at hindi na kayang tanawin kung ano man ang nandoon. Hindi ko namalayang napunta na ako sa rooftop dahil sa kuriosidad kung anong meron ngunit agad akong napatakip sa bibig sa nakita. Fatima... Biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang iginala ang mata sa katawan ni Fatima na parang naliligo sa sariling dugo. Siya yung babae kanina na kasama ko kanina lang sa cafeteria! Pano nangyari 'yun? Sinong gumawa sa karumal dumal na krimen na ito? Naalala ko ang huli niyang sinabi sa'kin bago ako iniwan sa cafeteria. "Oh shocks, muntik ko nang makalimutan na hahatiran ko pa siya ng lunch. By the way I'm Fatima pala, bye!" Papunta sana siya sa kanyang boyfriend na si Prior para hatiran ito ng lunch pero ngayon...Napapikit ako sa walang kwentang naisip. Shit! Ano ba tong iniisip ko? Nagkakamali ka lang, Bianca. Mali 'yang iniisip mo. Nang buksan ko ang aking mga mata ay agad itong tumama sa isang lalaking nakasandal sa may pintuan ng rooftop. Diretso itong nakatingin sa'kin at nakangisi. Hayop ka! Pano mo nagawang paslangin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ay mahalin ka lang ng buong buo? Umakyat lahat ng dugo ko at masama siyang tinignan. Mas lalong naningkit ang aking mata nang binigyan niya lang ako ng kibit-balikat at parang mas iniinis pa ako. Hindi ko alam kung bakit malakas ang kapit ko sa isang hinala na siya ang pumatay kay Fatima gayong wala naman akong ebidensiya. Sige lang, Prior Bethoveen. Kapag napatunayan kong ikaw ang may kapakanan nito ay pagbabayaran mo ang ginawa mo. Naputol lang ang pagtitigan naming dalawa nang biglang nahawi ang daan sa dalawa at iniluwa nito ang isang babaeng kamukhang-kamukha ni Fatima. I think she's her sister. Masama ang kanyang tingin habang tinuturo ako. "YOU! You killed my sister!" Halos mapaluha ito habang sinisigawan ako. Mas lalong lumundag sa kaba ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. P-Paano naman ako na-involve sa murder case na ito? Agad nagbubulungan ang mga tao sa paligid at lahat ng mga mata ay masama ng nakatitig sa'kin nagyon, kahit na si Louise na gusto sanang kumaibigan sa'kin ay masama na rin ang titig. Napatawa naman ako sa aking isipan. Tama lang ang ginawa kong desisyon na huwag agad magtiwala sa isang tao dahil baka pagsisisihan ko na naman ito. Ang akala ko'y mga friendly at hyper na tao sa loob ng komunidad na to ay biglang nagbago ang pakikitungo sa bagong citizen na kagaya ko. "See? You're not responding! Totoong ikaw ang may sala sa pagpatay ng ate ko!" Muli kong nabalik sa huwisyo ng pagsalitaan na naman ako ng kapatid ni Fatima. Hindi ako makagalaw dahil sa nangyayari ngayon. Ni hindi ko nga magawang ibuka ang bibig ko para ipagtanggol ang sarili sa mga bintang niya sa'kin. Hindi ko na alam pa ang sunod na nagyari basta ang alam ko lang ay naka-posas na ako kasama ang dalawang pulis sa gilid. "You're under arrest for investigation, Miss Montesclaros. Ikaw ang huling nakausap ng victim kaya inaanyayahan ka namin sa prisinto upang magpaliwanag dahil isa ka sa mga posibleng suspect ng kaso." Narinig ko na lang sabi ng pulis at naglakad papalayo doon. Tulala pa din ako at hindi nabawasan ang malakas na pintig ng puso ko ngayon habang tinatahak ang daan palabas ng rooftop. Napahinto lang kami nang nakaharang sa daanan namin ang isang lalaking nakangisi pa rin hanggang ngayon ngunit mababakas mo ang galit sa kanyang mata habang nakatingin sa dalawang pulis. "You're not going to arrest me for investigation?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa dalawang pulis. Biglang napalitan ang kanyang ngisi ng isang seryosong mukha at sinalpak ang dalawang kamay sa bulsa, diretso itong nakatitig sa'kin. "I'm the boyfriend of the victim whom she was going to meet after talking to that girl. Police are really pathetic in this community, psh." Prior...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD