Sakay ng limousine ay nagtungo ang tatlo sa Satwa. Kumain sila sa Dampa kung saan maraming Pilipino din ang kumakaen.
[Grace] Teka nga, sino ba yang Harry Potter na binabanggit nyo kanina?
Mapanuksong pagtatanong ni Grace pero mas naka focus ang mata nya kay Andrea.
[Jenneth] Sino pa bakla? Edi ang bumihag sa puso ng nagiisa nating Dyosa nung high school.
[Andrea] Tumigil ka nga Jenneth, sino kayang magkakagusto sa hambog na yun?
[Jenneth] Eh ba't nagrereact ang ka? Sabe ko lang naman Dyosa... Dyosa ka ba?
[Grace] Eh ba't nga ba affected ang Dyosa?
[Andrea] Kayong dalawa malapit ko ng pag untugin, kumaen na nga tayo!
Masaya ang kwentuhan ng tatlo habang kumakaen. Maya-maya lamang ay pumasok grupo nila Robin sa Dampa. Isang lamesa lamang ang pagitan nila sa table nila Andrea. Hindi yun napansin ni Andrea dahil nakatalikod sya sa mga ito.
[Jenneth] Speaking of the Devil.
[Grace] OMG! Si Harry Potter nga!
Hindi na lumingon si Andrea ngunit alam niyang si Robin ang tinutukoy nilang dalawa.
[Robin's mind] Ang swerte ko naman ngayong araw na'to. Dalawang beses ko nakita ang princesa ko! Kaen kang mabuti princess, ang payat mo kasi pero sexy ka pa rin gaya ng dati.
[Eugene] Robin anu sayo?
[Robin] Boodle fight na lang orderin natin.
[Eugene] Alright!
[Robin's mind] Lapitan ko kaya ang princesa ko? Galit pa rin kaya sya sakin? Eh yung mga kaibigan kaya nya galit pa rin sakin?
[Andrea's mind] Ang kapal ng lalaking to! Talagang sumunod pa dito! Alam ko namang si Jenneth ang sinusundan nia ba't ba ako nagagalit ng ganito? Kalma Andrea, si Robin lang yan... mula high school palage ka nyang pinapahiya at saka kaibigan mo ang gusto nya hindi ikaw. Kaya lang sya lumalapit sayo dati kasi gustong gusto nyang mapalapit kay Jenneth.
Habang pinapakalma ni Andrea ang sarili ay muli na naman nyang naalala ang nakaraan.
Matapos ang klase nila sa Math ay walang ganang kumaen si Andrea kaya pumunta na lamang sya sa kanilang tambayan sa may ilalim ng puno ng Mangga.
[Grace] Ang lalim ng buntong hininga na yun ah!
[Andrea] Ikaw pala, kumaen ka na?
[Grace] Oo kakatapos lang, kumusta ang pakiramdam mo?
[Andrea] Ok lang ako, kapal ng muka ng hambog na yun!
[Grace] Obvious ka naman kasi girl, napapansin ko din na madalas kang nakatitig sa kanya kahit nasa first row ako.
[Andrea] Alam mo din pala, nakakahiya talaga.
[Grace] Wag mo ng isipin yun, mula ngayon pwede mo akong sabihan ng kahit anu. Gusto kitang maging kaibigan Andrea.
Iniabot ni Grace ang kamay nya at hinawakan din ito ni Andrea.
[Jenneth] Andrea! Andito kalang pala! Kanina pa kitang hinahanap, oh eto kainin mo!
Iniabot ni Jenneth ang burger kay Andrea sabay upo sa tabi nito.
[Grace] Hi Jenneth, I'm Grace mukang highblood ka din kay Harry Potter kanina ah!
[Jenneth] Sinong hindi magagalit sa hambog na yon eh palage nyang pinapahiya tong bakla na'to!
[Grace] Eh di ba sabe nia sayo, ginawa nya lang yun kasi ayaw nyang nasasaktan mga kaibigan mo? Mukang may gusto sayo si Robin.
Tinakpan agad ni Grace ang bibig nya pagka sabi nito.
[Jenneth] Nek nek nya! Hinding hindi ako magkakagusto dun. Oy Andrea! Wag kang magagalit sakin huh!
[Andrea] Huh? Hindi ako bata nuh, okay lang sakin kung ikaw ang gusto nya. Saka Ang bata pa natin para isipin yang crush crush na yan.
[Jenneth] Sabagay bakla mag focus muna tayo sa pag-aaral.
[Grace] Teka nga muna Jenneth, bakit ba tinatawag mo bakla si Andrea?
[Jenneth] Ah tawagan lang namin yun.
[Grace] Nakakaingit naman kayo, gusto din kitang maging matalik na kaibigan Andrea.
[Andrea] Edi Bez na ang tawagan ntin!
Masayang sabe ni Andrea kay Grace at duon na ngumpisa ang mabuting pagkakaibigan ng tatlo.
Sa MAPEH class ay sinisipat ni Mrs. Catalina ang mga estudyante nya sa section Benevolence. Isa isa nyang pinatayo sila Jenneth, Patricia at Sheila.
[Mrs. Catalina] Oh ikaw Snow White tumayo ka din!
Nagtitinginan ang mga magkakaklase, iniisip nila sinong snow white ang tinutukoy ni Mrs. Catalina. At nabaling ang atensyon nilang lahat kung saan natatingen ang teacher nila. Si Andrea pla ang tinatawag nitong snow white. Nagtawanan ang buong klase, panu ba naman ay kabaliktaran ni Andrea si Snow White. Hindi naman sya maitim, kayumangi ang kulay ng balat nya. Tumayo si Andrea.
[Andrea] Ako po ba ang tinutukoy nyo Mam?
[Mrs. Catalina] Eh sino pa ba? Maganda ang katawan mo. Sumama ka sa tatlong iyon at simula ngayon ay hindi na kayo aattend ng klase ko, ang oras na ito ay gagamitin nyo upang mag-aral ng folk dancing.
[Students] Opo Mam!
Sabay sabay na sagot ng 4 na babaeng napili.
[Andrea's mind] Parehong kaliwa ang paa ko? Paano na to?
[Jenneth] Andrea magkasama pa rin tayo sa dance troupe.
[Andrea] Masaya ka ba Jenneth? Parang mas gusto ko pang mag aral kesa sumayaw ng pang katutubo.
[Jenneth] Anu ka ba? Magiging sikat tayo sa school. Kapag may event, kasama tayong sasayaw sa stage at mapapanuod yun ng lahat mula 1st year hanggang 4th year.
[Calvin] Hi Jenneth, congratulations galingan nyo ng kaibigan mo huh! Mula ngayon isa na kame sa fans mo at syempre no. 1 sa fans club mo si Robin.
[Jenneth] Hindi ko kelangan ang taga hangang katulad nyo lalo na yang hambog na yan!
Inirapan ni Jenneth ang tatlo habang nakatingin lamang si Robin at Nino at nakikinig sa usapan nila.
[Andrea's mind] Talagang gusto nya si Jenneth. Pinuntahan nya pa upang i-congratulate. Okay lang, mabait naman si Jenneth, matalino at higit sa lahat mas maganda sya sakin. Kaya siguro sya ang crush ni Robin. Mula ngayon magfofocus na lang ako sa pag-aaral at pagsasayaw.
Back to reality.
[Grace] Bez, lingunin mo na kasi si Harry Potter para hindi ka natutulala dyan sa pag-iisip sa kanya.
Nasamid bigla si Adrea.
[Jenneth] Dahan-dahan kasi sa pagnanasa kay Harry Potter, nabubulunan ka tuloy.
[Andrea] Tumigil na nga kayo, ewan ba't ko ba kayo naging kaibigan eh mga baliw na kayo!
[Grace & Jenneth] Oy! Ang Dyosa napipikon na.
Tumayo na si Andrea at akmang pupunta sa CR ng ma-out of balance sya. Mabilis naman syang nasalo ni Robin na nuon ay papalapit talaga sa mesa nila.
[Robin] Ingat!
[Andrea] Salamat!
Simpleng sagot ni Andrea at dumiretcho na sya sa CR.
[Andrea's mind] Ang sakit ng puso ko parang may naghahabulang pusa sa loob. Talang hindi sya nakatiis na lapitan si Jenneth. Gaya pa rin sya ng dati. Edi mag sama sila, bagay naman sila eh! Saka malalaki na kame ngayon, pwedeng pwede na silang dalawa.
Nang pabalik na si Andrea sa table nila ay nakita nyang masaya ang kwentuhan nila Jenneth, Grace at Robin. Dinig na dinig nya ang mga tawanan nito. Hindi na sya bumalik sa mesa at naghintay na lamang sa loob ng sasakyan.
[Jenneth] Robin ang galing nyo kanina, paano ka naging hip hop dancer? Nagulat talaga ako.
[Robin] After high school napa barkada ako at mga hip hop dancer sila. Ayun nagustuhan ko na din sumayaw kasama nila.
[Grace] Ah in fairness ang gwapo mo pa rin Harry Potter bagay sayo maging dancer.
[Robin] Hangang kelan kayo dito sa Dubai?
[Jenneth] After ng finals this Friday, we have a week to stay here and enjoy the sceneries of Dubai.
[Grace] Ako naman sasabay sa flight nila, I have my relatives here at nagkataon naman na andito din si Jenneth at Andrea. So I'm in sa one week nilang bakasyon.
[Jenneth] Galingan nyo this Friday Robin, malaki ang tiwala ko na mananalo kayo. Highest score ang binigay ko sa inyo kanina.
[Robin] Salamat! Eh si Andrea?
[Grace] Oo nga! Asan na si Bez?
[Jenneth] Naku baka nasa sasakyan na yun, tara na Grace!
[Jenneth & Grace] Bye Robin! Fighting!
Sabay na sambit ng dalawa kay Robin at lumabas na sila sa Dampa.
[Robin's mind] Goodbye princess. Gagalingan namin.
Sambit ni Robin sa kanyang utak habang nakatingin sa sasakyang papalayo.