Water accident

983 Words
Dalawang araw pa bago ang final competition. Naisipan nila Jenneth, Andrea at Grace na mag water sports. Pumunta sila sa beach side ng Hilton Hotel JBR kung saan sila naka check in. [Andrea] Good morning, Dubai! Sigaw ni Andrea sa malawak na dagat. Asul ang kulay ng tubig na nang aakit. Walang makikitang kahit anung basura sa dagat ng JBR. Pinapangalagaan itong mabuti ng lokal na pamahalaan. Disiplinado din ang mga tao dito residente man o dayuhan. [Grace] Good morning Dubai! [Jenneth] Oh I'm so sorry for their loud noise brother, they are just happy. [Lifeguard] Walang problema po Mam! [Jenneth] Hala! Pinoy ka? Kala ko ibang lahi. Sorry Kuya. [Lifeguard] Okay lang Mam. Madalas talaga akong mapagkamalang ibang-lahi. Nag-ngitian lamang sila at lumapit na sa dalawa si Jenneth. [Jenneth] Good mood ata ang Dyosa! [Andrea] Anung plano girls? Jet Ski tayo?" Hindi sinagot ni Andrea si Jenneth at nag-aya na lamang ito sa kanila. Sumang ayon naman ang dalawa at tumungo na sila sa watersports center. [Grace] Hi 3 Jet Ski please. [Attendant] Can I have your passport, Miss? [Grace] Grace... I mean you can call me Grace. We didn't bring our passport but we have copy on our mobile phones, is it fine? [Attendant] Sorry Miss Grace but we need the original. [Grace] Alright I understand. [Grace] Ang gwapo sana kaso masyadong istrikto! Pagmamaktol ni Grace pabalik kila Andrea at Jenneth. [Jenneth] Oh sino namang sumisira ng araw mo? [Grace] Wag ka ng magtanong! Nga pla need daw nila ng original passport before makapag rent ng Jet Ski. Nagtinginan ang dalawa at sabay silang tumingin kay Andrea. [Andrea] Alam ko ang iniisip nyo! Ok fine! Akina ang room key, ako na ang kukuha. Sabay hagalpak ng tawa nila Grace at Jenneth. [Grace & Jenneth] We love you Dyosa! Walang nagawa si Andrea at bumalik sya mag-isa sa room nila para kunin ang passports nila. Nang palabas na sya ng pinto ay na out of balance na naman sya. Agad namang may sumalo sa kanya kaya hindi sya bumagsak sa sahig. [Robin] Are you alright? Tanong ng lalaki na may suot na shades, naka white sando lamang ito at summer shots. Simpleng damit ngunit ang lakas ng dating. [Andrea] Yes. Thank you" Nauutal na sabe ni Andrea nang mapagtanto nyang si Robin na naman pala ang nakasagip sa kanya. [Robin] Long time no see Andrea. [Andrea] I have to go. [Robin] Sandali, asan sila Jenneth bakit nag-iisa ka? [Andrea's mind] Oh well pag minamalas ka nga naman. Ang ganda ganda ng gising ko tapos sa lahat ba naman ng tao etong hambog na'to pa ang makakasalubong ko. At talagang kating kati syang makita at makausap si Jenneth huh! Teka! Anu nga bang paki alam ko? Kalma Andrea.... [Andrea] Nasa water sports ang hinahanap mo. Sige una na'ko! Hinihingal si Andrea sa kakatakbo papuntang watersports center. Para syang lumaban ng half marathon sa layo ng tinakbo nya makaiwas lang kay Robin. [Grace] Bez tubig? [Andrea] Yes please... [Jenneth] Anu bang nangyare sayo? Makakapag hintay naman kame hindi mo kelangan tumakbo. [Andrea] Eto na yung passports natin, magrent ka na Bez! Tinungo muli ni Grace ang gwapong attendant sa water sports center. [Grace] Here! Medyo mataas na tono ni Grace habang iniaabot ang passports nila. [Attendant] Please wait on the side Miss Grace. [Grace] Wow! You remember my name? [Attendant] For sure, just wait a second! [Philip] Hi again Miss Grace, Miss Andrea and Miss Jenneth, by the way I'm Philip your instructor. Did all of you know how to operate the jet Ski? "Yes!" Sabay sabay na tugon ng tatlo. [Philip] That was awesome! First, wear this life jackets. Nakita ni Philip na nahihirapan si Grace magsuot ng life jacket kaya tinulungan nya ito. [Andrea] Bez mukang may tama sayo si Tisoy. [Grace] Tumigil ka nga dyan bez! [Philip] There you go, three of you please come this way. Inalalayan ni Philip ang tatlo kung saan nandoon ang Jet Ski sasakyan nila. Bawat isa sa kanila ay may kani- kanilang Jet Ski. Matapos ang simple instruction ay pinaandar na nila ang kani-kanilang sinasakyan. Sumunod naman si Philip gamit ang isa pang Jet Ski upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan. Masayang nglalaro ang tatlo ng biglang tumaob ang sinasakyang Jet Ski ni Grace. Dali-dali naman syang nilapitan ni Philip. Nagulat ito nang makitang may dugo si Grace sa kanang bahagi ng kanyang noo. Agad isinakay ni Philip ang walang malay na si Grace sa kanyang Jet Ski. Matulin nitong pinatakbo ang Jet Ski papuntang pampang upang humungi ng tulong. [Philip] Ishan call an ambulance! [Philip] Thilina, take this Jet Ski and get the Jet Ski of Diane. Sumunod naman agad ang mga Jet Ski nila Jenneth at Andrea. Kitang kita nila kung paano bigyan ng first aid ni Philip si Grace. Akmang bibigyan na nito ng hangin si Grace ng bigla itong umubo. Maraming tubig ang nainom ni Grace. [Philip] Praise God Bez! Are you alright? Tango lang ang naisagot ni Grace at bakas pa rin ang panghihina nito. Philip gave his jacket to Diane to cover her upper body. Malapit na kasing lumuwa ang kaluluwa ni Grace sa suot nyang Two-Piece. Inalalayan ni Andrea at Jenneth si Grace para makatayo. Saktong dating naman ng ambulansya. Pasakay na sila Andrea at Jenneth ng may magtakip ng towel kanilang dalawa. [Robin] Wag nyong sabihing pupunta kayo ng Hospital na ganyan ang suot nyo! Nasa Arab country tayo. Matigas ngunit klarong sabi ni Robin habang nakatingin kay Jenneth. Kitang kita ni Andrea kung saan nakatingin ang mga mata nito. Dali-dali naman syang sumakay ng ambulance at sumunod na rin si Jenneth pagka tapos magpasalamat kay Robin at Eugene. [Robin's mind] Princess anu bang gagawen ko sayo? Mukang kelangang palagi akong nasa tabi mo para bantayan ka. Kulang na lang dukutin ko ang mga mata ng lahat ng taong nakatitig sa itinatago ng maliit na telang suot mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD