bc

Tug-of-Hearts with the Billionaire

book_age16+
1.8K
FOLLOW
9.5K
READ
billionaire
revenge
possessive
others
drama
comedy
twisted
bxg
city
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Less fortunate girl meets a billionaire playboy who will knock on her peaceful life.

Meet Katrina Maglalang, a girl who has own beliefs. She's simply a strong woman and know her worth. Suddenly, her dull life turns into an electrifying beat when he met the billionaire egotistical jerk, Maximiliam Zepanta. They both play on fire and stir one's emotions. Katrina doesn't know that as she enters Maximiliam's world, there is danger lurking for her. Will they last until the end? Who will be the first to raise the white flag?

Let's see who will win in their game called tug-of-hearts.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Katrina's (TRINA) POV. I'm here now at the house of my friend Clare. She's the famous daughter of the CEO of the Stellar Company. Inaayos ko ang mga paninda kong cupcakes kanina para sana bukas nang biglang tumawag sa akin ang bruha. Ako naman na one call away, punta agad-agad dahil nag-aalala ako. Boses pa lang niya halatang broken hearted siya. Kaya dali-dali akong pumunta sa bahay nila. Hindi na ako nakapag-ayos ng damit ko bago umalis. Nakasuot lang ako ng t-shirt na kupas at butas-butas na apron at may harina pa ata sa mukha ko. Pagtitinda ng cupcakes ang kabuhayan ko. Nakapag tapos na ako ng pag-aaral dahil sa pagtitinda ko nito. Maaga namaalam ang aking mga magulang kaya naman hirap ako sa buhay. Pero kahit na ganoon ang kinahinatnan ay nagsikap ako. Mahirap man ako at hindi kagandahan, may ipagmamalaki naman akong talino. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Clare dahil itinuring na nila akong parte ng kanilang pamilya. Gusto sana nila akong patirahin sa mansion nila pero tinanggihan ko. Mas gusto ko manirahan sa dati naming bahay na iniwan ni inay at itay sa akin. Kapag nagkaroon na ako ng sapat na pera ay saka na lamang siguro ako lilipat ng matitirahan. Nandito kami sa terrace ngayon at pinapakalma ko si Clare. Inilabas ko siya sa kuwarto niya para sana makalanghap siya ng sariwang hangin. Kakatapos niya lang umiyak dahil sa lokong Maximiliam na boyfriend niya. Maximiliam Zepanta, my childhood crush up until now. Siya ang may ari ng sikat na high class hotel sa Pilipinas at may ari ng halos limang establishment at mall sa iba't-ibang panig ng mundo. Akalain mong yumaman ang uhugin na batang iyon. Naging bilyonaryo nga ang loko naging gago naman. And yes I love him but I love my best friend more than him. Noong nagkita kaming muli ay nanumbalik lahat ng nararamdaman ko sa kaniya. That time he's currently courting my best friend which is Clare. Masakit man tanggapin na may ibang tinatangi ang mahal ko ay pinabayaan ko na lang. Mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Clare at ayoko na masira ito. *Sniff "T-trina... I saw it. Dalawang mata ko *sniff he's dancing with another girl and kissing that w***e!" She shout out loud and cry all over again. "Sssshhhh... Tahan na Clare. Hindi deserve ng mga luha mo ang lalaking gaya niya," sambit ko habang hinihimas ang kaniyang likuran. "Call Danny now! Kailangan ko si bakla para naman mawala ang aking stress," wika niya habang pinupunasan ang mga munting luha niya. Pumunta ako sa landline nila at dinial ang number ni bakla. Ilang segundo lang ay may sumagot na sa kabilang linya. [ "Clare!!! Oh my gosh sisteret buti napatawag ka!! Hindi ka maniniwala sa aking nakita!!!" ] Bungad sa akin ng bakla na ikinatulig ng tenga ko. "Hoy bakla! Huwag ka nga sumigaw diyan! Ang sakit sa tenga ng boses mo! Muntik na ata masira eardrums ko!" Pabalik kong sigaw sa kaniya. [ "Trina? OMG sisteret sorry na. Na shookt lang naman ako sa nakita ko. Na carried away lang ako. Bakit nga pala ikaw ang tumawag? At anong ginagawa mo sa bahay nila Clare? Nasaan ba si Clare?" ] Dire-diretsong tanong niya sa akin "Wait lang baks! Hinay-hinay sa tanong. Kalma lang. Mahina kausap mo. Pumunta ka na lang dito para malaman mo. Bye baks. Ingat!" Hindi ko na siya pinagsalita at binabaan ko na siya ng tawag. Nagtungo na muna ako sa kusina at nagtimpla ng paborito naming kape para sana sa aming dalawa. "Anong kailangan mo ineng? Kumusta si Ma'am Clare? May kailangan ba siya?" Tanong sa akin ni manang Esmeng ang personal maid ni Clare. "Magtitimpla lang po ako ng kape baka po mabawasan ang paghihinagpis ni Clare kapag nakahigop ng mainit na kape," sambit ko. "Ganoon ba? Ako na lang ang magtitimpla para sa inyong dalawa," pagpiprisinta niya. "Naku manang, kaya ko na po ito. Gawin niyo na lang po ang iba niyo pa pong trabaho. Wala rin naman po akong ginagawa. Hayaan niyo na po na ako na lang ang magtimpla," nakangiti kong sambit sa kaniya. "Sige ineng. Basta kapag may kailanganin kayo ni Ma'am tawagin niyo lang ako. Maiwan na kita," pagpapaalam niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya bilang tugon. Kumuha na ako ng tasa at nagpainit ng tubig. Ilang saglit lang ay kumulo na ang tubig. Sinimulan ko na ang pagtitimpla. Nilagyan ko pa rin ito ng asukal kahit na matamis na ito. Nakasanayan kasi namin ni Clare na matamis na kape ang inumin namin. Mahilig kami sa sweets. Nang matapos akong magtimpla ay nakita ko ang mama ni Clare na nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Nang mapansin niyang nakatayo ako sa gilid ng kusina ay lumapit siya sa akin. "Katrina is there any problem with my daughter? She looks pale. And did she cry? Her eyes and nose are red now," nag-aalala na tanong niya. " Uhmmm... Tita hayaan niyo na lang po na kay Clare na po mismo manggaling ang problema niya, baka po kasi magalit siya sa akin kapag pinangunahan ko siya," kinakabahang sagot ko. "Is she pregnant!?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ng mama ni Clare. "Of course not Ma'am. Kilala niyo po si Clare. Hindi po siya magpapagalaw sa kahit na sinong lalake hangga't hindi po siya sigurado na iyon na po ang tamang lalake na pakakasalan niya," mahabang litanya ko. "Okay Katrina. Just calm down. You look so nervous when I said that she's pregnant. I'm just kidding by saying that preggy thing," she said while laughing. I'm amuse on how she laugh. Her smile is genuinely. I wish I can smile like that. "By the way I need to go now. Her dad is waiting for me outside. We will come home late, so take care of my daughter. Fix her problem as soon as possible because we need her on the company. Take care little babies!" She gives me a kiss on my forehead before leaving. Her mom is always like that. She treats us like an infant baby who still need a hand on everything. And Clare hate that, the opposite of how I love that. Kay tita Amanda ko na lamang nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina. Sino ba naman ako para ayawan ang pagmamahal na iyon? I'm very thankful to them. They gave me the love that I need. They fulfill the emptiness of my heart. Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Clare dala dala ang mainit na kape. Saktong pagkarating ko sa kaniya ay siya ring pagdating ni Danny. Daniel talaga ang name niya pero pinalitan niya ng Danny dahil mas girly daw ito at mas bagay sa kaniya. "Kape ka muna," sambit ko habang iniaabot sa kaniya ang kape. "Thanks," maikling tugon niya. "Mga bakla kayo ng taon! Hindi niyo man lang inimbita dito. Kayo lang dalawa talaga ahh! Nakakaimbyerna kayo!" Maarteng saad niya. "Manahimik ka nga riyan. Kaya nga tinawagan kita 'd ba kasi need ka namin! Huwag ka nang mag inarte riyan!" wika ko. "I'm not noisy baks dzuh. Inggit ka lang sa beau—" Napahinto kami sa pagtatalo ng umiyak na naman si Clare. "OMG ghorl! Bakit umiiyak ang babaitang itetch!?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. "Kaya nga pinapunta ka namin dito. Hindi kasi maganda ang relasyon nilang dalawa ni Maximiliam." "For real!?" Nanlalaki ang mata niya sa gulat. Nagtaka pa siya eh ilang babae na ang sinaktan noon. "Hindi! For fake! Mukha ba akong joker?" Sarkastiko kong sambit sa kaniya. "Hindi ka mukhang jokerist bakla. Mukha ka lang clown. Ano ba yang harina sa peslak mo?" Natatawa niyang sambit na siyang kinainis ko. Nakalimutan ko nga pala na punasan ang mukha ko. Nagawa niya pang mang asar sa ganitong situwasyon. "Ay weyt oo nga pala nakita ko si—" Hindi niya pwede malaman. Alam kong si Maximiliam ang nakita niya kanina at hindi niya puwedeng sabihin ito at baka humagulgol na naman si Clare. " Ay Danny may nakalimutan ako sa kusina pwede bang pakikuha?" Pinanlakihan ko siya ng mata at sana ay maintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. "Ayaw ko!" "Isa!" Sinesenyasan ko siya pero hindi pa rin niya makuha. Pasimple kong tinuro si Clare at pinanlakihan ko ulit siya ng mata. "Okay fine!" Padabog siyang umalis at nagtungo sa kusina. "Ano yung sinasabi ni Danny? Sino yung sinasabi niya na nakita daw niya?" Tanong sa akin ni Clare. Ano bang magandang palusot dito para hindi na siya magtanong? Ahh alam ko na. " Nakita niya kasi yung gusto niyang damit sa mall na on sale. Oo tama ayun nga. Yung nakita natin noong nakaraan. Kaya ayun excited ang bakla. Huwag mo na lang intindihin yun." Tumango na lamang siya at tumayo na. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Aakyat na ako sa kuwarto. Ang dami ng lamok dito. Baka maubos dugo ko at mahimatay pa ako dito," natatawa niyang sambit sa akin. Sa tingin ko ay maayos na ang pakiramdam niya dahil nakakapagbiro na siya. Sana ay tuluyan na siyang maging okay para hindi na ako mag-alala pa sa kanya. Sa lahat ng ayaw ko ay makita ang mga kaibigan ko na nasasaktan. Para bang may kung among bagay na kumukonekta sa aming taylor at tila naiintindihan namin ang pinagdaraanan ng bawat isa. Ganoon naman talaga siguro kapag magkakaibigan. Nagdadamayan sa oras ng problema. Pinagkukuhanan namin ng lakas ang bawat isa. Para sa panibagong umaga lagi naming maaalala na kailangan naming pagtibayin ang aming mga loob. Ganoon naman talaga. Kailangan maging matatag sa oras ng pagsubok. Kung hindi tayo magiging matatag, talo tayo. Alam ko ang pakiramdam ng maiwan kaya siguro naiintindihan ko ang pinagdaraanan ni Clare. Hindi man sa isang relasyon gaya ng pinasok ni Clare, naramdaman ko naman ito sa pamilya ko. Mas gugustuhin ko pa na iwan ng lalaking mahal ko huwag lang ang mga taong nag aruga at nagmamahal ng totoo sa akin. Aanhin ko ang pagmamahal ng lalakeng gusto ko kung hindi naman pala ito totoo at nagpapakitang tao lang at sa bandang huli ay paaasahin ako. Maybe God has a plan for me. That's why he gave a trial to test my faith for him. And I hope he plans the best for me. The worth to wait.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook