"Anong ginagawa dito ng babaeng iyan?" Salubong na tanong sa amin ng mommy ni Max nang makita ako. "G-good morning po," utal kong bati sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Naramdaman ko na hinawakan ni Max ang aking palad. Napatingin ako sa kaniya at ginawaran niya ako ng isang malapad na ngiti. "She's going to work here mom, kaya nandito siya," sagot sa kaniya ni Max. "What!? Are you crazy anak? Bakit ko naman ipapasok ang babaeng iyan dito?" Napayuko na lang ako sa sinabi ng kaniyang ina. Alam ko naman kasi na hindi talaga ako bagay sa lugar na ito. "Tita, I think you need to give her a chance. Masipag naman po si Katrina." Napa-angat ang tingin ko kay Omari nang sumingit ito sa usapan nung dalawa. "I agree with that tita. Malay natin malaki ang potential ni Kat, right?" Sambi

