Episode 10

1822 Words

"Tao po! Kat-kat! Gising ka na ba?" May ilang ulit na katok akong narinig kaya naman naalimpungatan ako. Ang sakit ng katawan ko nang bumangon ako sa aking kama. Kinusot ko ang aking mata at nag-unat na muna bago tumayo. Pinagbuksan ko siya ng pinto at bumungad sa akin ang malapad niyang ngiti. "Kagigising mo lang ba?" Tanong niya. "Ano sa tingin mo?" Inaantok kong tanong sa kaniya. "Mukha kang bruha. Maligo ka na para maaga tayo makapunta sa customer mo," utos niya sa akin at itinulak na ako papasok sa loob ng bahay. "Teka nga muna. Mas excited ka pa kesa sa akin. Ang aga-aga pa. Mamayang 9 am pa ang meet up namin. Anong oras pa lang oh! Alas sais pa lang ng umaga," napapailing kong sabi sa kaniya. Ang aga niya mambulabog. Nasira tuloy ang tulog ko. Ang sarap sarap pa matulog eh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD