Its been two days since she injured her foot. Hindi man iyon ganoong kalala, pinagbawalan pa rin siyang magkikilos ni Simon. Wala siyang magawa kundi manatili sa bahay at sundin ang gusto nito. She don't want to create another scene na magpapainit pa lalo sa ulo nito na magiging dahilan para tuluyan siya nitong ihatid sa Manila. Pahinamad siyang bumangon. Alas siyete pasado pa lamang ng umaga pero alam niyang paglabas niya ay wala na sa bahay si Simon. It has always been like that. Sa tatlong araw niyang naroroon sa bahay ng mga ito, tatlong beses pa lang yata niya itong nakikita at nakakausap. "Alam mo kasi iha, kapag ganitong buwan ng Abril, abala si Simon sa opisina dahil tig-tanim ngayon ng mga magsasaka. Maaga pa lamang umaalis na ang batang iyon at sa gabi naman ay gabi na kung umu

