"Napakalalim naman ng iniisip mo, magandang binibini." Mula sa pagkakaupo sa balkonahe ay napa-angat ang tingin niya. Sandaling kumunot ang noo sa estrangherong nasa harapan niya. Ni hindi man lang niya namalayan ang pagsulpot nito doon. "I..ikaw yung.." "Yes, the tricycle driver." Ngiti nito "Ako nga pala si Erick.." Naglahad ito ng kamay "Erickson Buencamino, second cousin ni Simon at Lia, mother side." Dagdag pa nito. Napayuko siya sa nakalahad nitong palad at muli ring bumaling sa nakangiti nitong mukha. Kaya pala una niya pa lang itong nakita ay napansin na niya ang resemblance nito kay Simon. "I..I'm Arabella Santana." Magalang niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito, but instead of shaking her hands ay napapitlag siya sa ginawa nito. Marahan nitong dinala ang palad niya sa la

