PROLOGUE
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or any information storage and retrieval system, without written permission from the author.
This story is unedited. Expect typographical errors, grammatical errors, wrong spellings, and whatever errors. If you're looking for a perfect book with a perfect character, then this ain't for you, sweety. Thanks!
Plagiarism is a crime.
***
Seven Zattana Elsher
Nakakabinging musika, mga taong halos hindi magkamayaw sa kakasayaw sa stage at nakakabulag na iba't ibang kulay ng ilaw. Iyon ang bumungad sa akin matapos kong tumapak sa lugar kung saan malaya akong naipapakita ang sarili ko.
Ramdam ko ang tingin ng mga tao habang papalapit ako sa couch na kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Seven! You looked gorgeous tonight, baka puwede kitang isayaw?" Isaac called me. Napangisi ako dahil kakasimula pa lang ng party, namumula na ang mukha niya pababa sa kanyang leeg.
I nodded. "Later," I replied, and I walked towards my friends. Naabutan ko roon si Viviane, Erich, and Jamaica na nag-uusap tungkol sa isang lalaki na nakasalubong nila kanina sa banyo. I rolled my eyes and slumped on the couch. Wala akong pakialam kung ma-expose ang legs ko dahil sa maikling suot ko na silver bodycon dress.
"Gandang gabi, Seven Zattana. Ang aga mo para sa closing party, ah?" sarkastikong saad ni Viviane.
Nangunot ang noo ko. "Gaga ka ba? Ang sabi niyo, ten p.m. ang start ng party, eleven p.m. pa lang ngayon. Anong tinatalak mo riyan?" Hinila ko ang buhok ni Viviane dahilan para matawa ang ilan naming mga kasama.
"Nine p.m. na ang start dahil inurong ni Josh! Patapos na kami, hindi ka naman kasi nagbabasa ng texts ko! Kanina pa kaya kami nandito, umuwi na nga 'yong iba," mataray na saad ni Viviane at halos masilaban ang pisngi ko sa pamumula. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napairap dahil halos lahat ng tao ay lasing na.
Sumandal ako sa couch at ngumisi. "Sayang naman," kunwaring nanghihinayang na saad ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Erich at Jamaica.
"Ikalma ang kipay, marami pang lalaki riyan. Mas madali para sa 'yo ang mamingwit ngayon dahil mga lasing na 'yan," tumatawang sabi ni Jamaica kaya napasimangot ako.
"Excuse me? Kaya kong mamingwit kahit hindi nakainom ang mga 'yan. Watch and see," dahan-dahan ang pagkakasabi ng huling mga salita ko at siniguro kong makakarating 'yon sa tenga nila. I stood up and fixed myself, umangat ang tingin sa akin ng tatlo kong kaibigan at sabay-sabay na napangisi.
"Go girl," ngising-aso na saad ni Erich at tinaas pa ang kopita. Kinuha ko 'yon at nilagok ang natitirang alak bago lumapit sa grupo ng mga lalaki na pansin ko ay kanina pa nakatingin sa pwesto naming magkakaibigan simula nang dumating ako.
Apat silang magkakaibigan at kung hindi ako nagkakamali, mayroong lahing Amerikano ang dalawa. Napangisi ako at walang pag-aalinlangan na lumapit sa isang Amerikano at sumandal sa kanyang matigas na dibdib. Napasipol ang tatlo niyang kasama at mahinang natawa.
"Hi, miss?" Kulay abo ang mata niya at sobrang tangos ng ilong. Mabuti na lang at matangos din ang aking ilong, maiinggit na sana ako.
Pinaglakbay ko ang daliri ko sa dibdib niya at dinilaan ang ibabang labi habang may nakakaakit na tingin. I saw him gulp. Halos matawa ako nang maramdaman ko sa aking hita ang matigas na bagay.
"Hello. Puwede bang makipagkilala?" nang-aakit na tanong ko. Naramdaman ko ang pag-alis ng tatlo niyang kaibigan, kaya naiwan na lang kaming dalawa.
Ang kamay ng lalaki katapat ko ay lumingkis sa aking maliit na bewang. Masyadong malaki ang kamay niya at halos sakop na sakop ang espasyo sa aking bewang, nag-iinit din ito at marahang pumisil-pisil sa aking balat.
"Yeah, sure. I'm Steven," pagpapakilala niya sa sarili. Nakagat ko ang labi nang ilahad niya ang kamay sa harapan ko. I smirked and tiptoed. Pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at pinagdikit ang aming mga labi. Naramdaman kong natigilan siya ngunit mabilis ding nakabawi at tinugon ang aking halik. Pareho na kaming hinihingal nang itulak ko siya palayo at tinapik ang kanyang pisngi.
"I like your handsome face, but hindi ka good kisser," nang-iinsultong saad ko at tinalikuran si Steven. Narinig kong tinawag niya pa ako ngunit hindi na ako lumingon. Dumiretso ako sa stage at doon inubos ang oras ko at nagsayaw. May mga lalaking lumalapit sa akin at kinikiskis ang katawan habang sumasayaw kami. I just closed my eyes and moved my hips. Pinasadahan ko ng sariling kamay ang katawan habang gumigiling.
Dumating si Erich at inabutan ako ng alak. I laughed and continued dancing while drinking the alcohol. Halos hindi ko na nabantayan ang oras at unti-unting naubos ang mga tao, maliban na lang sa lalaking nakaupo sa bar counter at tahimik na umiinom.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang gumigiling sa likod ng magandang musika. Tila ba naramadaman niya ang titig ko at halos mapamura ako nang magtagpo ang mata namin.
Kulay berdeng mata, makapal na kilay, at nakakasugat na panga. Napalunok ako at napahinto nang makitang bukas ang tatlong butones ng kanyang polo dahilan para sumilip ang mapintog niyang dibdib. Hindi siya nagsalita at wala akong makitang emosyon sa mga berde niyang mata. Tila ba nabato ako sa kinatatayuan lalo na nang inumin niya ang alak sa kopita nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Nakita ko ang pagsupil ng ngisi sa kanyang labi at sumandal sa counter. Kung hindi lang dumikit sa akin ang isang lalaki at kiniskis ang katawan sa akin ay hindi ako matatauhan. Tinalikuran ko ang lalaking may berdeng mata at nagpatuloy sa pagsasayaw. I closed my eyes and raised my hand as my hips moved in seductive grace. Nanunuyo ng sobra ang lalamunan ko at halos manghina ang tuhod dahil ramdam ko mula sa kinatatayuan ang mainit na tingin sa akin ng lalaki.
"Tara, Seven Zattana. Wala akong balak na mag-stay pa ng ilang oras, antok na antok na ako," reklamo ni Jamaica habang hinahatak ako pabalik sa couch namin. Nanlalabo na ang paningin ko, at halos sumayaw na rin ang paligid. Kanina pa rin kasi nila ako inaabutan ng alak habang sumasayaw ako, kaya malamang, nalasing din ako.
"Teka lang! May nakita akong pogi kanina, pupuntahan ko lang," nakikiusap na saad ko at halos masubsob nang pilitin kong makaalis sa hawak ni Jamaica at tuluyan niya akong nabitawan. Tumama ako sa matigas—malaman at mabangong bagay. Napanguso ako at kinurot-kurot 'yon bago nag-angat ng tingin ngunit hindi maaninagan ang itsura ng taong ito.
"Oh, it's you! Hello, handsome," matamis ang ngiting saad ko at pinilit na tumayo kahit na hindi ko na kayang tumayo ng tuwid. Naramdaman kong hinawakan ako ng lalaki sa braso dahilan para sa kanya ako muling matumba, napahagikgik ako at hinampas ang dibdib niya.
"Pasimple ka, ah? Bakit? Gusto mo mag-s*x tayo?" How I wish I would not remember this tomorrow. Ramdam ko na talaga ang tama ng alak sa akin at hindi ko na nga mapigilang magdaldal.
"Seven, ano ba! Umuwi na tayo, makakagalitan tayo ni Lolo niyan," nagrereklamong saad ni Jamaica at hinila ako palayo sa lalaki ngunit nanatili akong nakasandal sa lalaki.
Nakita ko ang pagngisi ng lalaki at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. "I think you need to go gome now. Nice to meet you, miss," maikling saad niya at dahan-dahang inalis ang kamay sa braso ko at inalis ako sa pagkakasandal sa kanya. Unti-unting nawala ang init ng palad niya sa 'kin at bumalik ang pamilyar na malamig na pakiramdam. May kung anong pumisil sa dibdib ko at nanghihinayang na pinanood ang lalaki na mawala sa paningin ko.
"TANG-INA TALAGA, NASA'N NA BA ANG PHONE KO?" mangiyak-ngiyak na saad ko habang kinakapa sa kama ang cell phone ko ngunit nanatiling nakapikit. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko at halos hindi ko maidilat ang mata sa sobrang sakit. Kung hindi pa tumunog ng malakas ang alarm ko, hindi pa ako magigising.
Nakapa ko 'yon sa ilalim ng unan at walang tinginan na pinatay. Napabuntong hininga ako at sinubsob ang mukha sa kama upang pakalmahin ang sakit. Hindi nagtagal, nagawa kong kayanin ang sakit ng ulo at naglinis na ng katawan sa banyo. Mayroon akong work ng alas-otso, kaya hindi ako maaring ma-late, ilang araw na lang din naman ako roon dahil magsisimula na ang klase next week.
"Good morning, my handsome Lolo!" masiglang bati ko nang makalabas ng kwarto at makita siyang naghahain ng pagkain sa kusina. I ran to him and kissed his cheeks. Narinig ko ang mahina niyang reklamo.
"Seven Zattana, h'wag mo akong madaan-daan sa ganiyan dahil hindi ako natutuwang umuwi ka na naman kagabi at halos hindi na makatayo sa sariling paa sa sobrang lasing!" pilit ginagawang seryoso ni Lolo Joseph ang boses niya ngunit bakas pa rin doon ang pag-aalala.
Napanguso ako at umupo muna upang ihanda ang sarili sa sermon niya. Naka-ready na ang mga pagkain nang umupo siya sa harap ko at seryoso akong tinignan.
"E, sinusulit ko lang naman, 'yong bakasyon habang wala pang pasok. Alam mo namang tutok sa pag-aaral ang apo niyo, kaya tuwing ganitong araw lang ako nakakapagsaya," pagdadahilan ko habang sumasandok ng kanin. Nakalatag sa lamesa ang mabangong sinangag, itlog at hotdog na si Lolo mismo ang nagluto.
"Oh, siya. Mamaya na tayo mag-usap at kumain ka muna. Alam kong gutom ka na dahil alak lamang ang laman ng tiyan mo magmula kagabi," may halo pa rin na panenermon na saad ni Lolo kaya napanguso na lang ako.
Bata pa lang ako ay si Lolo Joseph na ang nag-alaga sa akin. My parents died because of a car accident. Masyado pa akong bata noon, kaya hindi ko na maalala halos ang mga araw na kasama ko sila.
Tinapos ko ang pagkain ko at saka pinakinggan ang lahat ng sermon ni Lolo. Hindi pa natapos 'yon at panay pa rin siya pangangaral sa akin hanggang sa magawa kong linisin ang pinagkainan namin.
"See you later, Lolo! Kailangan nang magtrabaho ng maganda mong apo!"
Lolo hugged me. "Mag-iingat ka, Seven."
Kahit masakit ang ulo, pinilit kong mag-focus sa pagtatrabaho at pagsilbihan ang mga customer ng milktea shop na pinagtatrabahuan ko. Sa totoo lang, hindi ko na kailangang magtrabaho dahil mayroong sapat na perang iniwan ang mga magulang ko hanggang sa makapagtapos ako ng college. Gusto ko lang talagang libangin ang sarili ko, while at the same time gaining experience.
Alas-otso na nang magsara ang milktea at mabilis akong umuwi upang magpalit ng damit. Pagod ang katawan ko sa buong araw na pagtatrabaho, pero hinahanap pa rin n'on ang alak.
"Hey, Seven! Nice to meet you tonight; you look gorgeous," nakangiting bati ni Jack nang makasalubong ko siya papunta sa couch ng mga kaibigan ko. Masyadong maingay sa loob ng bar, kaya kinailangan pa ni Jack na ilapit ang mukha sa akin.
I smiled. "Thanks; you looked so handsome too," I replied, kissing his cheek. Hindi ako kaagad nakaalis dahil nag-usap pa muna kami ni Jack. He's my classmate in high school at muntik ko na rin siyang maging boyfriend. Mabuti na lang at nalaman ko kaagad ang ugali niyang pagkaseloso, ayaw ko pa naman na kinokontrol ako sa maraming bagay.
Minutes had passed, and I found myself kissing Jack at the corner of the bar. Madilim sa parteng 'yon at halos walang dumadaan na mga tao. Hinawakan niya ang likod ng leeg ko at mas diniin pa ako sa kanya. I was already panting when he distanced himself. Namumula ang parehong mukha namin at mabilis ang paghinga.
It was so wrong. Nagsisi tuloy ako bigla dahil baka isipin niyang may gusto pa rin ako sa kanya.
"I think I need to go. Baka hinahanap na ako nila Jamaica. See you around." I ignored him and continued walking away. Pinunasan ko pa ang labi ko at inayos ang suot bago natagpuan ang couch nila Jamaica. Sumalampak ako roon at pinagkrus ang mga braso. May mga lalaki silang kasama at halos manlaki ang mata ko nang makitang isa roon ay ang lalaking nakita ko kagabi.
I met his green eyes, and suddenly, I felt my heart take a sudden leap. Walang salitang namutawi sa aming dalawa, ngunit nakita ko ang pagkislap ng mata niya nang sandaling matagpuan ang mata ko. Nanuyo ang lalamunan ko nang makitang bumaba ang tingin niya sa labi ko.
"Wow. Ang aga mo, Seven Zattana, ah?" nang-iinsultong asar ni Viviane at tinarayan ako. Hindi ko magawang matawa sa biro niyo dahil sa pares ng mata na nanatiling titig sa 'kin.
"Kanina pa 'ko nandito, nag-usap lang kami ni Jack," pagdadahilan ko at pinilit ibaba ang boses ngunit imposible dahil maingay ang musika sa stage at hindi kami magkakarinigan kung hindi sisigaw. Sumandal ang lalaking may kulay berdeng mata sa couch at magkakrus na tinitigan ako. Tumaas ang kilay ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin ngunit ang walang'ya, ngumisi lang.
Magkaharap kaming dalawa, kaya malaya kaming natititigan ang isa't isa. Napadila ako sa labi at lumunok. "Usap lang ba talaga? E, bakit kalat 'yang lipstick mo?"
Napamura ako at mabilis na nilabas ang cell phone para tignan ang sinasabi niya. My face turned sour when I didn't find my lipstick smudge. Hinatak ko ang buhok mi Erich at halos mamatay siya kakatawa.
"f**k you!" I shouted as everyone laughed except that green-eyed man.
"By the way, guys. This is Seven, Jamaica, Viviane and I's friend. She likes partying too, and college student din siya like me," pagpapakilala ni Erich.
Ngumisi si Jamaica at inabutan ako ng isang bote ng alak. "Hi, Seven. I'm Brad. Nice to finally meet you," nakangiting saad ng lalaking kulay abo ang buhok at mayroong matangos na ilong. Inalok niya ang kamay sa 'kin at nakangiti ko naman tinanggap 'yon.
"I'm Sajj," the other guy introduced himself. Kumpara kay Brad, mas malaki ang katawan ng lalaking ito at halatang batak sa gym. May tatlong lalaki pang nagpakilala ngunit halos hindi ko na matandaan ang pangalan dahil na rin naging mabilis lang ang lahat hanggang sa matuon ang atensyon ng lahat sa lalaking may kulay berdeng mata na hindi pa rin nagpapakilala.
Curious pa rin ako kung paanong ang mga lalaking ito ay kasama namin ngayon sa table, mukhang mayayaman sila at afford ang VIP area, pero heto sila at nakikisalamuha sa mga taong tulad ko.
I mentally laughed at myself. Ano bang klase ang tulad ko?
The green-eyed man lifted his back from resting on the couch without breaking our stares. Naramdaman ko ang pagbaling ng mga kasama namin sa 'kin nang magsimulang mamawis ang noo ko. Slowly, a small smile crept up on that man's face as he offered his hand.
"Harold." One word, and everything was filled with defeaning silence. Para akong nabingi sa lahat at tanging ang boses niya lang ang natira sa pandinig ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ko hanggang sa maging malakas 'yon at halos lamunin ang lahat sa paligid.
"Hoy, Seven!"
"Hoy, 'te! Ano na, maglalaway ka na lang ba riyan?" Nagising ako sa malakas na hampas ni Jamaica sa hita ko. Halos mapatalon ako at wala sa sariling tinanggap ang kamay ni Harold.
"H-Hi, I'm Zattana," namumulang saad ko at ang walanghiya kong kaibigan ay halos magwala sa kinauupuan.
"Gaga ka, Seven Zattana! Bakit sa lahat, puro Seven lang ang pagpapakilala mo? Ayaw mong tinatawag kang Zattana pero itong si Harold, okay lang?" sigaw ni Erich na halatang tinamaan na. Mas lalong namula ang pisngi ko nang maghiyawan ang lahat ng tao sa table. Hindi pa rin binibitawan ni Harold ang kamay ko, kaya ramdam ko nang pisilin niya ang palad ko.
Kumislap ang mata niya at mas lalong lumawak ang ngisi. "Nice to meet you then, Zattana," mabagal ngunit madiing saad niya habang hinahaplos ang palad ko. Halos tumigil ang mundo nang dahan-dahan niyang i-angat ang kamay ko at ilapat ang kanyang mapula at malambot na labi roon. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napamura sa isip, dahil kahit ako ay naguguluhan sa nangyayari.
This must be just a dream. There is no way in hell that someone could make my heart go crazy like this. Wala akong pakialam kung paano, bakit at saan nagsimula. Inagaw ko ang bote mg alak sa kamay ni Jamaica at tinungga 'yon. Ramdam ko ang nagtatakang titig ng lahat ngunit hindi ko sila pinansin at mabilis na tumayo upang pumunta sa stage at sumayaw.
I let my hair wave at the movement of my body. Ramdam ko ang hilo sa bawat galaw ngunit hindi ko 'yon ininda at nakisayaw sa mga tao sa dancefloor. Naramdaman ko ang mainit na kamay na gumapang sa tiyan ko at halos maramdaman ko ang kuryente sa pagdampi ng kamay niya sa maliit na expose kong balat.
He leaned until his lips reached my ears. Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko at tuluyang huminto sa pagsayaw. The guy licked my ear, and I almost moaned in pleasure. Naliliyo ko siyang tinignan ngunit hindi ko na nagawa dahil tuluyang nagdilim ang mata ko bago pa man siya makita.
Kinabukasan ay parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Gusto kong sumigaw at magmura ng malakas ngunit hindi sapat ang lakas ko. Idagdag pa ang pananakit ng katawan ko sa hindi malamang dahilan.
Halos manigas ako nang ma-realise 'yon. Unti-unti akong nagdulat at tumama sa mata ko ang puting kisame, hindi 'yon ang kisame namin sa bahay!
Napabangon ako ngunit bumagsak muli sa kama nang maramdaman ang bigat ng katawan na bumabaon sa akin sa kama. Napahawak ako sa bibig at binaba ang tingin sa sarili. Wala akong saplot maski isa, at ang mas nakakagulat pa ay mayroong lalaking tulog sa tabi ko at mahimbing na nakayakap sa akin. Nakagat ko ang labi at inis na sinampal ang sarili. Hindi ko mamukhaan ang lalaki dahil na rin nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko.
"'Tang-ina mo, Seven Zattana! Napakabobo, bakit ka nakipag-s*x ng lasing?" inis na saad ko sa sarili at akmang sasampalin muli ang mukha nang may kamay na pumigil sa 'kin. Kaagad na nagwala ang dibdib ko nang mag-angat ng tingin ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit tila hindi ako nagulat nang makita ang kulay berde niyang mata.
"Why are you hurting yourself?" tanong niya gamit ang bagong gising na boses. Hindi ko makapa ang isasagot.
"H-Hi," pilit ang ngiting saad ko at humiwalay sa kanya. Mabuti na lang at tinanggal niya ang pagkakalingkis sa 'kin at hinayaan akong lumayo. Kinuha ko ang kumot at tinakip 'yon sa katawan ko.
Antok pa rin siya, kaya nang bumagsak ang ulo niya ay kaagad siyang nakatulog. Malaking bagay para sa 'kin 'yon. Sinulit ko ang oras at nagbihis upang umalis sa bahay niya. Pinilit kong alisin sa isip ang lahat ng nangyari, kahit na paulit-ulit ko siyang naalala. Pinilit ko ring alalahanin ang nangyari sa amin bago ang gabing 'yon ngunit hindi ko magawang maalala. Ilang beses ko na ngang napukpok ang ulo ko para pilitin ang sarili na makaalala.
"Nasaan ka na ba? 5 minutes na lang dadating na si Prof!" sigaw ni Jamaica sa cell phone, kaya mas lalo akong nagmadali na tumakbo upang makaabot sa class. Luckily, wala pa ang Prof nang makarating ako. Nagawa pa akong asarin nila Jamaica sa muntik kong pagka-late hanggang sa dumating ang Prof ngunit na-interrupt ang klase nang may kumatok sa pinto.
Pinagbuksan 'yon at halos tumigil ang paghinga ko nang sa akin dumiretso ang kulay berdeng mata ni Harold. Sa lahat ng estudyanteng nakasalubong at nakita ko, nag-iisa lang siyang nakasuot ng business attire sa school habang may nakasabit na school ID sa leeg. Umawang ang labi ko nang walang pasabi siyang pumasok sa room at naglakad palapit sa akin. Tumigil siya sa bakanteng upuan sa harapan ko at lahat ng babaeng nasa room ay sabay-sabay na nagsinghapan sa ginawa niya.
"Hello, my Zattana," he greeted me as if we had parted ways good that day.
Unti-unti akong ngumiti kahit na namamawis ang lahat sa 'kin. "Hi, H-Harold."
He smiled when he heard my voice. Napamura na lamang ako sa isip ko dahil alam kong magmula ngayon, hindi na magiging payapa ang buhay ko.