CHAPTER 6

1707 Words
Seven Zattana Elsher Hindi ko na hinintay si Harold na makabalik dahil muli kong nilibot ang kuwartong pinili niya para sa amin. It was so good that I almost dreamed of staying in this place for so long. Lumapit ako sa isang malaking cabinet, and thankfully, there are tonnes of clothes inside. Mayroong nakalagay na price per shirt, and I knew that Harold would be able to pay for this if I got some. Kumuha ako ng pares ng pajamas at naghanap ng underwear. Wala akong nahanap kaya napagdesisyunan ko na lang na labhan sa banyo ang damit ko at hintayin na matuyo 'yon dahil may dryer naman. I took a bath for almost an hour and washed my clothes. Nagsuot muna ako ng robe at lumabas ng banyo ngunit natigilan ako nang makita si Harold na prenteng nakaupo sa kama habang nagce-cell phone. "I thought you had a meeting? Bakit hindi ka pa naghahanda?" I asked and scanned his body. Basa ang bandang balikat niya at halatang sumuong siya sa ulan. Napailing ako at umupo sa tabi niya. I started drying my hair using the small towel, pero hindi talaga ako mapakali dahil nakikita kong basa ang damit niya. Pumasok ako ulit sa banyo at kumuha ng tuwalya roon. Gano'n pa rin ang pwesto ni Harold pagbalik ko at patuloy na nagce-cell phone. Binato ko sa kanya ang tuwalya. "Maligo ka na nga roon, basa ka at baka magkasakit ka pa," I said and rolled my eyes. Umangat ang tingin niya sa akin at pinigilan kong muling mapairap nang ngumiti siya ng malaki. "Concern ka ba?" tanong niya at ibinaba ang cell phone. Kinuha niya ang tuwalya at sinampay 'yon sa balikat niya. I bit my lower lip; his gestures made him appear more hot right now. Nakadagdag pa na nakalaglag ang ilang strands ng basang buhok niya sa kanyang noo. "Wala akong pakialam sa 'yo kahit mag-agaw-buhay ka rito dahil sa sakit. Nag-aalala lang ako na baka hindi ako makauwi kaagad dahil sa ginagawa mo," paismid na sagot ko at lumayo sa kanya. Dumiretso ako sa kusina dahil nandoon lahat ng mga pinamili niyang pagkain. Bumili siya ng pagkain sa isang sikat na restaurant at may kasama pa 'yong soup. Sinalin ko lahat sa plato at mangkok. Hindi naman nagtagal si Harold sa banyo dahil lumabas din siya. Wearing nothing on his top, he towered over me. His scent lingered on my nose in an unusual way. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya ngunit kaagad ding nag-iwas. Buti na lang nakasuot siya ng sweatpants sa baba. "Uhm, tara... kain na," halos mautal na saad ko at hinila ang isang upuan para maupo roon. Umupo si Harold sa tapat ko at nagsimulang lagyan ng pagkain ang plato ko. I just gulped and watched him serve me. Naninibago ako dahil ito ang unang beses na magkasama kami ng gabi at parehong maayos naman ang pag-iiisip at hindi lasing. Napansin niya yata ang pagtitig ko sa kanya, kaya napatingin siya sa akin. "Do you want to say something?" he asked gently. I shook my head and bit my lower lip. Damn. He appeared more manly and handsome to me tonight. Hindi ba siya nilalamig?! Sobra akong nadi-distract sa katawan niya dahil hindi ko rin inaakalang ganito kaganda 'yon! He has muscles on his body... and damn. He looked hot with those. Pinilit kong alisin sa isip ko ang makasalanang katawan niya at nagsimulang kumain at gano'n din siya. Walang nagsalita sa amin hanggang sa mangalahati ang pagkain namin. "Wala ka talagang balak na um-attend sa meeting niyo, Harold?" tanong ko nang maalala na iyon ang ipinunta niya rito. He looked at me with his serious eyes, and it dropped on my chest. Nangunot ang noo ko nang biglang mamula ang mukha niya at nag-iwas ng tingin. "Seven... I could see your boobs from here," bulgar na sabi niya. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa robe, hindi ko napansin na lumuwag 'yon kaya bahagyang sumilip ang dibdib ko. "Why do you have to mention that?!" inis na sigaw ko sa kanya habang namumula rin ang buong mukha. Nagulat naman si Harold at napatingin sa akin. "What? I was just concerned... baka malamigan sila," biglang ngising sabi niya. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa at napadaing naman siya. "Bastos!" sigaw ko. I raised my middle finger at him. "Wow! Ako na nga ang nagmamagandang-loob, maraming salamat sa 'kin, ah," sarkastikong sabi niya. Umirap ako at uminom ng tubig. Nawalan na ako ng gana dahil sa gagong 'to. "So bakit nga hindi ka um-attend sa meeting niyo? Sagutin mo ako ng seryoso dahil napipikon na ako sa 'yo!" He chuckled and wiped the sides of his lips with the tissue. Nagbaba ako ng tingin sa mapupula niyang labi kasabay ng panunuyo ng lalamunan ko. "I cancelled my meeting; I couldn't just leave you here tonight and go out. I brought you here, Seven." nakangiting tugon niya. "Ano? Kaya ko sarili ko kahit wala ka rito ngayong gabi. Sinayang mo lang oras mo rito sa pagpunta, hindi ka naman pala makikipag-kita sa ka-meeting mo," inis na asik ko. He smirked, as if he were remembering something. "I don't think so. Going here is not a waste of time, my sweet Zattana." Here he goes with his endearment. I raised my middle finger, earning a laugh from him. Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan ko para simulang hugasan 'yon, pero pinilit ni Harold na siya na ang gagawa. Hindi na ako nagpumilit dahil nakadikit ang balat niya sa akin at may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Pumunta na lang ako sa balcony. Mabuti na lang at may bubong doon at masyadong malaki para mapasukan ng tubig. I lit my cigarette and started smoking. Hindi ko pinansin si Harold nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. "Zattana," he called me, but I refused to look at him. Pinagmasdan ko ang labas at halos wala akong makita sa baba dahil sa malakas na ulan. My phone beeped, and I saw my grandfather's text message. Nag-reply lang ako sa kanya at ipinaalam na hindi ko magagawang umuwi ngayong gabi dahil na-stranded kami rito. Kaagad naman siyang tumawag at ang nag-aalalang boses niya ang bumungad sa akin. "Nasa'n ka ngayon at susunduin kita, Seven Zattana? Ang sabi mo uuwi ka rin ngayong gabi! Pinatataas mo na naman ang presyon kong bata ka," sermon ni Lolo sa kabilang linya. Napakamot ako sa batok ko at nagi-guilty dahil sigurado akong hinihintay niya talaga akong makauwi ngayong gabi. Malalim na rin ang gabi, kaya dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga na siya. "Hindi pa rin kami tapos sa ginagawa naming project. Bukas na bukas uuwi rin ako, kaya h'wag ka nang mag-alala riyan," sagot ko at muling humithit sa sigarilyo nang umihip ang malakas na hangin. Napatingin ako kay Harold nang bigla siyang gumalaw. Hindi ko inaasahang yayakap siya sa likod ko at ipapatong ang baba sa aking balikat. I froze. I felt him sniff my hair and tighten his hug. "Ibigay mo ang address ng kaibigan mong 'yan ngayon din at pupuntahan kita! Hindi ako papayag na riyan ka matulog ngayong gabi, Seven... may pasok ka pa bukas," pigil ang galit na utos ni Lolo. Nanghihina akong napasandal sa dibdib ni Harold. Napansin naman niya 'yon kaya napatingin siya sa akin. "Give me the phone; I will talk to him," bulong ni Harold at pilit kinuha ang cell phone mula sa akin. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Siraulo ka ba? Mas lalo itong magagalit sa 'ki!" inis din na bulong ko. "Give me the phone, Zattana. I will try to convince him to let you sleep here tonight," pangungulit pa ni Harold. "Ano iyang naririnig ko na boses ng lalaki, Seven Zattana? Sino ang kasama mo talaga ngayon?" Galit na talaga siya. Napapikit ako sa inis at labag sa loob na inabot kay Harold ang cell phone ko. He just looked at me and greeted my grandfather with his usual voice. Nagulat pa ako nang pumasok siya sa loob para roon kausapin si Lolo. Natatakot ako na baka magalit ito, kaya hindi ako sumunod kay Harold. Yakap ko ang sarili at tumingin sa madilim na langit. Hindi nagtagal, muling lumabas si Harold. Hawak pa rin niya ang cell phone ko at kausapin pa rin si Lolo. "Yes, po. I will make sure that she's safe with me." Nangunot ang noo ko at pinukulan si Harold ng nagtatakang tingin. He just smiled at me widely and handed me the phone. "Hello, 'Lo?" medyo kinakabahang tanong ko. Napabuntong hininga si Lolo sa kabilang linya bago nagsalitang muli. "Siguraduhin mong ligtas kang makakauwi bukas, naiintindihan mo? Ngayon lang inanunsyo na walang pasok dahil sa lakas ng ulan kaya magpatila muna kayo ni Harold diyaan. Mag-iingat ka Seven. Mag-ingat kayo ni Harold diyan at tigilan mo ang pagmamaldita sa kanya." Natulala ako sa sinabi ni Lolo. Binaba na niya ang tawag matapos iyon. Humarap ako kay Harold at nakita ang nagkikislapan niyang puting ngipin sa laki ng ngiti sa mukha niya. "Ano na, misis ko? Tulog na tayo?" nakangising tanong niya at inakbayan ako. Hindi ko nagawang makasagot at hinampas na lang ang matigas niyang tiyan. Parang ako pa ang nasaktan dahil sa tigas n'on. "Aww! Kasasabi lang ni Lolo, h'wag mo na ako malditahan! Hindi ka talaga sumusunod, Seven Zattana! Isusumbong kita!" nakangusong angil ni Harold. Sinamaan ko ng tingin si Harold dahil nagtataka pa rin ako kung paano niya napapapayag si Lolo ng gano'n kabilis. "Anong sinabi mo kay Lolo? Imposibleng hindi magalit iyon sa 'yo dahil galit 'yon sa mga lalaking umaaligid sa 'kin!" Tumingala si Harold, tila iniisip kung ano nga ba ang sinabi niya kay Lolo. Kaunti na lang ay bibigwasan ko na talaga siya! "Wala naman. Ang sabi ko lang, sinusuyo ko ang maganda niyang apo. Sabi niya sa 'kin, pagbutihin ko raw dahil gusto niya pag-uwi natin mayroon na raw siyang apo—aww! Zattana, masakit!" Sinabunutan ko ng malakas si Harold at sinipa sa hita. Tawa-tawa naman niya akong inilagan at nagpahabol pa sa loob ng kwarto. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to! Kahit kailan, wala talagang lalabas na maganda sa bibig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD