Hunter's POV
Mabilis ko nang hinanap ang Lacrima nila. Mabuti't nasa tabi lang ng bangkay nina Nurse Bianca at Dr. Gil Santos ang Lacrima kaya hindi na'ko nahirapan maghanap.
Sinilid ko na yon sa bulsa ko at umalis, kanina pa ding naka bukas ang mga ilaw. Kontrolado ng doctor ang hospital na'to, pwede n'yang gawin ang kahit anong naisin n'ya sa mga pasyente, kahit sa mga taong nandito. Ngayon ko lang napagtantong pinatulog n'ya ang mga tao sa hospital, ilan lang ang mga gising kaya siguro nung unang pasok ko bilang lang sa daliri ang nakikita ko.
Nag palit ako ng damit sa isang bakanteng kwarto, may mga nagsi-silabasan ng mga tao. Hind ako pwedeng makitang puno ng dugo ang damit. Nang makuntento sa sarili ay lumabas na ako nang nakabihis ng pang-nurse, bago din ang sergical mask na sinuot ko.
Medyo hindi nga ako komportable eh. Masyadong hapit sa katawan ko ang nakuha kong uniform, bakit naman ganto kahigpit to? Kaya nag mu-mukang sexy ang mga nurse sa hospital na'to dahil sa hapit nilang uniform. Bumuntong hininga ako, wala na'kong pagpipilian ganto talaga ang uniform nila. Mas gusto ko pa ang uniporme ng mga janitor, kaso ay kailangan ko pa pumunta sa janitors closet at ayoko namang makita ang mukha ko. Lalo na sa babaeng una kong nakasalubong, muntikan pa talaga akong atakihin sa puso dahil sakanya.
Patay malisya lang akong naglakad sa pasilyo hanggang sa makababa. Madami na'kong taong nakakasalubong, ang iba nalilito pa kung ano ang nangyare. Mukang natagpuan na din ang bangkay nina Nurse Bianca, may ilang mga guards ng hospital ang nagsi-sitakbuhan sa lugar kung saan ko iniwan ang bangkay ng doctor, meron ding nagmamadaling bumaba.
Natigilan ako nang makita ang babaeng humingi sakin ng tulong kanina. Tulala s'yang nakatingin sa kawalan, palagay ko din nakalimutan n'ya na ang nangyare.
Sana nga.
Hindi ko na inabalang lapitan s'ya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Narating ko na ang labas ng hospital, madaling araw na. Kailangan ko na makabalik.
Nasaan naba si Biker?
Nagpalinga-linga ako sa paligid, hindi ko nakita sa Biker. Hindi paba s'ya tapos? inaasahan ko pa naman na makikita ko s'ya agad pagkalabas ko. Hihintayin ko ba muna sya? Baka nauna na s'ya sa sobrang tagal ko. Napanguso ako sa naisip.
“Are you waiting for me?” Masaya akong lumingon sa taong nag-salita.
Pero agad ding nawala yon nang makita ko kung sino ang dumating. Kaya pala iba ang boses.
Bakit buhay pato?
“Nacario.” Mahina kong sabi. Napatiim bagang ako.
“Ano ginawa mo kay Biker?” Galit kong tanong. Hindi n'ya kasama si Biker, anong nangyare kay Biker?
“Biker? Oh s'ya ba ang dapat na pupunta sakin? It would be better if it were you,” sabi n'ya. Nakuyom ko ang kamao ko.
“As for that person, I set a trap at my house, I dont know what happened to her. She's none of my concern, my concern here is you.” napaatras ako nang akma s'yang lalapit.
“By the way, you look good in that nurse outfit.” Pagpuri n'ya.
Sumimangot ako, gusto kong mag-sisi kung bakit eto pa ang napili kong suotin. Inalis ko ang nakakailang na pakiramdam sa loob ko at tinignan s'ya nang deretso.
“Nasaan si Biker?” Pag-uulit ko at sinamaan s'ya ng tingin. Tinaas n'ya ang parehas n'yang kamay, parang sumusuko.
“Relax, wala akong ginawa sakanya. Kung gusto mo tawagan mo s'ya.” Ngumiti s'ya sakin.
Pinanliitan ko pa s'ya ng mata bago kunin ang cellphone ko, pinindot ko ang number ng sadya ko. Nasa kanya lang ang mga tingin ko habang hinihintay kong sumagot si Biker. Baka kung anong gawin n'ya habang naka-alis ang tingin ko sakanya, mahirap na.
Nag-ring na, hindi nag tagal sumagot na agad si Biker.
[Hello.] Sagot n'ya. Lumaki ang mga mata ko.
“Biker, okay kalang? Nasaan ka? Anong nangyare sayo?” Sunod-sunod kong tanong, nag-alala ako sakanya.
Hindi pa naman biro kaharap tong si Nacario.
[I'm fine.] Narinig ko ang pag buntong hininga n'ya sa kabilang linya, may dismaya din ang tono n'ya.
[Naisahan ako ni Nacario, medyo napalaban ako sa mga tauhan n'ya pero okay lang ako, nakabalik din ako kela Boss.] Nakahinga ako ng maluwag.
[Alam kong kasama mo s'ya, ikaw lang ang gusto n'yang makita. Tell me where are you? So we can fetch you there.] Tanong n'ya.
“Nandito parin ak—” napatigil ako sa pagsasalita nang inagaw bigla sakin ni Nacario ang cellphone ko.
Nilagay n'ya yon sa tenga n'ya at s'ya ang kumausap kay Biker. Sinubukan ko pang kunin ang cellphone ko, pero pinigilan n'ya lang ako gamit ang isang kamay.
Galit akong napahinga ng malalim, ang lakas n'ya at ang tangkad.
“Hunter is mine, you don't need to look for her. She's coming with me,” sabi n'ya.
Nanlaki ang mga mata ko. Aagawin ko pa sana yon sa kamay n'ya nang ibato n'ya sa malayo. Napanganga ako nang mawasak ang cellphone na binigay sakin ni Biker, sandali pakong napatitig don.
“Bakit mo ginawa yon? kailangan ko yon!” sigaw ko. Nilagay n'ya ang hintuturo n'ya sa labi ko, napatahimik naman ako.
“Shh, madaming makakarinig sayo.” tinanggal n'ya na ang daliri n'ya. Tumingin ako sa pintuan ng hospital, madaming tao sa loob na napapatingin sa labas.
Masama ko s'yang tinignan.
“Don't look at me like that you're making me—” mabilis kong tinakpan ang tenga ko.
“Kadiri ka.” sabi ko, muntik na ulit ako mapasigaw.
“You're making me want you even more.” ngumiti s'ya.
Kunot noo akong lumingon sakanya. Akala ko may sasaabihin s'yang iba.
“Hindi mo'ko pag-aari.” Naglakad ako papalayo sakanya pero hinawakan n'ya ang braso ko at hinila papalapit sakanya.
Halos mapatigil ako sa paghinga nang magkalapit ang katawan naming dalawa. Nagulat lang ako at hindi ako komportable sa hawak n'ya.
Gusto ko alisin ang kamay n'ya pero masyado itong nakahawak ng mahigpit.
“I told you already, you are mine.” Bulong n'ya sa tenga ko. Napaiwas naman ako nang onti.
Dinala n'ya ako sa kotse na naka park malapit sa hospital. Pumasok na'ko sa loob. Para akong robot na sunod sunuran sakanya.
“Pano mo'ko nahanap?” tanong ko.
“I've been watching you from the start.” napalingon ako sakanya.
“Sa pagpasok mo palang sa hospital nasa malapit lang ako.” Napadikit ako sa pintuan ng kotse n'ya.
Nung simula palang? Nasapaligid na s'ya? Hindi ko man lang naramdaman ang presensya n'ya?
Ngumiti s'ya at natawa sa reaksyon ko.
“Masama bang panoodin ang babaeng saakin? I just want to see you unharmed.” sincere n'yang sabi.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako pa ang napili n'yang guluhin. Napahilot nalang ako sa noo ko, sumasakit ito sa pinaggagawa ni Nacario.
“Saan mo naman ako dadalhin?” tanong ko.
“Saan mo gusto?” gulat ko s'yang nilingon, hindi makapaniwala sa sinabi n'ya.
“Hah?” sabi ko.
“I'm asking where do you want to go?” napa-tampal ako sa noo ko, isa tong kalokohan.
Niyayaya n'ya ba akong lumabas? Napa iling-iling ako. Nakangiwing bumalik ang tingin ko sakanya, naabutan ko s'yang nakangiti.
“So?” hinihintay n'ya ang sagot ko.
Seryoso talaga s'ya.
“Pano pag gusto ko pumunta kela Biker?” hamon ko sakanya. Bahagya s'yang tumawa.
“That I can't do." Pailing-iling n'yang sabi.
Sabi ko na nga ba eh, napayuko ako at malalim na nag-isip. Sasama ba ako sakanya? Sabagay ay hindi naman ako makakatakas, alam ko kung gaano s'ya kadelikado.
Napag-isipan kong sumakay nalang sa gusto n'yang gawin, tiwala naman ako na hahanapin ako nina Biker.
Sa oras na makita nila ako, tatapusin namin s'ya.
Napahawak ako sa tyan ko nang bigla itong tumunog. Lumaki ang mga mata ko, nagugutom na'ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nacario sa tabi ko.
“Kumain nalang tayo.” Mag pro-protesta na sana ako pero bigla n'ya ng pinaandar ang sasakyan.
Tahimik nalang akong sumandal, pinanood ang bawat dinadaan ng sasakyan n'ya.
Sa kalagitnaan ng byahe, biglang tumunog ang cellphone ni Nacario na nakalagay sa dashboard ng sasakyan. Pasimple sana akong sisilip pero natakpan na ito ng kamay n'ya, pinatay n'ya ang tawag at hindi man lang sinagot kung sino yon. Inosente akong napatingin sakanya, bigla n'yang hinawakan ang ulo ko at hinimas habang nakangiti.
“Cute,” sabi n'ya. Agad kong inalis ang kamay n'ya.
“Ano ba? bitaw,” irita kong sabi.
Tinawanan n'ya lang ako. Binalik n'ya na ang tingin sa daan. Ilang sandali tumigil s'ya sa isang karinderya. Bumaba na kami, nagtataka pa'ko kung bakit dito n'ya ako dinala.
Nakain s'ya sa gantong lugar?
“I thought of bringing you here, you are comfortable here right?” tanong n'ya.
Dahan-dahan akong tumango, tama s'ya mas gusto ko sa gantong lugar at para sakin masarap ang pagkain sa karinderya. Naglakad na kami papasok, may mga tao pang kumakain. Sakto lang ang laki ng karinderya, malinis ang lugar at maayos.
Napangiti ako sa kasimplehan ng kainan na'to.
“Ano gusto mo?” tanong n'ya nang nasa harap na kami ng mga pagkaing pagpipilian.
May babae ding tindera na naghihintay nang order namin, parang kasing edad ko lang din s'ya. Ngumiti s'ya sakin, tumango ako at tinuon ang mata sa mga pagkain, naramdaman ko ulit na kumulo ang t'yan ko.
“Tortang talong at kardereta,” sabi ko. Lumingon s'ya sa babaeng tindera.
“Ihanda mo ang sinabi n'ya, make it two orders.” Sabi n'ya dito. Kung makapag utos parang nagtra-trabaho ang babae sakanya.
Kumilos naman agad ang babae. Tumalikod ako at umupo nalang sa bakanteng upuan. Napatingin sakin ang dalawang lalaking kumakain, ang lalagkit ng tingin nila, pasimple kong binaba ang laylayan ng palda ko, umaangat kasi ito pag-umuupo. Hindi pa din ako nilulubayan ng dalawa, kahit subukan kong baliwalain ay hindi ko magawa.
Nakipagtitigan ako sakanila, tatayo na sana ako para lumipat ng ibang pwesto nang may biglang humarang sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko si Nacario dala-dala ang tray ng pagkain namin. Sakanya na tuloy napunta ang atensyon ko, umupo na s'ya sa harapan ko at nag-simulang ilahad ang pagkain ko.
“Eat.” sabi n'ya.
Gusto ko sana kumain na agad pero naalala kong naka mask pala ako. Ang daming tao sa karinderya na'to, paano ako kakain nang walang mask?
“You can take it off,” sabat n'ya habang pinag-iisipin ko pa ang gagawin.
Umiling naman ako.
“Tanggalin mo na mask mo Miss para makakain ka.” Narinig ko ang sabi ng lalaki, yung kaninang tumitingin sakin.
“Oo nga Miss, dali wag ka mahiya.” sabat ng kasama n'ya. Hinihimas n'ya pa ang labi nya gamit ang hintuturo n'ya.
Palagay ko ay mga tambay ang dalawang to base sa pananamit nila. Napatiim bagang ako at sumama ang tingin.
“Ganda ng mata Par kahit masama tumingin.” Mahinang sabi ng isa, yung unang nag-salita. Nag tawanan pa ang dalawa.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagtayo ng isa sa kanila, hinila n'ya paalis ang mask ko. Nanlaki ang mga ko, natahimik naman din s'ya nang makita ang mukha ko.
“AAAHHH!” Biglang may sumigaw, napatingin ako sa babaeng nakaturo sa direksyon ko, nanlalaki ang mga mata n'ya at mukang takot na takot.
“S-siya… s'ya, kriminal s'ya. Nasa dyaryo ang mukha n'ya!” sigaw n'ya, saktong may hawak na dyaryo habang nakain.
Nang makita ng lahat ang mukha ko sa dyaryo na may nakalagay na wanted ay nagkagulo na ang lahat.
“Bilis tawagin ang mga pulis!”
“Mamatay tao yan!”
Nagkagulo na talaga sa loob, ako naman ay hindi alam ang gagawin.
WOOSSH
Nagulat ako nang may dumaan na hangin. Napapikit ako dahil sa lakas nang naramdaman ko. Unti-unti akong dumilat, napatakip ako sa bibig ko nang makitang hati na ang katawan ng mga tao sa paligid ko.
Nanghihina ang tuhod ko kaya napakapit ako sa upuan. Lahat ng taong nasa paligid ko ay patay na at isa lang ang may gawa non.
“There you can now eat,” sabi ni Nacario.
Galit akong tumingin sakanya.
“Bakit mo ginawa yon?!” galit kong sigaw.
“So you can eat in peace,” sagot n'ya. Paulit-ulit akong umiling at napahilamos sa mukha ko.
“Hindi mo dapat ginawa to.” Napa-maang nalang ako.
“Kumain ka nalang, ginugulo ka nila kaya dapat lang yan,” sabi n'ya.
“Hindi ayoko,” padabog akong naglakad papunta sa pintuan.
Tumayo naman si Nacario para pigilan ako, hinawi ko ang kamay n'ya. Napabitaw s'ya pero hinawakan n'ya ako ulit, nag pumiglas ako.
“Calm down, look I'm sorry.” Napatitig ako sakanya nang mag sorry s'ya. Inis kong inalis ang hawak n'ya sakin.
“Anong magagawa ng sorry mo? Hah Nacario?!” galit kong sambit.
“Don't leave.” Tinitigan n'ya ako pabalik.
Medyo naging mahinahon naman ako.
“Kung gusto mong hindi ako umalis wag kang pumatay.” Seryosong sabi ko. Napatango naman s'ya agad.
“If that's what it takes for you to not leave then I won't kill.” Sincere n'yang sabi, tinitigan n'ya pa ako sa mga mata ko habang binibigkas ang bawat salitang yon.
Napalunok ako at lumayo na sakanya.
“Sige, pero ayoko na kumain sa lugar na'to.” nangingilabot kong sabi. Sino ba naman ang kayang kumain sa paligid na puro patay na katawan?
Hindi matibay ang sikmura ko para sa gantong bagay. Oo naka patay na'ko, pero hindi ako klase ng taong nagagawang maging maayos sa tabi ng mga bangkay.
“All right,” narinig kong sabi n'ya. Mabilis kong pinulot ang mask ko na nasa kamay ng lalaki, sinuot ko na'to agad.
Nilisan na namin ang lugar na yon.