Chapter 15

2151 Words
Hunter's POV “Sapol!” halos mapatalon ako nang matamaan ko ang Lacrima na nakakabit sakanya. Kasabay nang pagsira ng Lacrima ang pagbaon ng palaso sa bewang n'ya. Napasigaw s'ya, unti-unti na ding bumalik ang dating anyo n'ya. Tumakbo ako at hindi ko hinayaan na makatayo s'ya muli. Tinutok ko sakanya ang dagger na nilabas ko sa bulsa ko. “Arrgg! Get off of me!” Sabi n'ya nang tinapakan ko ang palasong nasa bewang n'ya. “Kung ano man yang gusto mo, you will never get it.” Madiin n'yang sabi sakin habang namimilipit sa sakit. Tinuon ko ang atensyon ko sa leeg n'ya, diniin ko ang dagger don. Medyo nanginginig pa ako. Ngayon lang ako nanutok ng patalim. “Kung hindi dahil sainyo buhay pa sana si Mama,” mapait kong sabi. Kumunot naman ang noo n'ya. “What are you talking about?” Wala s'yang kaalam-alam. Lalong sumiklab ang galit ko sakanya. Marahas kong tinanggal ang sergical mask sa bibig ko, nakita kong medyo nagulat n'ya nang makita ng tuluyan ang mukha ko. Masama ko s'yang tinignan, mahigpit kong hinawakan ang dagger. “Nakakausap ko pa si Mama non. Alam ko, ramdam ko! Dapat buhay pa s'ya.” Humina ang boses ko sa huli kong binigkas. Bumalik ang kirot sa puso ko, para itong tinutusok ng karayom. “Ikaw—” Hindi ko na s'ya pinatapos, binaon ko na ang dagger sa leeg n'ya, madiin na madiin. Naabutan ko pang nanlalaki ang mga mata n'ya nang sinaksak ko s'ya. Hindi nagtagal ay unti-unti na s'yang pumikit. Bumuntong hininga ako bago tumayo, hinugot ko ang dagger na puno na ng dugo n'ya. Walang buhay akong naglakad papunta sa elevator, hawak ko lang ang dagger na hindi ko na inabalang itago. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo ni Nurse Bianca sa sahig na nagmumula sa patalim na hawak ko. Minsan talaga nasa kamay natin ang sarili nating hustisya at hindi sa ibang tao. Ting Nakayuko akong pumasok sa elevator, nanginginig ang kamay kong pinindot ang numero nang palapag ng gusali. Sumandal ako sandali at hinintay makarating sa taas. Muling tumunog ang elevator, nandito na'ko. Dahan-dahan akong naglakad palabas, mabibigat ang mga hakbang ko patungo sa opisina ng doctor. Medyo madilim din sa pasilyo na'to, hindi na'ko nagulat. Nagtataka pa din ako kung bakit malimit ang mga taong nakikita ko ngayon. Kanina lang may onti pa akong nakikita Natigilan ako nang may makitang naglalakad papunta sa direksyon ko. Isang babae, naka puti s'ya at mahaba ang buhok. Kumunot ang noo ko. Isang pasyente? “Tulong.” Nang-hihinang sabi n'ya. Akala ko ay namamalik-mata lang ako, pero hindi. Sa mahabang pasilyo ay may naglalakad talaga papalapit sakin. Hindi na'ko gumalaw at hinintay nalang s'yang makarating sa harap ko, para kasi akong na istatwa nang makita s'ya. May dugo pang tumutulo sa noo n'ya. Buti inalis ko sa isip ko na baka multo ang nakikita ko ngayon. Hindi s'ya multo, kundi totoong tao at base sa suot n'ya ay walang dudang pasyente s'ya. Napatigil din s'ya nang makita ang hawak kong dagger, bahagyang napabuka ang bibig n'ya. Parang s'ya pa tuloy ang natakot sakin. “Kasama kaba ng doctor?” Takot na tanong nya. Agad akong umiling, tuluyan na s'yang lumapit sakin, binaliwala ang nakita sa kamay ko. Nagulat pa'ko, pero hindi ako umatras, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. “Tulungan moko, pakiusap.” Tumulo ang luha sa mga mata n'ya. “Kakagising ko lang pero gusto n'ya na'ko patayin.” Mangiyak-ngiyak nyang sabi. Nanghina ang tuhod n'ya at muntikan na s'yang mapaluhod. Mabuti ay nasalo ko s'ya agad. “Huminahon ka.” Sinubukan ko s'ya pakalmahin. Hinagod ko s'ya sa likod n'ya, medyo bumagal na ang paghinga n'ya. Hindi na katulad kanina na parang hininabol n'ya ang hangin. “Tulungan mo'ko,” muli n'yang sabi. Niyakap ko s'ya at tumango. “Oo tutulungan kita, wag ka mag-alala.” malumanay kong sabi. Bigla kaming nakarinig nang mabibigat na yapak papunta sa direksyon namin. Takot ang babaeng napakapit sakin. “Paparating na s'ya,” bulong n'ya. Naramdaman ko na naman ang panginginig ng katawan n'ya, niyakap ko s'ya ulit, para hindi s'ya masyadong matakot. Pero hindi s'ya napakalma. Lumayo ako nang onti at tinutok ang pana ko sakanya. Nanlaki ang mga mata n'ya. “T-teka anong gagawin mo? s-sabi mo hindi ka kasama ng doctor.” Napaatras s'ya, hindi ko binaba ang pana ko at nanatiling nakatutok sakanya. “Hindi nga, pero patutulugin lang kita sandali. Mag tiwala ka sakin.” Nginitian ko s'ya nang puno ng sinseridad. Medyo napatigil naman s'ya. Pinakawalan ko na ang palaso at tumarak ito sa noo n'ya, walang dugong umagos. Nawala lang ang palaso at unti-unti na s'yang tumumba, nilagay ko s'ya sa isang kwarto na malapit sa pwesto namin. Lumabas ako at tumakbo, sinalubong ko ang doctor. Hindi na'ko nagulat na nag iba na din s'ya ng anyo, kung ikukumpara kay Nurse Bianca mas malaki at mas nakakatakot ang itsura ni Dr. Gil Santos. Mas madami ang galamay n'ya, madami din ang mata n'ya sa mukha, malaking bibig na may matutulis na ngipin at may mga bilog-bilog s'ya sa katawan n'ya. Mas nagilabot ako sa itsura nya kesa kay Nurse Bianca. Hinanap ko ang Lacrima n'ya pero hindi ko makita. Nasaan na yon? Nagpaulan ako nang madaming palaso sa direksyon n'ya habang hinahanap ang Lacrima n'ya. Nagulat ako sa bilis n'yang makaiwas. “Naaalala kita, ikaw yung babaeng tumakas dahil hindi makabayad,” sabi n'ya. “At ikaw naman ang doctor na pumatay sa nanay ko! Alam ko ding hindi lang ang nanay ko ang pinatay mo!” sigaw ko. “Doctor ka! dapat binubuhay mo ang pasyente mo, hindi pinapatay!” Sigaw ko pa habang umaatake, napadaing pa'ko dahil nasugatan ako sa kamay ko kakatira ng palaso. “Utos ni Mayor na dispatyahin ang hindi nakakabayad, I'm just doing my job.” sabi nya. “Trabaho mo yon? Bakit tinawag mo pa ang sarili mo na doctor! Wala kang kwenta!” Naramdaman ko ang malakas na pwersa na bumalibag sakin. Gumulong ako sa sahig, napadaing na naman ako dahil sa sakit. Muntik na'ko mawalan nang malay pero nagawa ko paring makatayo. Nahihirapan man pero kinaya ko. “Napag utusan lang. At ang isang hamak na kriminal na katulad mo. Ay walang magagawa.” Dahan-dahan n'yang sinabi na may diin, parang sinusubukan n'yang itatak sa isipan ko ang mga sinabi n'ya. Gumapang ang galamay n'ya papunta sakin, pumulupot ito sa katawan ko, bigla n'ya akong kinaladkad palapit pagtapos ay naramdaman kong umangat ang katawan ko sa ere. Sinubukan kong makawala pero hindi ko magawa, masyado mahigpit ang pagpulupot n'ya sakin. Bumukas ang bibig n'ya. Nanlaki ang mga mata ko, balak n'ya akong kainin? Nagpumiglas na naman ako, wala na'kong nagawa nang nilapit n'ya na'ko sa malaking bibig n'ya. Napatigil ako nang may nakitang makinang na bagay. Nasa dila n'ya! Nasa dila n'ya nakakabit ang Lacrima n'ya! Ginalaw ko ang kamay ko sa loob ng pagkakapulupot n'ya, nang mahawak ang hinahanap ko ay napangiti ako. Hinulog n'ya ako sa bunganga n'ya, na isang malaking pagkakamali. Tinaas ko ang dagger ko, ginamit ko ang buong lakas ko para ibaon yun sa Lacrima na nakakabit sa loob n'ya. Nang mapagtanto ang ginawa ko ay mabilis n'ya akong niluwa paalis sa loob ng bunganga n'ya. Nahulog ako sa sahig na may ngisi sa labi, sobrang sakit ng katawan ko pero masaya akong nagawa ko ang inanais ko. “How did you know?” Unti-unti s'yang bumalik sa normal. Naka hawak pa s'ya sa ulo n'ya at parang nahilo, mukang nakaramdam s'ya nang matinding sakit. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon. Mabilis ako lumapit, sa kalagayan ko himalang nakakagalaw pa'ko ng maayos. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng doctor na nakasalampak sa sahig. “Paanong ang isang katulad mo, ay alam ang bagay na yon?” Galit n'yang usal. “May nakakalimutan kang isang bagay doctor.” Malamig kong sabi sakanya sabay pakita ng pana kong nakatutok na sakanya. Kuminang ang Lacrima na nakakabet dito. Napangisi ang doctor habang umiling-iling. “Ang alam ko dati isa kang mahirap at walang alam, nakakagulat na alam mo ang bagay na yan. Those criminals are really a threat.” Bulong n'ya sa huli nyang sinabi. “I wonder what else they knew,” dagdag n'ya pa. Inasinta ko ulit ang pana ko sakanya. “Madami silang alam, mga bagay na hindi n'yo pinapaalam sa mga katulad namin,” galit kong sabi. Pinakawalan ko na ang palaso, balak n'ya pa tumayo pero hindi n'ya na nagawa. Tumarak ang palaso sa binti n'ya, napa sigaw s'ya. Lumapit ako. “Pag nalaman to ni Mayor, hindi ka n'ya papalampasin. Huhulihin ka n'ya, kayong lahat,” sabi n'ya. Walang sabi-sabi ko s'yang sinaksak, nakapinta parin ang ngisi sa mukha n'ya sa pagpikit ng mga mata n'ya. Tumayo na'ko, wala pa din s'yang pagsisisi sa ginawa n'ya. Naglakad na'ko papalayo. “Sisiguraduhin kong hindi s'ya magtatagumpay.” Sabi ko at nagpatuloy na sa pag-alis. Nakaramdam ako nang sakit sa katawan, umupo muna ako at sumandal sa may tabi ng elevator. Nilabas ko ang ear piece ko, sinuot ko to at pinagana. “Hello Hacker?” bungad ko. Biglang may drone na papalipad sa direksyon ko, naningkit ang mga mata ko. Mukang alam ko na kung kanino yon. “Oh look I finally found you,” lumabas ang hologram n'ya. Ang galing talaga ni Hacker, parang s'ya mismo ang nasa harap ko, kahit medyo nawawala-wala ang imahe n'ya sa hologram pagsinubukan mong hawakan, parang totoo pa din s'ya. “Patay na silang dalawa,” pagbibigay alam ko. “Nakuha mo ang Lacrima nila?” tanong n'ya. Kumunot ang noo ko. “Sinira ko na yon, diba yon ang sabi mo?” Umiling s'ya. “Well I forgot to tell you that Lacrimas don't break. You thought you broke it but actually they will just form into a new crystal again.” Napatango-tango ako sa sinabi n'ya. “Bago ako bumalik, may tanong ako.” sabi ko. “I'm all ears.” May hindi lang kasi ako maintindihan kaya itatanong ko nalang sakanya. “Pano naging ganon ang itsura ni Dr. Gil Santos at ni Nurse Bianca?” tanong ko. Ibang-iba sila sa mga nakita kong nagamit ng Lacrima. “They are a different case, they are a failed experiment.” Lalo kong hindi naintindihan. Natawa sya sa naging reaksyon ko, kita siguro sa mukha ko na hindi ko naiintindihan. “Usually you can't attached your Lacrima to your body, that can be dangerous.” Oo nga pala, narinig ko ng hindi pwede ikabit sa katawan ang Lacrima. “In their case, they are an experiment of the Mayor. That is the side effect, they will become a monster. The Mayor still keeps the experiment going, they want to achieve a human that has a Lacrima attached to it, to not become a monster.” Napanganga ako sa paliwanag n'ya. “Anong... proseso nang... eksperimento na yon?” dahan-dahan kong sabi. “There are many process. They will be put in a glass cage, attached a Lacrima in different parts of their body, observe what will happen. Machine are also attached to someone's body while they wait for the result, if the person turns into a monster the experiment repeats. If an experiment fails again and again they will kill them or make them work for the Mayor commanding his orders just like the two people you killed, but there are a lot of people who can't survive the pain, so some eventually dies.” Napatakip ako ng bibig sa narinig. “To make it short they're guinea pigs,” dagdag n'ya pa. “Pinilit ba ang dalawa sa eksperimento na yon?” tanong ko. Umiling s'ya. “According to the information that I found, they volunteered for the experiment, walang pumilit sa sakanila. But they failed on them so here they are now.” Napahinga ako ng maluwag. Hindi na'ko magagambala sa palaisipang naka patay ako ng taong wala sa sariling kontrol. Napatingin ako ulit sakanya. “Ano mangyayare pag-nagtagumpay ang eksperimento?” tanong ko. Humalukipkip s'ya at bahagyang ngumisi. “You really are interested in this. Well they'll keep that person and make it as their weapon.” Napamaang ako. “Now you know everything, you should stand up and look for the Lacrima of those two.” utos n'ya sakin. Napakamot ako sa ulo ko at tumayo n'ya. “Salamat sa impormasyon.” sabi ko sakanya. “Kailangan mo din naman malaman. We're almost down to one target.” ”Sino?” tanong ko. “Who else? It's none other than the Mayor. It's time to put an end to him.” Pagkasabi n'ya non ay agad na nawala ang hologram n'ya. Naiwan akong gulat. Muli akong napasandal at prinoseso sa utak ko ang lahat ng sinabi n'ya. Eto ang balak nila simula palang… ang patayin ang Mayor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD