Hunter's POV
Tahimik lang ako buong oras nang mag-simula kaming umalis, halo-halo ang naramdaman ko nang malaman na ang isang doctor na pinagkatiwalaan ko sa nanay ko ay isa din palang mamatay tao. Gusto kong umiyak dahil hinayaan ko yung mangyare, kung hindi sana ako umalis… napailing-iling ako. Si Jane pa pala, kung sana maaga akong nakapunta sakanya…
Nakuyom ko ang kamao ko, gusto kong sabunutan ang sarili ko. Sinong niloloko ko? parehas ko silang hindi kayang iligtas. Napatingala ako sa langit, kahit papaano napakalma ako nito. Kanina ay parang dumilim ang paningin ko, kung nagpatuloy yon baka hindi ko masundan ang plano at kumilos sa sarili ko. Kating-kati na akong makaharap si Dr. Gil Santos, gusto ko sumugod mag-isa pero alam kong galit lang ang dala ko, wala pa'kong masyadong lakas hindi katulad nila Biker, pero sisiguraduhin kong ako ang tatapos sakanya.
Kahit pa buhay ko ang kapalit, tatanggapin ko.
“You can let it all out once we're there,” narinig kong sabi ni Biker, naka angkas ako sa likod ng motor bike n'ya.
Buong byahe akong walang imik pero hindi na nakapag-tatakang may alam s'ya sa inakto ko.
Lumingon s'ya sakin, parehas nililipad ng hangin ang buhok namin. Ang bilis kasi nang pagpapatakbo n'ya, pero kahit ganon pakiramdam ko ay nasa ulap ako na lumilipad. Hindi sagabal ang malakas na hangin na tumatama sa mukha ko, lalo pa itong napa gaan ang pakiramdam ko. Walang gaanong tao at sasakyan sa dinadaan namin, parang sa oras na ito ay kay Biker ang kalsada.
“Ikalma mo ang sarili mo,” sabi n'ya pa at bahagyang natawa.
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko, mabilis kong niluwagan ang kapit ko sakanya, hindi ko napansin na kanina pa pala mahigpit ang kapit ko sa damit ni Biker. Nagusot ko tuloy ang itim n'yang jacket.
”Nako sorry,” mahinang kong sabi.
Bumalik ang tingin n'ya sa kalsada, onti nalang ay mararating na namin ang lugar nayon. May kaba akong nararamdaman, siguro ay dahil makakaharap ko ulit ang doctor.
“Do you want me to leave the doctor to you?” tanong ni Biker, napa-maang ako at hindi mahanap ang isasagot.
Nabasa ko ang kakayahan ni Dr. Gil Santos dahil sa binigay na impormasyon tungkol sakanya. Gusto ko s'yang tapusin pero hindi ko ata kayang mag-isa.
Parang sandali akong naduwag.
“Still don't think you can do it?” malumanay nyang tanong nang matahimik ako nang ilang minuto.
“Well I'm still gonna leave you,” seryoso n'yang sabi.
Bahagyang napa buka ang bibig ko. Iiwan n'ya parin ako? Nang may mapagtanto agad napalitan ang gulat na ekspresyon ko nang isang maliit na ngiti, hindi nga pala ordinaryong grupo ang napasukan ko.
“Walang problema sakin yon,” nagawa kong sabihin.
“I know,” sabi n'ya sabay marahan na tumawa.
Naramdaman ko ang pagtigil namin, saka ko nakita ang isang napaka pamilyar na lugar. Parang biglang sumikip ang dibdib ko, napahawak ako don at napayuko.
“Nandito na tayo,” narinig kong sabi n'ya, lumingon s'ya sakin.
Bumaba na ako at tinanggal ang helmet sa ulo ko. Dumaan na naman ang malamig na hangin dahilan para liparin ang buhok ko, nilamig ako kahit naka-suot ako ng jacket.
Inabot ko na sakanya ang helmet. Tinapik muna ni Biker ang balikat ko bago paandarin ang motor bike n'ya, sandali kong pinanood ang pag-alis n'ya.
Nang mawala na s'ya sa paningin ko ay tumingala ako sa napakataas na building, nandito ako ngayon sa gilid ng North Care General Hospital or NCGH. Ang pinaka kilalang hospital ng North Town.
Hindi ko alam na mapapa-aga ang balik ko dito, dati may kasiyahan pa akong nararamdaman pero iba na ngayon, hindi na si Mama ang dahilan ng pagpunta ko.
Sarado na ang hospital at hindi na tumatanggap ng bisita, pasimple akong pumasok sa janitors closet dahil doon lang ako maaaring makapasok patungo sa loob nang hospital. Nagtago ako sa sulok at inilabas ko sa bulsa ko ang isang ballpen na binigay ni Hacker. Sabi n'ya ay isa itong mapa, pinapakita nito ang mapa nang buong hospital na naka hologram. Ang tawag daw dito ay holographic projector na naka disguise na parang ballpen. Hindi talaga ako pamilyar sa mga gantong klaseng bagay, sa pamumuhay ko sa squatter tanging cellphone lang hawak ko, lumang disenyo pa ng cellphone yon.
Pinindot ko ang nag-iisang pindutan ng ballpen, nakita ko kung saan ang opisina ni Dr. Gil Santos, nasa limang palapag lang ito matatagpuan. Sinara ko na ang mapa at binalik sa bulsa ko, kumuha ako ng uniporme nang janitor, dinampot ko nalang ang una kong nakita. Pinatong ko ito sa itim kong suot, pinalitan ko din ang itim kong mask ng sergical mask. Itinali ko ang buhok ko bago lumabas na may dala-dalang mop.
Naglakad na ako. Medyo madilim at nakakatakot sa loob ng hospital, pinapatay kasi nila ang ilang ilaw sa pasilyo para makatulog ng maayos ang mga pasyente. Ang nararamdaman ko ngayon ay kaparehas nang lagi kong nararamdaman dati nung nagbabantay pa ako kay Mama. Hindi talaga ako sanay sa hospital, kahit ilang beses pakong nakapunta dito. Kada daan ko sa pasilyo na may onting liwanag ay kinikilabutan ako.
Sino bang may gusto sa lugar na'to? Sino bang may gustong ma-admit sa hospital? Wala naman siguro, para ka na ding nakakulong kung ganon, walang kalayaang makalabas dahil sa karamdaman. Walang pinagkaiba sa kulungan ng mga kriminal.
Mahigpit ang hawak ko sa mop habang nilalakbay ang daan papuntang elevator.
“Emma.”
“Ayy elevator!” nagulat ako sa babaeng humawak sa balikat ko.
Napahawak ako sa dibdib ko bago lumingon sakanya, nakakunot noo itong tumingin sakin.
“Kailan ka pa naging magugulatin Emma?” Sabi n'ya na medyo natatawa.
Wala akong nakikitang ibang kausap n'ya kundi ako. Tinignan ko ang uniporme na suot ko at nakita ko ang name tag na may pangalang Emma. Bahagya akong napapikit.
“Teka parang pumayat ka ata.” Napa iwas ako nang akma n'ya akong hahawakan, nagtaka naman s'ya, ang nagawa ko nalang ay mabagal na umiling. Bumuntong hininga s'ya.
“Oh sya linisin mo na ang room 32, bilisan mo.” Nakahinga ako nang maluwag nang maglakad na s'ya palayo.
Nag-isip ako kung dapat ko bang pumunta sa kwartong sinasabi n'ya.
“Bilisan mo na Emma!” Agad akong naglakad kung saan ang kwarto dahil sa sigaw n'ya. Hindi pa pala s'ya nakakalayo.
Naka-mata parin s'ya sakin hanggang sa makaalis ako. Hinanap ko nalang ang kwarto na sinabi n'ya, nang mahanap ay pumasok na ako.
May nakita akong pasyente na naka hilata sa kama, marami ang nakakabit sakanya. Matandang babae ang pasyenta, kulubot na ang mga balat at nangayayat na ang katawan. Rinig ko ang tunog ng makina na bumubuhay sakanya.
Napalunok ako, sandali akong natulala sa life monitor na ino-obserbahan ang tunog ng puso n'ya. Dahan-dahang napa upo ako sa nag iisang upuan sa kwarto.
“Mag pagaling po kayo.” Mahina kong sabi.
Sabi daw nila pagkinausap mo ang isang coma patient, kahit tulog ay maaari pa din nilang marinig ang sinasabi mo. Maliit akong ngumiti, sana narinig n'ya yon.
Nasaan kaya ang nagbabantay sakanya? hindi kaya… mag-isa lang s'ya dito?
Nakarinig ako bigla nang kaluskos na nagmumula sa labas. May paparating, agad akong nag-tago sa banyo ng pasyente. Kinabahan ako nang marinig na bumukas ang pinto, napapikit ako nang mariin, rinig ko ang mga hakbang ng dalawang taong pumasok.
Baka ang nagbabantay sakanya ang pumasok? Dinikit ko ang tenga ko sa pinto.
“Nay kamusta kayo?” Nanlaki ang mga mata ko, kilala ko ang boses na yon.
Walang sagot ang pasyente kaya nagpatuloy s'ya sa pagsasalita.
“Pasensya na po kayo ah, pero masyadong nang mahaba ang pananatili n'yo dito…”
Dinikit ko pa nang maigi ang tenga ko para marinig sila nang maayos.
”Kailangan n'yo na dispatsyahin. It's time for you to rest.” Napatakip ako ng bibig ko.
“The injection.” narinig kong sunod n'yang sinabi.
“Yes Doc.” Napa-hinga ako ng marahas, nag-ipon ako nang puwersa sa paa ko at…
BLAG
Malakas kong binalibag pabukas ang pinto. Nagulat ang babae nang makita ako habang wala namang reaksyon ang doctor. Hinampas ko kay Nurse Bianca ang hawak kong mop, bumagsak s'ya sa sahig, nalaglag ang injection na balak sana n'yang iabot sa doctor.
Tinapakan ko yon bago pa nila madampot, kumalat ang laman ng injection sa sahig, nalagyan pa ang sapatos ko.
Hinarap ko si Dr. Gil Santos. Nagtatangis na ang bagang ko sa gigil at matatalim na din ang aking mga tingin sakanya.
“And who are you?” Nagtatakang sabi habang nanatili sa kina-tatayuan n'ya. Wala akong nabasang pagkabahala sa mukha n'ya.
Pinilit kong hindi mag-salita.
“Ah, you must be part of those trouble some criminals.” Komento n'ya. Napatiim bagang ako.
“Mga walang magawa sa buhay kaya nang-gugulo nalang sa syudad,” muli n'ya pang sabi.
“I saw you're faces on the news and billboards. The authorities are looking for you. Why won't you just surrender? mahuhuli din kayo, panigurado.” Ngumisi s'ya sakin.
Nilabas ko ang pana ko, akmang aasinta ako sa doctor kaso may pumigil sakin mula sa likod.
Nagpumiglas ako, hindi ko napansin na naka tayo na pala ang Nurse. Galit ko s'yang siniko sa mukha, medyo napabitaw s'ya. Tinuhudan ko pa s'ya sa sikmura n'ya para tuluyan na s'yang mapabitaw, tinutok ko ang pana ko sakanya, napatigil naman s'ya sa paglapit.
Nurse Bianca, ang tagal kong nagpaloko sayo.
“Peste ka!” sambit n'ya.
Mas peste kapa sa peste!
Pinakawalan ko ang palaso, pero nasalo n'ya ang tinira ko gamit ang mga… galamay? naging mga galamay ang kamay n'ya.
Mga halimaw sila.
Nag-iiba sila ng anyo. Tama lang na matawag silang mga halimaw, hindi normal na kapangyarihan ang binigay sakanila ng Lacrima.
Sinira ng Nurse ang palaso na ginawa ng Lacrima ko, napa-atras ako.
“Ano ang pakay mo samin? munting kriminal.” Nagawa pang magtanong ng doctor.
“May balak kayong patayin ang matanda nayan!” Ayoko sana mag-salita pero hindi ko matiis.
“And what it is with you?” Tanong ng nurse.
“Wait, are you saying you're trying to stop us?” Sabat ni Dr. Gil Santos, natawa pa s'ya nang bahagya.
“Isa lang ang gusto ko mangyare…” tinutok ko muli sakanila ang pana ko.
“Yun ay mamatay kayo!” Pinaulanan ko sila ng mga palaso. Ngayon ay matibay at may malakas na kapangyarihan ang pinapakawalan ko.
Napuruhan sila, pero nagawa nilang umilag. Tumakbo sila palabas ng kwarto para hindi mataman ng palaso ko, sinundan ko sila.
Naabutan ko si Nurse Bianca, pero wala na si Dr. Gil Santos.
“Nasaan na ang doctor na yon?” sabi ko sa sarili ko.
Nakaramdam ako nang may paparating sa gilid ko, lumingon ako pero bago ko pa makita nahagip na ako nito at tumilapon ako sa pader. Napa-ubo ako ng dugo, medyo nanghina ako sa hindi inaasahang atake na yon.
“Nurse Bianca.” Madiin kong sambit.
“If you want to see Doc you have to go through me.” Pagtingin ko sakanya ay nag-iba na bigla ang itsura n'ya.
Medyo lumaki s'ya, naging galamay ang mga kamay nya, tumaba ang katawan n'ya ya na may mga butas, may lumalabas na usok mula doon, hindi ko alam kung para saan. Parang nanlamig ang buong katawan ko, hindi na s'ya mukang tao.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papalayo sakanya. Kinuha ko ang ear piece sa bulsa ko, sinuot ko to sa tenga. Muntik ko pa malaglag dahil sa pag-ilag sa galamay ni Nurse Bianca. Nasaan ang mga tao dito sa hospital? bakit parang wala akong nakikita!
“Hacker!” sigaw ko.
“What? What's going on there? Nawalan ako bigla ng connection sayo kanina.” Sagot n'ya sa kabilang linya.
“Naging halimaw si Nurse Bianca!” mangiyak-ngiyak kong sabi.
“Calm down, kaya mo s'yang patayin. Before that, you need to break the Lacrima that's attached to her.” Nilingon ko si Nurse Bianca.
Muntik na naman ako matamaan ng mga galamay n'ya, buti nalang nakailag ako. Nag-tago ako sa isang kwarto, sandali akong tumahimik, mukang hindi n'ya naman nakita na dito ako pumasok.
“Still alive?” tanong ni Hacker.
“Oo buhay pa ako.” Sagot ko habang naka simangot, umupo ako para maghabol ng hininga.
“Good, here's what you need to do. Use your bow wisely, you have the advantage in long range, keep a distance and find the right timing to aim at the Lacrima.”
“Pero hindi ko pa na pra-practice ang pagpana sa gumagalaw na bagay, mabilis masyado gumalaw si Nurse Bianca,” sabi ko.
“You already killed a hostage taker without even moving an inch in your spot. Be your name, remember you are Hunter, the minute you said that, you need to act like one.”
“Eh kasi…” nag-aalangan pa din ako hanggang ngayon.
Nakagat ko na ang kuko ko dahil sa kaba.
“Look, if you can't kill the assistant, you will never kill the doctor.” Sabi ni Hacker na nakapag balik ng wisyo ko.
“G-gagawin ko na, ahh!” napa-yuko ako dahil malakas na bumukas ang pinto.
Nagulat pa'ko sa pagdating n'ya. Pinatay kona ang ear piece, sumilip ako at nakita ko si Nurse Bianca, nanatili akong naka tago sa gilid.
“Pag hindi ko s'ya napatay, hindi ko mapapatay ang doctor,” bulong ko.
Huminga akong ng malalim, hinanap ko kung nasaan ang Lacrima na nakakabit sakanya.
“Ayon.” nakita ko na. Nasa bandang bewang n'ya nakalagay.
Tahimik kong pinulot ang pana ko at tinutok sakanya. Pinikit ko ang kaliwang mata ko para masakto ko ang pagtama, naghintay ako nang tyempo.
Nang makakita, dahan-dahan ko nang binitawan ang palaso.