May Gusto

1002 Words
Yna Pagdating namin sa parking area ay nakaabang na ang pinsan kong si Anton. Agad niyang dinaluhan si Mama at basta na lang inagaw sa'kin ang pagtutulak ng wheelchair kaya lihim akong ngumuso. Biglang sumama ang pakiramdam kanina ni Mrs. Esguerra ng dumating sila dito sa Lowell Hospital kaya nagpasya ako na huwag na silang mag abala pa na samahan si Mama dahil nandito naman ako. Sobrang abala na sa kanila ang maihatid dito si Mama kanina at kaya siguro sumama ang pakiramdam ni Mrs. Esguerra dahil malayo layo ang naging byahe nila. “Mabuti na lang at na contact ka ni Mr. Esguerra…” Simula ko ng tinitingnan ko siyang binubuksan ang pinto ng kotse niya. “Nasa boarding house ako kanina ng tumawag siya. Mabuti na lang din at napurnada ang date namin ni Lesley kaya nandito ako ngayon,” nakangisi niyang sagot habang nakatingin kay Mama. Hindi ko napigilang ngumiwi. Porket nagka-girlfriend na, maya’t-maya na ang singit sa usapan. Parang noong isang araw lang ay wala siyang ibang bukambibig kundi si Lesley. Tapos ngayon isiningit niya na naman! “Bakit parang labas sa ilong ang pag payag mo na sunduin kami dito ni Mama?” Yamot ang kanyang mukha ng tingnan niya ako. “Isang linggo pa lang simula ng maging kayo pero wala nang ibang lumalabas sa bibig mo kundi pangalan niya,” reklamo ko sa kanya. Natatawa pa ako sa una pero ng tingnan niya ako ng naiinis ang itsura ay kusa akong umurong para lumayo sa kanya. “Baka nakakalimutan mong may pinapakiusap ka sa akin? Gusto mo yata na walang maghahatid sa'yo bukas papunta sa event na pupuntahan mo?” Umiling-iling ako saka natatawang lumapit sa kanya para yakapin siya ng may kahigpitan. “Ito naman, ang bilis mainis. Joke lang naman! Alam mo naman na botong-boto ako kay Lesley. Gandang-ganda pa nga ako sa kanya eh…” Pambobola ko sa kanya. Hindi ko tuloy napigilang kurutin ang braso niya dahil nanggigil na naman akong inisin siya. Kunot ang noo ng bumaling sa akin si Anton. Gusto ko siyang inisin ng sagad. Pagdating sa amin ni Mama, nandiyan siya palagi. One call away namin si Anton sa lahat ng pinsan na meron kami. At masasabi kong super close kaming dalawa kahit matanda siya sa akin ng tatlong taon. “Tita tingnan mo ‘tong anak mo…” Nagpapa-baby niyang sumbong kay Mama. Natawa ako at hindi napigilang umiling-iling. “Tama na nga yang pang-iinis mo kay Anton, Yna! Pasalamat na lang tayo dahil malapit lang dito ang boarding house ng pinsan mo kaya mabilis niya tayong nasaklolohan.” Mahabang paliwanag ni Mama na halatang kinakampihan na naman si Anton. Hindi ako tumugon at basta na lang benilatan ang pinsan ko at inambahan pa ng suntok ng si Mama na mismo ang nagyaya sa kanyang sarili para makapasok sa loob ng kotse. Kumalas na rin ako sa pagyakap sa kanya dahil kung tatagalan ko pa ay baka lalo lang siyang maiinis sa akin. “Mas mahal talaga ako ng Mama mo kesa sa'yo.” Natatawa niyang sabi na ikinanguso ko. “Feeling ka sa part na ‘yan. Ste!” Inirapan ko siya bago kinuha ang wheelchair ni Mama kaso nagmatigas siya kaya inambahan ko siya ulit ng suntok kaso pareho kaming napabaling ng sabay sa likuran ko ng may biglang tumikhim na boses ng lalaki. Sumalubong sa akin ang itsura ng lalaki na kanina pang nagpapakulo ng dugo ko. Titig na titig siya kay Anton at halos hindi na mawala ang pagkakunot ng noo niya dahil sa kakatitig kay Anton. “Anong ginagawa mo dito?” sita ko sa kanya para agawin ang atensyon niya. Agad niyang inilipat sa akin ang paningin pero nakataas ang isang kilay. Naningkit pa ang mga mata ko dahil ang suplado talaga ng awra niya! Walang-wala sa kabaitan na meron ang Kuya niya. “Ibabalik ko lang ang cellphone mong sira-sira,” aniya sa boses na parang may tono ng panlalait. Palibahasa mayaman kaya wagas kung makapanglait! Inaro niya sa harapan ko ang cellphone. Napayuko ako sa hawak niya. Kanina nakita kong hawak-hawak niya iyon habang papunta siya sa lobby bago niya pa itinago sa bulsa niya. Gustong-gusto kong kunin iyon kanina pa pero ng malaman kong siya pala si Tres na kapatid ni Doc Uno, nagbago ang isip ko. Mapupurnada ang plano ko kung mawawalan ako ng magiging koneksyon sa kanya kaya hinding-hindi ko kukunin ang cellphone ko. “Sa’yo na yan, mukhang gustong-gusto mo yan eh kaya iyong-iyo na.” Diretso kong sabi saka siya tinalikuran. Nang tingnan ko si Anton ay takang-taka ang itsura niya habang nagpapabalik balik ang mga mata niya sa amin ni Tres. “Alis na tayo.” Untag ko kay Anton saka binuksan ang pinto ng front seat. Hindi ko magawang tingnan si Tres dahil hindi ko lubos maisip na nasabi ko ‘yon sa kanya. Masyado yata akong naging mayabang sa harapan niya porket kasama ko ang pinsan ko? Napakamot ako sa aking ulo ng wala sa oras ng pinaandar na ni Anton ang sasakyan niya. Nasa gilid pa rin si Tres pero hindi ko pa rin siya tinitingnan hanggang sa makaalis na kami. Saka lang ako nakahinga ng malalim ng makalayo na kami sa gawi niya. “Boyfriend mo?” biglang tanong ni Anton sa kawalan. Nataranta ako bigla kaya napalingon ako sa gawi ni Mama. Mabuti na lang at natutulog na ito sa kinauupuan niya. “Hindi ko nga ‘yon kilala, magiging boyfriend ko pa?” Asik kong sabi. Nakakunot ang noo niya habang nagmamaneho. Kung makapagbintang! “Kung hindi eh bakit nasa kanya ang cellphone mo? At staka bakit hindi mo kinuha eh binabalik na niya?" Kwestyun niya ulit kaya hindi ko na napigilang tingnan siya. Pasimple ko siyang nginitian bago inirapan. “Narinig kong may gusto siya sa akin kaya hindi ko na kinuha ang cellphone ko. Sa kanya na muna 'yon,” paliwanag ko na hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga detalying iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD