Tres
Sinundan ko agad ang rota ng kotse na sinakyan nila. Tinatahak nila ang rota patungo sa lugar kung saan pamilyar sa akin papunta sa shop ni Ate Mika. I don't have any idea where they live so I just followed them until the car stopped.
Agad akong nag preno bago pa sila makababa. Hindi ko alam kung bakit inabala ko pa ang sarili ko sa pagbuntot sa Yna na ‘yon kesa um-attend ng debut ni Xyril.
Napailing-iling ako dahil ngayon ko lang talaga napagtanto na um-oo ako sa imbitasyon ni Xander tapos andito ako ngayon, nakamasid at nakabuntot sa taong hindi ko naman kilala at nagpapakulo ng dugo ko!
Sa tapat ng building, ipinasok ni Yna ang mama niya at nakaalalay naman ang lalaki. May limang minuto ang itinagal nila sa loob bago nakalabas si Yna ng siya lang mag-isa. Sa tingin ko apartment ang building na pinasukan nila dahil nang tingalain ko, bawat binata ay maraming sinampay na nakalambitin.
She's walking already. Binuksan niya ang payong na hawak kanina at naglakad ulit. Malayo na siya sa tinigilan ko kaya ini-start ko na ulit ang makina ng kotse ko at dahan-dahan ko siyang sinundan.
“Tama ako, malapit lang dito ang shop ni Ate Mika…” Nilinga ko ang mga mata sa paligid pagkababa ko ng kotse. I parked at a convenience store and could walk to Ate Mika's shop.
Hindi ako tumigil sa pagsunod kay Yna hanggang sa tumigil siya sa isang tindahan. Tumigil din ako at tumago sa isang poste. Pagkasilip ko, hawak na niya ang isang plastik bag na may laman na bottled water at ilang pirasong biskwit.
“Tanghalian niya ba ‘yon?” Tiningnan ko ang oras sa relo ko at alas dos na. “Baka meryenda na…” Bulong ko saka ulit dahan-dahan na sumunod kay Yna.
Until she entered Ate Mika's shop.
Napangisi ako. Nagtago ulit ako sa tindahan na binilhan niya. Napatingin sa akin ang tindera.
“Ano sa'yo, pogi?” Nagiting-ngiti na tanong nito sa akin.
Naghanap ako ng pwedeng bilhin.
“Sigarilyo ba pogi?” Alok niya pero umiling ako.
“I don't smoke. Kendi na lang.” Bahagyang pumiksi ang tindera kaya umangat ang isa kong kilay.
I think she's in her fifties and she has gold hair and red highlights. Sobrang laki ng hikaw niyang bilog at kulang na lang pwede ng tumalon sa loob ang itim na pusa. She's chewing her bubblegum and her lips are thick with lipstick. Para siyang mamasang na malimit nambubugaw ng mga babae sa mga bar na cheap. Idagdag pa ang suot niya na neon color.
“Barya lang kahit sa hapon, pogi!”
Naibalik ko sa bulsa ko ang limangdaan at nanghagilap sa ibang bulsa ng barya kaso wala akong nakapa. Nagkita ako ng one hundred at iyon ang ibinigay ko sa kanya. Ngumisi ang tindera bago ibinigay sa akin ang apat na pirasong kendi.
“Hindi ba pwedeng keep the change na lang? Pogi ka naman..” Sabi nito habang walang tigil sa pag nguya ng bubble gum.
“Sure, no problem,” sabay kindat ko sa kanya at binuksan ang kendi.
Tumili ang tindera na parang daig pa ang nanalo sa lotto.
Pagkaalis ko sa tindahan, tumawid din agad ako at pasimpleng sumulyap sa shop ni Ate Mika. Transparent lahat ng dingding kaya kitang-kita kung may tao sa loob. May ilang babae ang tumitingin ng mga paninda at may isang lalaki naman na kumakausap kay Yna.
Out of nowhere, bigla akong naglakad papasok ng shop. Napatingin sa akin ang mga babae at nagbulungan na. Nakatalikod ngayon si Yna sa gawi ng lalaki kaya hindi niya rin ako nakikita.
“Miss..” Narinig kong tawag ng lalaki kay Yna. Bumaling sa kanya si Yna pero nahagip ako ng paningin niya.
Sumplado ko siyang tiningnan kaya ibinalik niya agad sa lalaki ang paningin.
“Hindi nga kasi ako nagbibigay ng number ko sa kahit sino maliban na lang kung mag papa-appointment for printing. Sorry…”
Nakita kong nagkamot sa ulo ang lalaki. “Edi dito na rin ako magpaparint sa'yo,” sabi nito at saka inaro sa harapan ni Yna ang hawak na cellphone.
So that bastard hitting her huh?
I smirked, and kept staring at them as if I'm watching movies.
“Sorry pero…magagalit ang boyfriend ko.” Sabi ni Yna. I glared at the bastard kahit likod niya lang ang nakikita ko then my brows furrowed.
So may boyfriend siya? Sino? Ah, baka yung pitong lalaki na nasa screenlock photo ng cellphone niya.
Humalakhak ang lalaki pero na agaw ulit ang atensyon ko ng basta naglakad si Yna palapit sa akin. She intertwined our hands then she kissed me on my lips like what the f**k is she doing?
“Nandito ka na pala babe…” Nakangiti niyang bungad sa akin pagkatapos niya akong halikan sa labi ng wala man lang permiso galing sa akin?
Hindi ako nakapagsalita pero ng tingnan ko ang lalaki, yamot ang namutawi sa itsura niya. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa.
Kumpara sa kanya, may ibubuga naman ako sa kanya!
“I’m sorry babe, medyo na late ako ng ilang minuto…” May diin kong sabi para sana sakyan ang laro ni Yna kaso mukhang sanay siya sa ganitong eksena dahil hindi pa siya nakontento sa paghalik sa akin at niyakap yakap pa ako.
“Okay lang babe–”
“Huy, Gian, tayo na nga! Kung kaninong girlfriend na lang talaga ang mapagdiskitahan mo! Hindi mo ba kilala ang boyfriend niya? Si Tres yan, huy!” Sabi nung isang babae ng basta nito hilahin sa damit ng lalaki. Lumapit pa ang isang babae at napatingin sa akin.
“Sorry kung ano man ang hiningi nitong kaibigan namin sa girlfriend mo.” Then they passed us and walked outside the shop.
Nakayakap pa rin sa akin si Yna kaya tumikhim ako.
“S-sorry…” Namumula ang mukha niya ng humarap siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay pagkatapos namulsa.
“Are you prepared to play with fire with me?” May diin kong tanong sa kanya pero natuod siya sa kanyang kinatatayuan at awtomatikong naging pipi.