Yna
“Kung ganun…kailangan mong mag pirma sa NDA.” Mataman kong tiningnan si Tres. Ni pagkurap ay hindi niya ginawa.
Alam kong maraming tanong ang pilit na gumugulo ngayon sa isipan niya. Kahit ako rin naman pero nandito na ako eh. Anong gagawin ko kung nagawa ko siyang halikan ng walang permiso galing sa kanya! At staka ginawa ko na rin siyang boyfriend!
Ang lakas rin talaga ng tama sa akin ng sinabi ni Aling Kuring eh. Pahamak rin minsan ang tindera na ‘yon!
Humalakhak ng mahina si Tres at umiling-iling. “You’re…strange but yeah, fine. I will play with you…” Sumingkit ang mga mata niya habang tinititigan ako. Sinusubukan niyang hulihin ang nilalaman ng iniisip ko base sa nilalaman ng mga mata ko pero hindi ako nagpasubok.
Mataman ko pa rin na siyang tiningnan pero sa likod ng katapangan ko, nakikiusap na ang mga alagad ko na iurong ang laban na ginawa ko.
Pero hindi.
Sa isang linggo ay sisimulan na ang operasyon ni mama. Hindi ako pwedeng sumira sa usapan namin ni Doc Uno dahil nakakahiya. Nandito na ako kaya paninindigan ko na.
“Babalik ulit ako bukas sa ospital niyo para dalhin ang iba pang medical records ni mama. Isasaglit ko na rin sa'yo ang NDA para mabasa mo ang agreement at mapirmahan na rin.” Pagmamatapang ko pa rin.
Nanatiling nakaupo si Tres sa harapan ng lamesa na pumapagitna sa aming dalawa. Malimit niyang sinusuklay paitaas ang buhok niyang medyo kulot na malimit humaharang sa mukha niya.
“I have a question first…” Aniya. Natigilan ako at inihanda ang sarili sa mga tanong niya. Alam kong matalino siya kaya alam ko rin na hindi siya basta basta na lang papayag.
“Ilapag mo na lang,” kaswal kong tugon.
Hinaplos niya ang labi niya bago pa ito kinagat ng bahagya. Naestatwa ako doon dahil nanginang bigla ang ibaba niyang labi at namuo ang dugo dahil sa pagkagat niya.
Napalunok ako ng wala sa oras.
Parang biglang uminit!
“How would these game benefit me? Curious lang ako because for me, it's strange… Dahil karaniwan, ako ang naglalapag ng NDA but I was surprise,” mariin niya akong tiningnan simula ulo hanggang paa, pabalik sa aking mukha at bumaba pa ang paningin niya sa mga labi ko.
Nag isang guhit ang bibig ko at bahagya kong nakagat ang mga iyon.
Ano nga ba ang mapapala niya? Dahil kung tutuusin, parang ako lang naman ang gustong makinabang sa laro na’to. Dahil kay mama syempre pero kung iisipin rin ng mabuti, may mapapala rin naman siya dito yun nga lang kung magagawa ko siyang patinuin.
Medyo mahirap yun sa kagaya niyang masungit at babaero.
Patay malisya akong ngumisi saka tumalikod sa gawi niya para uminom ng tubig. Pero saglit muna akong napapikit dahil sa nerbyos.
“Sobrang init ng panahon ngayon. Ito, uminom ka muna ng tubig.” Special pa talaga ang tubig niya dahil galing iyon sa freezer, samantalang ‘yong sa akin ay nawala na ang lamig dahil kanina ko pa ‘to nabili sa tindahan.
“I want your answer..” Aniya.
Natawa ako at saka umupo.
“Ang totoo niyan…” Nag-isip pa ako bago ulit nakapagsalita. “Hindi ko rin kasi alam kung ano ang mapapala mo dito since biglaan lang naman ang nangyari. Alam ko na nabigla ka sa ginawa ko kanina pero I'm sure, hindi na ‘yon bago sa'yo?”
Tumaas ang isa niyang kilay at makapal ang mga hibla niyon. Kasing kapal ng pagmumukha ko!
Nakakahiya ka talaga Yna Marie!
“Ganito kasi ‘yon.. Kung sa tingin mo ay hindi kita kilala, mali ka naman do’n. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang ugali mo at kung sino ka.” Uminom ulit ako ng tubig dahil parang nililiyaban ako ng apoy dahil sa mariin niyang paninitig.
“In that case, a mutual NDA makes sense. Maglalapag ka ng iyo at maglalapag rin ako ng akin.” Saad niya at preskong hinawi na naman ang kulot niyang buhok.
Hindi ako makapaniwala na tuso rin ang lalaking ‘to. Matalino rin talaga ang kumag na’to.
“O sige…” Simple kong sagot.
“I need your copy by tomorrow and we'll both sign it in front of my lawyer–”
“Ha? K-kailangan ba talaga na may abogado?” Bulalas ko. Paano naman kasi ako na walang abogado. Kay Doc Uno pa nga manggagaling ang NDA.
“Kailangan. Mahirap kung walang witness. Staka ikaw ang unang nanghalik sa akin kaya kailangan ko ng kasiguraduhan…” Nakangisi niyang paliwanag.
“Paninindigan ko na nga ang ginawa kong ‘yon kaya nga nakikipagkasundo ako sa'yo diba?” Pagmamataray ko sa kanya.
Feeling virgin, eh hindi na naman!
“Bakit ka nga pala nandito? Sinusundan mo ako no?” Nakangiti kong panghuhuli sa kanya.
Nagsalubong lang ang mga kilay niya.
“Ang pagkakaalam ko, malapit ko nang maging sister in law si Ate Mika. And I know this place, though…”
“Ah…” tipid kong sagot habang tumatango tango at pinipilit ang sarili na makumbinse niya.
“And now that I am here, ibabalik ko na rin ‘tong sira mong cellphone…” Pamimilosopo niya.
Kung sabagay ay tama naman siya. Pero hindi ko talaga kukunin ang cellphone ko sa kanya. Kahit anong mangyari!
Inilapit niya pa sa akin ang cellphone ko kaya mas lalo ko nang nakita ang basag-basag nitong screen.
“Hindi ko na kailangan ‘yan kaya kung gusto mo sa'yo na lang…”
Hindi maipinta ang itsura ni Tres ng magkatinginan kami. Kawerduhan ‘yon kaya legwak na ako dun!
“I have my own phone, for your information.”
“Basta sa'yo na ‘yan. Kapag kasi hindi agad ibinigay ang gusto ko, hindi ko na tinatangka na kunin iyon para ibalik sa akin. Kahit sa anumang bagay, mabilis akong magtampo. Ngayon alam mo na. Kaya dapat maging aware ka na kapag gusto kitang halikan in public, magpahalik ka agad dahil limited lang ang pagiging clingy ko,” mahaba kong paliwanag bago ko pa siya kinindatan na ikinaubo niya ng bigla.