Yna
Inaagahan ko talaga ang pag gising para mas maaga akong makarating sa lugar na pagkikitaan namin ni Doc Uno. Ang sabi niya gender reveal raw ni Ate Mika mamayang hapon sa mismong bahay nila at inimbitahan niya ako na pumunta. Hindi ko alam ang papunta sa main house ng mga Lowell pero sigurado ako na pupunta rin doon ang mag-asawang Esguerra. Tamang-tama naman dahil balak ko rin pumunta sa kanila mamaya dahil magpapaalam ako na kung pwede ay sa shop na lang ako matutulog kapag araw ng pasok ko.
Simula noong isang linggo ay salitan na lang ang pagpasok ko sa mga Esguerra. May na hired na bagong katulong doon. Sa tuwing pumupunta ako do’n ay tinuturuan ko na lang si Darcy sa mga dapat niyang gawin para incase na makapag-adjust na siya, alam na niya ang gagawin niya.
Mamaya pa ang bukas ng shop at kadalasan, alas onse ako nagbubukas dahil iyon ang tamang oras na pinipilahan ang printing station ng shop. Malapit lang ito sa University kung saan rin ako pumapasok. MWF lang din ang pasok ko kaya nagkaka-oras talaga ako sa ibang bagay kagaya nga nitong lakad ko ngayon.
“Sa Waltermart lang po, Kuya…” Sabi ko sa driver. Nakasakay agad ako sa pila ng mga traysikel.
Special ang byahe ko ngayon dahil syempre nagmamadali ako. Seventy pesos ang ibinayad ko at hindi naman na ako lugi dun dahil alam ko na mapapakinabangan ko naman ang lakad kong ito.
Ilang minuto lang at nakarating rin sa Waltermart. Ang usapin namin ni Doc Uno, sa seven eleven kami magkikita. Katapat lang ito ng walter at alas diyes pa ang oras na sinabi niya kaya pumasok muna ako sa loob ng walter para mang grocery ng mga kailangan ni Mama.
Araw-araw ko binibisita si Mama sa apartment namin na malapit lang din sa shop ni Ate Mika. Minsan kapag kaunti ang customer ng shop at kapag maaga ako nagsasara, sa apartment ako natutulog pero kapag hectic ang schedule ko at inaabot na ng gabi bago ako matapos sa trabaho, sa shop na ako natutulog.
Binilhan ko si Mama ng mga shampoo niya at sabon. Hindi ako kumuha nung sa akin maliban na lang sa napkin at panty liner na siyang hindi ako nagpapawala ng stocks. Kumuha rin ako ng sabon panlaba at isang dosena na downy. Sabon na mabango at toothpaste. Sa mga pagkain naman, tig-iilang delata ng sardinas naman ang kinuha ko. Nagkuha rin ako ng isang balot na sotanghon, vitsin at asin at pamintang durog. Kumuha rin ako ng ilang balot ng biskwit at mga kape at asukal. At yung natitira kong oras, nilaan ko na sa pagpili ng mga karne, isda, gulayin at prutas. .
May bigas pa sa apartment dahil si mama lang naman ang kumakain doon. Minsan kapag bumibisita si Anton, nagdadala din siya ng grocery kaya minsan lang talaga ako nakakapamili.
“Yes, maluwag ang pila!” Kinagat ko ang ibabang labi habang tinutulak ko ang cart papunta sa cart one lane. May isang matandang babae ang pina-punch na ang mga pinamili kaya naupo muna ako.
Sinilip ko ang oras sa relo ko at eight thirty na agad. Ang bilis ng oras pero hindi naman ako dito matatagalan dahil ako na ang susunod sa pila.
Naglabas ako sa wallet ng two thousand. Last money ko na lang ito at yung tira sa coins purse ko ay mga barya na lang talaga. Puro mga pipisuhin na lang. Pagkatapos ng matandang babae, sinalansan ko na rin sa desk ng cashier ang mga pinamili ko. Nag alinlangan pa ako kung mag-iiwan ako ng ibang grocery sa cart dahil baka mag short ako.
Pagtingin ko sa screen, lampas 1500 na ang total at na punch na ang karne at mga isda. Kabado akong napatingin sa mga mansanas at orange na nasa cart ko. Gusto ko silang ibalik kaso parang nakikita ko sa mga balat nila na bigla silang kumulubot dahil siguro naramdaman nila na mapapabalik sila.
Ang ending, binili ko pa rin sila. Pikit mata kong iniabot sa cashier ang dalawang libo dahil ng makita ko ang total ng pinamili ko, limampong piso na lang ang sukli.
“Hanggang saan ka kaya makakaabot ngayong buong araw?” Parang tanga kong kinakausap ang limampo habang nilalagay ko ito coin purse ko.
Paglabas ko ng waltermart, sa seven eleven agad ako nagtungo. Nasulyapan ko na si Doc Uno kaya nagmadali na akong pumasok.
“Sorry po, Doc! Nag grocery po muna ako dahil nandito na rin naman ako.." Humingi agad ako ng pasensya kay Doc Uno habang tinatabi ko sa gilid ang mga pinamili ko.
“It’s okay.. Kararating ko lang din naman." Aniya.
Simple akong ngumiti para itaboy ang nakaka-awkward na pakiramdam ko.
“Tumatawag ako sa number mo pero hindi ka sumasagot..”
Napakamot ako sa ulo ko.
“Ano po kasi…” Hindi ko masabi, potek! “Na kay…Tres po kasi ang cellphone ko, doc!” At napapikit na lang ako.
Napa-oh si Doc Uno, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Nakangisi siya ng tingnan ko ngayon.
“Mali po ang iniisip niyo doc ha!” Awat ko. “Ganito po kasi ‘yon. Nang pumunta ako sa office mo, naiwanan ko dun ang cellphone ko hanggang sa itinago po ng kapatid mo at hindi ibinalik sa akin agad. Binabalik niya po sa akin kahapon kaso hindi ko kinuha para naman…may koneksyon ako sa kanya dahil sa usapan natin.” Mahabang paliwanag ko.
Pinipigilan niya na hindi matawa kaya mas lalo na akong nahiya dahil kahit pigil na pigil siya, halatang gusto niya talaga tumawa ng malakas!
Stk! Ganito ba talaga sila?
“Okay, I get you. Pero bakit ka nga pala humihingi ng NDA?” Tanong niya.
Naalala ko kagabi tumawag ako sa secretary niya para sabihin sa kanya na humihingi ako ng NDA. Ginamit ko ang telepono sa shop dahil wala naman akong cellphone. Hindi ko lang alam ngayon kung may dala siya dahil wala naman siyang hawak na papel.
“Ang totoo po niyan, nag-usap po kami kahapon ni Tres. Nakagawa po ako ng action na hindi ka aya-aya dahil may nangyari lang po na hindi ko nagustuhan. Gusto niya po panindigan ko ang bagay na ‘yon kaya nakipagkasundo ako. Willing to do po ako sa lahat ng bagay alang-alang sa kasunduan po natin, doc…”
Mukhang may amusement sa mukha ni Doc Uno ng tingnan ko siya. Tumango-tumango siya saka ngumisi ng pasimple.
“Mukhang magaling ang manok ko ah..” Presko niyang sabi at nagkrus ng mga kamay.
Nakakahiya naman ang usapan na’to!
“Talaga po bang wala kang tiwala sa kapatid mo, doc?” Hindi ko mapigilang kwestyunin siya.
Umiling-iling siya bilang sagot. Walang salita na lumabas sa bibig niya at tanging simpleng action lang ang sinagot.
“Pupunta ka ba ngayon sa ospital?” Tanong niya.
Tumango-tumango ako.
“Then kunin mo na lang kay Kara ang NDA. Goodluck, Yna…” Nakangiti niyang sabi saka ako tinapik tapik sa balikat.
“Thanks po, Doc! Paano po, mauna na ako–”
“Dapat maunahan mo si Tres sa ospital para hindi siya maghinala kung sakali na maabutan ka niyang may kinuha kay Kara.” Suhestyun niya.
“Oo nga po eh kaya mauna na po ako dahil ihahatid ko pa po ito kay mama…” Sabay kuha ko ng mga pinamili ko.
Pero kinuha niya iyon sa akin kaya natigilan ako sa pagdampot ng ibang plastik.
“Sa shop ko na lang muna ito dadalhin. Gusto ko man na ihatid ka sa ospital pero tumakas lang ako sa main house. Baka maghinala si Mika kapag nagising siya na wala ako doon.”
Napatango tango na lang ako. Grabeng effort naman talaga ang ginugugol niya para sa kapatid niya!
“Sige po, doc. Kayo na po bahala diyan.. Alis na po ako!" Saka ako naunang lumabas ng convenience store at hindi na nagawa pang uminom ng tubig na inabot niya kanina sa akin.