Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin at napangiti. Suot ang pulang gown ay pakiramdam ko lalo akong naging mas babae tingnan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya alam kong si Lazarus iyon. Nagulat pa ako nang takpan niya ang salamin. “Bakit?” tanong ko sa kaniya at nilingon siya. “I bet you can’t stand looking at my demonic face,” sagot niya. Natigilan naman ako saglit at natawa. “Kaya pala lahat ng salamin dito ay may takip,” wika ko. Tumayo siya sa likuran ko at hinawi ang iilang hibla ng aking buhok at ipinasuot ang isang kuwintas. Napatingin naman ako roon at namangha sa design. Maganda at halatang mamahalin. Ni minsan ay hindi pa ako nakatanggap ng ganito. “There, your beauty is incomparable,” saad niya. Napangiti naman ako nang matamis. Tiningala ko pa siya kasi so

