Ni hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng cabin. Saglit na lumayo siya at habol ko ang aking hininga. Nag-abot ang aming paningin at tila tinatantiya niya kung handa na ba akong ibigay ang sarili ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng sobrang gaan sa pakiramdam dahil sa tinging iyon. Inabot ko ang kaniyang labi at mabilis na tumugon naman siya. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang sarili lalo pa at may pagmamadali ang kaniyang kilos. Hinawakan ko naman ang kaniyang mukha. Magaang hinalikan ko ang kaniyang tungki ng ilong at tiningnan siya. “Let’s take this slow,” mahinang saad ko. Napapikit naman siya. “I’ll try,” sagot niya. “You should, at baka mahirapan tayo pauwi at masira ‘tong yacht,” natatawa kong sambit. Ngumiti naman siya at hinaplos ang aking mukha. “Maalam nama

