Pagkauwi namin sa mansiyon ay kaagad na sinalubong kami ni Aling Rosalita. “Mabuti naman at nakauwi na kayo. May bisita ka sa loob Carmilla,” saad niya. Natigilan naman ako at tiningnan si Lazarus. Nakatingin lang din siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. “I’m here,” wika niya. Tumango lamang ako at pumasok na kami sa loob. “Eliza...” Natuod ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses. Napalingon ako at naikuyom ang aking kamay. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. “A-Anak...” Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko mawari ang nararamdaman. “Gusto mo ba siyang makausap ngayon? Puwede naman natin siyang pabaliki—” “K-Kakausapin ko siya,” mahina kong saad. Tumango naman siya at tinabi

