Nakatingin lamang ako kay Lazarus na nakahiga at nakapikit ang mata. Iknumpas ko ang aking kamay at hinayaan siyang makaramdam ng antok. Nang mapansing nakapikit na siya ay tumayo ako at pumunta sa malaking terasa ng kuwarto. Binuksan ko ang nakatabing na kurtina at hinayaang malihis ang suot kong puting roba at walang natira miski isang saplot. Nakatingala ako sa maliwanag na langit at nasilayan ang maliwanag na buwan. Bilog na bilog iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang aking sarili na tumaas. Ramdam ko ang ihip ng hangin na sumasabay sa akin. Itinaas ko ang aking kamay at ikinumpas iyon sa ere. Kaagad na umihip ang hangin. Nasa itaas na ako at kitang-kita ko ang malawak na paligid sa baba. Maging ang mansiyon ay lumiit sa aking paningin. Nakatingin lang ako sa baba at

