Kinabukasan ay nakatingin lang kami sa malaking buwan. Ang aga-aga pa pero nagpakita na. “Malapit na,” wika ni Aling Rosalita. “Anong oras na?” tanong ni Lazarus. “Alas-dos y media,” sagot naman ni Leonidas. “Ikaw na ang bahala kay, Carmilla. Kailangan na naming magkulong. Kung ano man ang mangyari ay tawagin mo ako Carmilla. Lalabas at lalabas ako,” saad niya. Tumango naman ako. Ilang sandali lang ay nawala na silang dalawa at naiwan na lamang kami ni Aling Rosalita. “Kailangan na nating magtago sa kuwarto mo,” wika niya. Bumalik na kami sa kuwarto at isinara niya na ang lahat ng bintana. Bumubuka ang bibig niya habanag nakapikit siya. Mukhang inoorasiyonan ang paligid. Nilagyan niya rin ng asin pagkatapos. Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang aking ulo. “Susubukan kong gum

