Pagkagising ko ay nasa hindi ako pamilyar na kwarto. “N-Nasaan ako?” mahina kong saad. Napatingin ako sa paligid at nakita si Lazarus na nakatayo sa may bintana. Nakatingin lang siya sa tahimik na gabi. “Lazarus,” tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumilingon. Bumangon na ako at napangiti. Ngayong alam ko na kung ano ang pagkakakilanlan ko ay nakapagdesisyon na akong samahan siya sa ano mang labang haharapin niya. “Lazarus, ano ang iniisip mo?” tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin. “Lazarus?” tawag ko ulit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at iniharap siya sa ‘kin. Napatigagal ako nang makitang hindi ito si Lazarus. Ang pangit-pangit ng mukha niya at nakangisi sa akin. “Natagpuan din kita Carmilla,” aniya. Kaagad na napaatras ako at akmang tatakbo pala

