“Grabe ang yaman ng pamilyang ‘yan ano. Mantakin mo ang daming chains-chains ng negosyo,” komento ni Inang habang nanonood ng TV at nakataas pa ang isang paa sa bangko habang kumakain ng hapunan. “Magandang gabi po,” wika ko at inilagay ang bag ko sa gilid t’saka nagmano sa kaniya. “Oh, apo mabuti naman at nakauwi ka na. Kumusta ang trabaho?” tanong niya sa ‘kin. “Okay naman po kahit papaano ay may kostumer naman sa parlor,” sagot ko. “Naku! Baka nagpagod ka na naman ha. Aba’y sayang ang pinag-aral mo sa baklang iyon. Ginagawa ka lang katulong,” saad niya. “Inang, hindi naman po. T’saka okay naman magpasahod si Tercio. Sadyang matumal lang talaga minsan ang benta at wala rin ibang gagawa sa mga dapat gawin doon sa salon. Eh alangan namang tingnan ko lang ang mga gawain. Kailangan

