“Inang, alis na po ako,” saad ko at kinuha na ang bag. “Mag-iingat ka,” aniya. Tumango naman ako at pumara na ng traysikel para magpahatid sa parlor. “Ganda naman,” wika ni Boggy sa ‘kin tinikwasan ko lang ng kilay. Hindi ko naman kailangan ang compliment niya araw-araw. Pagdating ko sa parlor ay kaagad na sinalubong ako ni Linda. “Kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya. Malayo pa lang siya ay napakalapad na ng kaniyang ngiti. “Bakit?” usisa ko. “May ipapakita ako sa ‘yo,” wika niya. “Ano?” Pati ako ay kinakabahan na rin at nae-excite sa sasabihin niya. “Tsaran!” aniya at ipinakita ang screen ng kaniyang cellphone. “Tanggap na tayo!” sigaw niya. Kinuha ko naman ang cellphone niya at napatili. Tumatalon-talon pa kaming dalawa. “Nasa listahan tayo ng mga officially hired offi

