Kabanata 16

2194 Words

Pumasok na ako sa loob ng bahay at natigilan nang mapansin ang basa sa ilong ko. Nang hawakan ko iyon ay natigilan ako nang mapansing dugo iyon. “Carmilla,” wika ni Aling Rosalita at kaagad na binigyan ako ng tisyu. Pinunasan ko naman kaagad ang ilong ko at umupo sa gilid. “Kung bakit kasi nakipag-away ka pa roon,” aniya. Tiningnan ko lamang siya. “Huwag na huwag kayong papayag na basta na lang kayong gawing pagkain ng kahit na sino man. Hindi ako makakapayag,” sagot ko at iniwasan ang tingin niya. Nanunuri kasi siya. “Naalala mo ba ang ginawa mo kanina?” tanong niya sa ‘kin. Huminga ako nang malalim at umayos sa aking pagkakaupo. “Hindi ko rin po mahinuha ang sarili ko kung paano. Basta na lang na pumapasok iyon sa isipan ko at nagagawa ang mga bagay na hindi ko inakalang kaya ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD