Napatigagal ako habang nakatingin lang kay Lazarus. Sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha. Ilang saglit nga lang ay natanaw ko na ang unti-unting pagtaas ng araw. Patuloy na nakikipagsiksikan ako sa daan para lang malapitan siya. Wala na akong pakialam kung nagsihulugan na ang sarong na tanging nakatabon sa akin. Sa tantiya ko ay hindi ko siya maabutan dahil sa daming bampirang nakaabang sa paligid. Hindi lang din makalapit sa kaniya dahil sa araw. “Ahhhh!” Napahikbi ako nang marinig ang sigaw niya. Halatang nasasaktan. Binilisan ko ang aking kilos. “May taong nakapasok!” sigaw ng isang lalaki sa itaas. Kaagad na nagkagulo ang lahat at natuon ang tingin nila sa akin. Nilukob ng kaba ang dibdib ko pero kaagad ding lumisan dahil nanananig ang boses ni Lazarus. Handa na nila akong sungga

