Magbubukang-liwayway na nang magising siya at napansing hindi na tumatakbo ang sinasakyan nila. Iginala niya ang tingin sa paligid at nakita ang dagat. "Vincent..." gising niya sa kasama. Gusto niya nang tumayo pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Seryoso, tulog ba talaga ito? "Vincent, gising na... nandito na tayo sa pier." "Five more minutes..." bulong nito habang binabaon ang mukha sa leeg niya. Nakakarami na talaga sa kanya ang lalaking ito. Hindi porket he's saving her life, he could just touch her everytime he feels like it. Sinipa niya ulit ang paa nito. This time, mas malakas. "Argh! What was that for?" "Matulog ka pa hangga't gusto mo, pero pwede ba, pakawalan mo nga ako." "Oh..." bungad ng matandang lalaki sa kanila. "Gising na pala kayo?"

