"So you're the girl," sabi ni Lopez nang makarating sila ng ligtas sa kotse ni Vincent. "You look so innocent, pretty. No wonder..." his voice faded. Naghintay siya sa idudugtong nito pero hindi na ito nagsalita. Bumalik ang tingin nito sa entrance ng ospital kung saan pumarada ang ilang sasakyan. Bumaba mula roon ang ilang kalalakihan na nagmamadaling pumasok sa loob ng ospital. No wonder what? Inayos na lang niya ang suot na itim na baseball cap. Pinasuot iyon sa kanya ni Vincent bago sila naghiwalay kanina. Pasimple niyang pinagtuunan ng pansin ang kasama na maya't-maya ang pagtipa ng daliri sa handwheel ng sasakyan. Mukha itong nasa late forty's, pero halatang malakas pa. Kung buhay pa ang ama niya, siguro ay magkaedad lang ang dalawa. Paano kaya sila nagkakilala ni Vincent? At paa

