"Ano'ng ibig sabihin niyang sabihin, ha Richard? He helped you? Saan? Kailan? Bakit?" tanong ni Grace sa kababata na noo'y iginagala ang tingin sa paligid.
"Saka na ang tanong," sabi nitong hinila ang kamay niya, "umalis na muna tayo dito."
Tahimik siyang sumunod dito. Hinintay niya ring ito ang unang magsalita. Pero nainip siya sa kakahintay. "Richard, I'm waiting..."
He sighs. "Ano'ng gusto mong malaman?"
Humalukipkip siya. "Mag-umpisa ka sa simula, syempre..." Dumaan pa ang ilang saglit bago ito nagkwento.
"I was nine year old nang maulila. Sinikap kong mabuhay on my own dahil wala naman kaming masyadong kakilala ni Mama. My mother was kind of, aloof... But to make the story short, I end up in the streets. Doon ko nakilala si Devlin... he's wandering and fighting alone too. Sabi niya, umalis siya ng bahay –ampunan para hanapin ang tatay niya na nang-iwan dito."
"Bakit siya iniwan ng tatay niya sa orphanage? How about his mother?"
"That, I don't know."
"Kung sinabi niya sa'yo yung reason kung bakit siya naglayas, you two are probably close. What happened?"
"We were. We were partners, brothers... almost. Pero nakuha kami ng mga sindikato. We tried to escape... ako ang naunang makalabas. He failed. I guess bitter siya dahil doon." Richard shrugged.
"Bakit hindi siya nakatakas?"
Saglit na naging malikot ang mga mata ni Richard. "Dumating ang leader ng sindikato."
"And you just... left?" parang gusto niyang madisappoint sa kababata.
Huminga ito ng malalim. "I have no choice, Grace. Ayokong lumaki sa ganoong mundo. Isa pa, hinahanap niya ang tatay niya. The leader turned out to be his father, narinig ko mismo 'yon sa bibig niya ng makita niya iyong tinawag na president ng mga sindikato. So wala siyang rason para umalis pa."
"Then why do you hate him?"
Salubong ang kilay nito nang sumulyap sa kanya. "I-I don't hate him, Grace. Maybe I'm more of... disappointed. We planned our escape, pati ang pagpunta sa Guardians of Angels House, since doon daw siya iniwan ng tatay niya. Sabi ko, doon na lang siya maghintay dahil baka balang-araw balikan siya nito. I hoped for him to escape, or maybe see me atleast. But he never show up."
"Siguro kasi nawalan lang siya ng chance...or choice?"
"Or maybe, since he wanted power, he decided to embrace the life I dread. That's why ayoko siyang nakikita kasi naalala ko ang nakaraan. It was an ugly world out there, Grace. And it's not exactly something that you want to be reminded of..."
Hindi na siya muli pang nagtanong. Pero ang isip niya, kay Vincent. She know it was an ugly world, patunay lang noon ang nakita niya sa katawan ni Vincent. Hindi pa niya nakikita kung paano nito natamo iyon, she only saw the scars, but she can only imagine the pain. Anong klaseng ama ang meron si Vincent? Bakit nito iniwan ang anak nito sa orphanage? Bakit nito pinalaki sa magulong mundo ang anak nito?
"Salamat pala..." basag ni Richard sa mga katanungang namumuo sa isip niya.
"Para saan?"
"Sa desisiyon mong pagsama sa'kin. You did the right thing, Grace. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. I know some people, they can help you hide. Maine said she'll help too. Nagpagawa na rin siya ng fake papers and ID's mo. Just in case, you know, kailangan mong manhibang bansa. Mabuti na iyong handa."
"Malaking gulo ba talaga ang kinasangkutan ko? Bilib din ako sa takbo ng utak niyo ni Maine ah..."
"You're entangled with Vincent. Hindi mo ako masisisi kung mag-iisip ako ng worst case scenario Grace. Kaibigan kita. I don't want to lose you."
Na-touch naman siya sa sinabi nito. Of course he will be worried for her safety. They're almost family. Kung hindi lang nagtapat si Maine kay Richard ng feelings nito, they probably are living in the same house together. Sabay-sabay kasi sana silang aampunin nong foster parents nila ni Maine. "Salamat, Richard. Pasensya na rin sa gulong ito. I never wanted this..."
"It's not okay, alam ko. But we'll pray for safety. Isa lang ang hiling ko sa'yo, Grace... "
"Ano naman iyon?"
"Don't ever see or talk to Vincent again."
Hindi siya kumbo. Sa halip, itinuon niya ang tingin sa paligid na noon ay unti-unti ng lumiliwanag. She silently prayed na sana ang threat sa buhay niya ngayon ay isang bangungot lang. Iyong tipong kapag nagising siya ay kakaba-kaba siya pero magpapasalamat din dahil hindi rin naman totoo ang lahat.
"Salamat sa Diyos at ayos lang kayo." Salubong sa kanila ni Mother Superior pagdating nila ng orphanage. "Hala, bilis, pasok at baka may nagbabantay nga diyan sa labas?"
"Hindi na po, Mother Superior... idinaan lang po talaga namin si Bex," sabi ni Richard. "I think mas makabubuti po para sa lahat kung ilalayo ko muna si Grace," sabi nitong sumulyap sa kanya.
Tumango siya at pinilit ngumiti. "Babalik din po ako, Mother Superior. Baka nga po hindi nyo ako ma-miss e. Hindi ba nga at pinapalayas nyo ako? Galing nga po ng timing e. Isanama nyo po ba iyong pag-alis ko sa panalangin nyo? Ang lakas nyo talaga kay Lord- awww!" Binatukan siya ni Richard.
"Magpaalam ka kaya ng maayos, ano?" sita nito sa kanya bago inihatid ang tulog pa ring si Bex sa kwartong tinutuluyan nito.
Iningusan niya ang papalayong kaibigan at lumapit sa hindi ngumingiting madre. Niyakap niya ang babaeng nagsilbing pangalawa na niyang ina. "Huwag po kayong mag-alala, Mother Superior. Malalagpasan ko po 'to. Babalik po ako ng buhay, pangako."
"Nasaan si Devlin?" mahinang tanong nito na ipinagtaka niya.
"Po?"
"Si Vincent... hindi ba magkasama dapat kayo?"
"Hindi po ako sumama sa kanya. Ayaw pa nga po niya kaso nakiusap po ako. Tingin ko naman kasi, tama si Richard, mas matatahimik ako kung wala sa poder niya. Hindi ba mas lalong magdududa yung mga kalaban niya kung nakikita nila ako lagi sa kung saan siya naroon?"
Umiling ang matanda. "Hindi ka na dapat sumama kay Richard. Mas mahihirapan si Devlin na protektahan ka kung malayo ka sa kanya."
"Mukhang kilalang -kilala nyo po siya. Totoo po bang dito siya nanggaling?"
"Oo, at kung hindi siya umalis ay baka sabay-sabay kayong lumaki dito. I know his father too, dito iyon lumaki kasama ang kapatid nito bago naampun."
"Talaga po?" Kanina lang ay nagtatanong siya kung ano'ng klaseng tao ang ama ni Vincent. Mukhang makakakuha na siya ng kasagutan.
"Oo naman, halika at sumaglit sa opisina ko para makita mo mismo. Marami akong naitabing larawan ng mga iyon. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama. Maliban sa mata ni Vincent na namana nito sa kanyang ina, hindi maipagkakailang isang Lee ang batang iyon."
Vincent Devlin Lee. Devlin Vincent Lee. So either of the two... iyon ang pangalan ng lalaki.
Tinungo nila ang opisina. Naghalungkat ng ilang photo album si Mother Superior, naghanap ng ilang saglit bago binigay sa kanya ang isa. "Eto, tingnan mo... hindi ba iyan din ang mukha ni Vincent?"
Mahina siyang tumango. Parang sepia na ang effect nung larawan dahil sa katagalan, pero hindi maitatangging mukha din iyon ni Vincent. Even the way the guy smiled or posed, maging ang pagsalubong ng kilay nito.
"Mukha po siyang mabait," sabi niya. Yet, it's scary to judge a person by photos alone.
Tumango si Mother Superior. "Kaya nga paborito ko ang batang iyan. Sayang nga lang at sadyang minsan, pilit na binabago ang isang tao ng pagkakataon, gaano man kabuti ang kalooban nito."
Mahina siyang tumango kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Grace," bungad ni Richard, "let's go." Tinanguan niya ang kababata at nagpaalam kay Mother Superior.
"Grace," pigil nito at binigay sa kanya ang isang picture. "Kapag nagkita kayo ni Devlin, pakibigay 'yan sa kanya. Sabihin mo, maaring nagkamali siya, pero hindi pa kamo huli ang lahat. Pwede pa siyang magbagong buhay."
"Sige po, Mother Superior," sabi niyang ibinulsa ang larawan. Hindi niya lang masabi na baka hindi na sila magkita pa ng lalaki kahit kailan.