VIII

1278 Words
"Make yourself comfortable, Grace," sabi ni Richard nang makarating sila sa isang high end na condo. "Iyong kaibigan kong pulis ang nagrecommend ng lugar na 'to. Mostly sa mga nandito, under witness protection program. So whoever wanted to kidnap you and use you against Vincent, they might know this place but they'll never be able to get in that easy." "Paano naman kayo nagkakilala nung kaibigan mo at parang ang lakas mo naman yata sa kanya? Hindi naman ako witness sa kung anong krimen. Hindi ba may mas deserving sa kinaroroonan ko ngayon?" tanong niya habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. "It's okay, Grace. Huwag mo na iyong alalahanin. Just... stay here, relax." "Isa ba siya sa mga nagkumpisal sa'yo sa mga krimen niya?" biro niya at umupo sa sofang naroon, habang kinakapa ang kumakalam na tiyan. Kailan nga ba siya huling kumain? Bagay na napansin ng kaibigan. "You hungry? Sana pala bumili tayo kanina. Anyway, hintay lang ng konti at parating na si Maine. Alam ko naggrocery 'yon. Magdadala din daw siya ng mga damit mo." "Talaga? Maine is coming? Mabuti naman para magkita din kami bago ako tuluyang lumayo... or mamatay." "Don't be silly," tawa ni Richard. "Asan ang optimistic Grace na kilala ko?" Hindi nga tumagal at bumukas ang pinto. "Grace!" tili nito saka padaskol na ipinasa ang mga bitbit sa natigilang si Richard bago siya sinalubong ng yakap. "Ayos ka lang ba, ha?" Tumango siya at hinigpitan lalo ang pagyakap dito. "Na-miss kita..."sabi niyang bumitaw dito at saka sila umupo sa sofa. Si Richard naman ay dumiretso sa kusina. "I missed you too. Ikaw naman kasi, kung bakit masyado kang maganda... andami tuloy naghahabol sa'yo. Ambunan mo naman ako, para naman iyong nag-iisang gusto ko e, maghabol din sa'kin." Natawa siya. "As if naman ganda lang ang habol nila. Kaso, buhay ko e... Tsk. Had I know na magugulo ang buhay ko dahil sa lalaking iyon... hindi ko na sana siya tinulungan." "Si Mr. Wrong ba iyan?" taas-kilay na tanong ni Maine. Mahina siyang tumango. "Si Vincent nga." "It's too late to say, be careful who's life you touch." Maine sighed. "Kaso nga hindi ka naman kamo patatahimikin ng konsensya mo kapag hindi ka nakapagbigay ng tulong. Bakit ba kasi saksakan ka ng bait?" Umingos ito. "Pero alam mo, okay din iyang Vincent na 'yan ha. You saved him twice. He spared your life and saved you as well. Marunong tumanaw ng utang na loob. Pati ba mukha niya pang Mr. Wrong din? Wala ka bang picture? Hashtag, curious lang..." Umiling siya. Naalala niya ang litratong binigay ni Mother Superior. Kinapa niya iyon at kinuha. "Nope, sagot niya, "his face definitely screams Mr. Right." Binigay niya kay Maine ang larawan. "Tingnan mo nga at baka picture 'yan ng tatay ni Vincent. Galing din pala ng orphanage iyon e. Sabi ni Mother Superior, magkamukha daw ang dalawa." "Talaga? Oh... my... sister, ang pogi pala, pakshet times two. Tatay ni Mr. Wrong ang isa dito?" Tiningnan niya ang larawan. Para lang magulat. "Wow, parang totoo a..." pansin niya. Nakaakbay ang ama ni Vincent sa isa pang lalaki na kamukhang-kamukha din nito. Magkaiba lang ang damit ng dalawa. Tipid din ang ngiti ng isa samantalang abot tenga naman ang ngiti nung isa. Binatukan siya ni Maine. "Anong parang totoo? Kailangan mo na ata magpasalamin, Grace. Klaro mas pa sa recto 'yang hawak mo. Iniisip mo bang edited 'yan? Na iisang tao lang ang nasa larawan? Ano ka ba, halata naming magkaiba ang aura ng dalawa. They're obviously identical twins with not so identical personalities." "Hmmm. Hindi e..." insist niya at sinipat-sipat pa ang larawan. Walang nabanggit si Mother Superior about Devlin's father having a twin brother. "Photoshop lang to, sigurado ako-" "Bakit may hawig ata sila ni Richard?" agaw nito sa picture. "Is it the smile? Shape ng mukha? Or is it the eyes?" tanong nitong sinulyapan pa ang kusina. Napailing siya dahil wala naman siyang napansing hawig nung dalawa. "Malala ka na talaga, Maine... Hindi man lang nagbago yung feelings mo kahit ilang taon siyang nalayo?" Maine shrugs. "Nagbago. Tumaas ang level of intensity," ngisi pa nito. "And don't tell me again to give up, because I will never give him up, Grace. This persistent little fool will have his balls in the end. Matutuloy siya sa simbahan, yes, but as my groom not the priest." Napailing siya. "That persistent little foolish heart of yours will just get hurt­--" "Hindi na bago sa'kin ang masaktan, But it will pay off, Grace. One day, lahat ng rejection na 'to, magbubunga din. Tiwala lang." "Pero-" "Grace, you're hungry 'di ba?" sigaw ni Richard mula sa kusina. "Food's ready. Come on." Binitiwan niya ang larawan at hinila si Maine. "Kahapon pa ako walang kain kaya kumain muna tayo. Sabi ni Chard, may dala ka rin na mga damit ko? Thank you. Nangangati na rin kasi ako sa suot ko e. Gusto ko na ring maligo." "Okay, fine. Pero kayo na lang... kita mo nga ikaw lang ang inaya. Busog pa din naman ako e." Sabi ni Maine at binuksan ang tv. "I'll just stay here. Ilakad mo na lang ako." She giggled. Nagpaalam si Richard pagkatapos nilang kumain. "Babalik lang akong orphanage. Huwag na huwag kang aalis dito ng mag-isa, Grace. And Maine, make sure she won't leave this place." "Please... kaibigan ko din si Grace. Syempre, hindi ko siya hahayaang mag-isa kahit pa sa quote and quote high-end-condo-secretly-designed-for-witness-protection-program mo." Masungit na sabi nito, not taking her eyes sa telebisyon. "Akala ko ba, safe ako dito? Bakit hindi ako pwedeng lumabas?" "Just to be sure..." sagot ni Richard. "Tsaka Maine, hindi ka pwedeng magtagal dito, paano naman ang trabaho mo?" "I'm bringing my work here. Walang problema," sagot naman ni Maine. She's a freelancer. Teacher ito sa ilang online teaching sites. She's also a virtual assistant. Hindi niya sigurado kung ilan actually ang ginagawa nito o kung ilan ba ang boss nito. But she's glad na ganoon ang trabaho nito at may makakasama siya. "Okay, Chard. Mag-ingat ka." "I will," he answered bago tuluyang isinarado ang pinto. Sila naman ni Maine ay maghapong nanood ng Harry Potter marathon. Bata pa sila, paborito na nila iyon. Siguro kasi nakakarelate sila kay Harry na isa ring orphan. She silently wished na sana, magic do exist. E di sana, hindi siya nagtatago ngayon. She would erase the memories ng kung sino mang naghahabol sa kanya, or compelled them to spread the love not violence. Nakatulog si Maine. At siya naman ay mayat'maya ang sulyap sa pinto. Hindi niya alam kung bakit pero parang kinakabahan siya. At some point, napansin niyang gumalaw ang doorknob. Agad niyang niyugyog ang nagulat pa na si Maine. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito para hindi makapagtanong. Tahimik niyang itinuro dito ang patuloy sa paggalaw na doorknob. "D arn it," sabi ni Maine at hinila siya papunta sa bintana. Akma nitong bubuksan ang glass window nang makakita nang anino doon. "S hit!" Tutop naman niya ang dibdib sa kaba habang kinukuha ang cellphone na noo'y tumutunog. Wala sa loob niya iyong sinagot. "Open your window. Hurry!" sigaw ng boses na hindi niya akalaing maririnig pa. Agad niyang binuksan ang bintana sa kabila ng pagpigil ni Maine. Kasabay ng pagpasok ni Vincent doon ay siyang pagbukas ng pinto. Itinulak siya nito sa likod ng sofa bago nito tahimik na pinagbabaril ang mga pumasok. "Are you okay?" tanong nitong niyakap siya pagkatapos alalayang tumayo. Nanginginig siyang tumango, lalo na ng mapansin ang dugo sa damit niya. Kinakabahan siyang umiling. "Ayos lang ako, Vincent," sagot niyang hinanap si Maine. Kumawala siya kay Vincent at nilapitan ang kaibigan. "Juskolord! Maine..." Nakaupo ito sa sahig, one hand in her bleeding stomach, Maine glanced at her bago lumipad ang tingin kay Vincent. "So this is Mr. Wrong, huh?" tanong pa nito bago tuluyang nawalan ng malay. "Maine!" she screamed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD