ALLY’s POV LUMIPAS ang 48hours na sabi ng Doktor at stable na ang vital signs ni Ninong Conrad. Ayon sa doktor inilipat na siya sa kanyang private room at naka monitor pa rin mga nurse sa kanya. “Good Morning Miss Dela Marced, So far, Congressman Del Rio is in critical condition, pero kailangan pa rin siyang i-monitor. Hintayin na lang natin kung kailan siya magigising kung kailan iyon we don’t know for sure.” Tinapik ng doktor ang balikat ko at tuluyan na siyang lumabas ng silid ni Ninong Conrad. Sunod-sunod naman ang dumalaw sa kanya, lalo na ang kanyang mama, si Donya Rosana. Pagpasok niya sa silid ni Ninong Conrad malamig niya akong tiningnan at lumapit kay Ninong Conrad na hindi man lang nagsalita. Tahimik lang akong naka masid sa kabilang side ng kama, hindi ko alam kung paano

