ALLY’s POV Dati kapag naririnig ko ang salitang ‘kampanya’, naiisip ko ay puro pulitika, mga pangako na walang saysay hindi natutupad at sadyang nakalimutan na. Pero ngayon, habang nakatayo ako sa gilid ng entablado kung saan nagsasalita si Ninong Conrad, iba na ang bigat nito — kasi alam kong bawat salitang binibitawan niya, para sa akin at sa mga pangarap naming dalawa, para sa pakinabangan ng mga residente ng ikaw pitong Distrito ng Cavite. Tinitingnan ko siya mula sa gilid. Naka-light blue polo siya, nakasuksok sa maong. Medyo mapayat pa rin siya mula sa mga nangyari, pero ang tono ng boses niya, matatag at buo. Nagsasalita siya tungkol sa mga proyekto, mga reporma, pero ramdam ko na sa pagitan ng mga salitang iyon, binibigyan niya ng mensahe ang lahat: hindi ko iiwan ang mga mahal k

